CLYDE'S
Palubog na ang araw nang naisipan kong lumabas ng room at umuwi. Tahimik lang ako sa paglalakad pababa habang dala-dala ang gitara ko. Diyos ko! Take this away from me! Pagkain lang naman at happy family ang palagi kong hinihingi, bakit naghulog kayo ng isang Cielo na aabala sa puso ko? Bigla kong narinig ang paghuni ng mga ibon. Lord, is that You? Bakit niyo naman sinasabi na biyaya 'to? Parang sumpa e— "Aray!"
Bwisit. Nabangga pa talaga ako sa pader at.... Anak ng! "Ang gitara ko!" Dali-dali kong kinuha ang gitarang nasa sahig na. Sinuri ko muna kung may mga gasgas bago ako tuluyang bumaba.
"Sumpa nga talaga 'to, Lord. Baka nagkamali lang Kayo." Nang nakababa na ako ay nakita ko si Cielo na tahimik na umuupo sa bench.
Kalmado lang siya at tahimik na tinatanaw ang palubog na araw. Bigla siyang sumimangot at tumungo. Tinitigan ko siyang mabuti. Malungkot rin siguro siya dahil sa nagawa ko. Patawad kung ganoon, Cielo.
"Kanina ka pa ba d'yan?" Natauhan ako nang narinig ko ang tanong niya.
"Ah hindi. Sige bye." Kumaripas agad ako nang takbo.
Lagot na. Sana 'di niya namalayang kanina ko pa siya tinititigan. Bwisit! Lord, sabi ko pagkain lang eh! Hindi pag-ibig!
Umuwi akong pawisan. Tinakbo ko kaya ang school patungo sa amin dahil sa kaba. Cielo, ano ba tong ginagawa mo sa 'kin? Nakakabaliw na ha!
"Anak, ano ba yan? Ang laki-laki mo na bakit naliligo ka sa pawis? Magpunas ka dali!" Reklamo ni mama nang nakita niya akong nagpapahangin sa electric fan.
"Mommy, hinabol lang kasi ako ng aso." Sagot ko habang nagpapatuloy sa pagpapahangin.
"Anong sinabi mo?"
Patay! Gusto ko ng aso... Clyde, isip ka dali!
"B-Bakla! Ang sabi ko, bakla. Yes mommy, bakla. He. He." Tumago ako sa electric fan para 'di niya Makita ang nagpapalusot kong mukha. Mahirap na. "My, bakit ikaw yung nagluluto ngayon?"
Ngumiti lang si mama habang nagluluto. "Uuwi ang daddy mo ngayon!"
"Woah! Si kuya rin ba, uuwi? Miss ko na iyon." Natuwa ako sa sinabi ni mama. Ang tagal na rin kasing hindi umuuwi si papa galing sa London at si kuya simula noong nagcondo siya.
"Of course! Kompleto ang mga prinsipe ko ngayon!"
Nagpahinga muna ako sa kwarto ko. Killing the time.... by thinking... "Bwisit!" Ginulo ko ang buhok ko.
I never wanted this? I know I'm bound to fall in love. We all are bound to fall in love and love someone pero hindi ko naman inexpect na dadating ng ganito kaaga? Wait, anong love? Hindi pa siguro ito love, 'di ba? Teka... ano ng aba ang love? Kailan mo ba masasabing mahal moa ng isang tao at hindi gusto lang? Nakakastress 'to ah!
"Anak! Baba na, andito na ang papa mo!"
Hala! "Opo my!"
TRISTAN'S
Papasok na sana ako room ni ate dala-dala ang mga prutas nang narinig ko siyang may kausap sa telepono.
"Not now, Jan. Sobrang mainit pa ang ulo nila sa 'yo." Napatiim-bagang ako sa narinig ko.
"Ate bakit mo siya kinakausap?" Nagulat siya nang nakita niya ako kaya agad niyang pinatay ang telepono niya. "Hindi mo ba maintindihan ang sinabi ni mama? 'Wag ka nang makipag-usap kay Jan!"
Nanlaki ang mga mata niya sa mga sinabi ko at kinagat ang labi niya. At galit pa talaga siya ngayon?
"Hindi niyo kasi ako maintindihan! Bigyan niyo lang ng konting oras si Jan, please." Naluluha niyang sagot. "Mahirap man sa 'kin pero Tristan mas mahirap para sa kanya ngayon. Paniwalaan mo naman ako."
Ginulo ko ang buhok ko at nilapag ang basket nga prutas sa mesa. "Kumain ka na nga lang. Bilin ni mama iyan. Dapat mong sundin."
WREN'S
Buong araw wala kaming ginawa dahil club period ngayon. Tapos na rin kaming magdance showdown ng mga kaclub ko. Tiningnan ko silang tahimik lang na nagpapahinga sa dance studio. Mamimiss ko 'to. Since 1st year pa ako dito sa club na ito. Mamimiss ko silang lahat at ang studio na 'to.
"Guys!" Lumingon silang lahat sa 'kin. Kinuha ko ang gitara sa gilid at nginitian silang lahat. "Jam tayo?"
"Sige!" Agad silang nagtipon sa harap ko habang inaayos ko yung gitara.
"OPM tayo ngayon ah!" Nagsimula na akong magstrum ng Ligaya.
"Uy Ligaya! Yes!"
Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?
Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?
Tatlong oras na akong nagpapacute sa iyo
Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko
Kumanta sila nang kumanta. Tiningnan ko silang lahat na tumatawa at ngumingiti habang kinakanta ang lyrics. Ang sarap tingnan. Nakakataba ng puso.
Ilang isaw pa ba ang kakain, o giliw ko?
Ilang tanzan pa ba ang iipunin, o giliw ko?
Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo
Wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko
Napansin ko si Audrey na kakapasok lang ng studio at nagulat sa nangyari. Nalipat ang atensyon ko sa kanya habang naggigitara.
"Ayee!"
"Uy chorus na!"
"Kantahan natin si ate Audrey!"
Sagutin mo lang ako, aking sinta'y walang humpay, na ligaya
At asahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga
Umiling-iling si Audrey habang nagpipigil sa pagngiti dahil sa ginawa ng mga kaclub namin. 'Ano to?' Nabasa ko yung bibig niya at nagkibit balikat habang ngumingiti
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay na tahimika'at buong ligaya
Seeing her smile at me like that makes me smile from ear to ear. It's that smile, the same smile that led me to fall for her. Jusko, mahal ko talaga siya.
CIELO'S
Inaantok pa ako! Humikab ako habang hinihintay ang mga pinamili ko sa grocery. Ang bagal naman ng bagger na 'to. Nagugutom na ako, gusto ko nang kumain.
"Heto na po ma'am."
"Thank you." Nginitian ko lang yung bagger tsaka nagmadali nang maglakad patungong Mcdo.
Nang nakarating ako sa Mcdo ay nastress na agad ako sa haba ng pila.
"Bwisit? 300 na lang pera ko, uuwi pa ako." Kinuha ko ulit ang grocery ko at nagsimulang maglakad palabas ng mall. "Bwisit, bwisit. Nagugutom na ako sobra, ang layo pa kaya ng bahay ko. Bwisit."
"Cielo?" Nagulat ako nang may tumawag mula sa likuran ko kaya nilingon ko ito.
Bwisit. Sana di na lang ako lumingon.
"Clyde?"
![](https://img.wattpad.com/cover/15594127-288-k409858.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...