#22

72 1 11
                                    

AUDREY'S

Bigla akong nagising dahil sa panaginip. Hanggang sa pagtulog ko, sinusundan pa rin ako ng sakit. Sumisikip ang puso ko kapag naaalala ko ang nangyari noong gabing iyon. Naiinis ako dahil sa lahat ng taong pwedeng sumira ng gabing iyon ay si Keith pa talaga.

Nabigla na naman ako nang may kumalabog mula sa ibaba. Dali-dali akong bumangon at tiningnan ang orasan. Madaling araw na. Magnanakaw? Kidnapper? Hinay-hinay akong bumaba at tiningnan kung ano ang nangyayari sa sala.

"Susi... susi... susi.." Teka, boses yun ni kuya ah.

Nagmadali akong bumaba. "Ku— Keith?"

"Susi raw sa kwarto ng kuya mo." Umiwas ako ng tingin at hinanap ang susi sa kwarto ni kuya sa bag niya.

"Wala ka bang kamay at mata para hanapin ang susi ni kuya? Tss."

Tumikhim siya. "Sorry."

"Uuna na ako, ikaw na lang ang bahala sa kanya." Umakyat na ako at dinalian ang pagbukas ng pinto. Pinapasok ko muna si Keith habang inaalalayan si kuya na lasing na lasing na. "Keith, d'yan ka na lang matulog." Sinarado ko yung pinto at naglakad patungo sa kwarto ko.

Sasaraduhin ko na sana yung pinto nang hinarang ni Keith ang kamay niya.

"Ano ba?!" Tinaasan ko siya ng boses.

"Mag-usap tayo."

Pinilit kong isarado ang pintuan ngunit patuloy niya pa rin akong pinipigilan.

"Tungkol sa kung paano mo sinira ang gabing iyon?"

"Tungkol sa kung ano talaga ang nangyari noon."

Natigilan ako at tiningnan siya.


KEITH'S

Nasa sala kami ngayon at wala ni isa sa aming dalawa ang kumibo.

"Ri."

"Stop calling me that." Nanlaki ang mga mata ko.

"Why?"

"The Ri you're referring to is no longer here, Keith." Tinitigan ko siya na nakatingin lang sa baso niya.

"But you never changed, Audrey."

Tiningnan niya ako nang masama. "Diretsuhin mo na nga ako. Ano nga bang gusto mong pag-usapan?"

"Yung nangyari nga noon."

"So you're still thinking about that. Why are you still stressing over this?"

"Kasi nga mahal na kita."

"Then you're three years too late."

FLASHBACK

Birthday ni Ace at nagkataon na pinapunta kami sa bahay nila pagkatapos ng bagong taon.

"Keith!" Sinalubong ako ni Audrey at pinaupo sa sala nila.

"Anak, bigyan mo nga ang mga bisita ng kuya mo ng mga plato!" Sigaw ng mama niya galing sa kusina.

Sinunod niya naman ang utos nito at pinagmasdan ko lang siya.

"Hoy, baka matunaw si Ri dahil sa 'yo." Siniko ako ni Ace.

"Ano ba? Masama bang tingnan siya?"

"Alam mo Keith—"

"Hindi ko alam."

"Tss." Umirap si Jan. "Ano pa bang hinihintay mo? May gusto siya sa 'yo, dumiskarte ka na."

Tiningnan ko si Ace na tumatawa. "Keith, suporta ako sa inyong dalawa."

"Seryoso ba kayo?"

Sa totoo lang, wala naman akong gusto kay Audrey, eh. Oo, type ko siya pero ang bata-bata niya. I want someone who's mature like me. Pero, hindi naman siguro masamang makipagdate muna sa isang katulad niya.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon