#15

85 3 12
                                    

WREN'S

"Hi gwapo!" May lumapit na bading at hinimas-himas yung braso ko. "Medyo badtrip ka ah, gusto mo ba ng good time?"

Patay, bakla.

"Di bale na. Mas mababadtrip lang ako kapag ikaw ang kasama ko." Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad pero hindi pa rin ako tinatantanan nitong bading na ito.

"Bad boy. Gusto kita." Nagpumiglas ako pero hindi siya bumitaw sa pagkakahawak sa braso ko.

"Ako hindi." Nabitiwan na rin niya ang braso ko nang nagsimula na akong tumakbo pero hinabol niya pa rin ako.

May naglink sa kanyang braso na ikinagulat ko. "Sabi na nga—"

"He's mine." Nginitian niya lang yung bakla at naglakad na kami.

Audrey Gatchalian.


Sinara ko yung pinto at napaupo sa sahig. Grabe. Parang lalabas na ang puso ko mula sa katawan ko. Hindi ko makontrol ang pagtibok. Parang hinaheart attack na hindi. Hindi ko maexplain kung anong nararamdaman ko.

He's mine.

Naalala ko na naman yung nangyari at kinilabutan ako.


AUDREY'S

I can't believe I just did that. I just can't believe I did. I was out of my mind! Hindi ko dapat ginawa iyon! Hindi ko dapat sinabi iyon!

"Hel—"

"Cielo! Ewan ko. Ewan ko, ewan ko, ewan ko, ewan ko." Paulit-ulit kong sabi sa kanya habang hinahawakan ang dibdib kong malapit nang sumabog.

"Hoy bruha! Ano bang nangyari sa 'yo? May nakita ka bang multo diyan? Hindi ka naman matatakutin, di'ba?"

Huminga muna ako nang malalim bago magsalita ulit. "I just saved Wren."

FLASHBACK

I decided to go home and not go with Keith at kay kuya kasi alam ko mabubwisit lang ako doon. I took the longest and the most dangerous way from school to my home kasi ito yung mas malapit sa plaza. Naghahum lang ako ng Love Yourself nang may narinig akong ingay.

"Di bale na. Mas mababadtrip lang ako kapag ikaw ang kasama ko." Teka, si Wren ba iyan?

"Bad boy. Gusto kita."

"Ako hindi." Siya nga. "Sabi na nga—"

"He's mine."

Ngumiti-ngiti lang ako hanggang narealize ko na I was linking my arm onto his. What the? Bigla akong bumitaw at dumistansya sa kanya at naunang naglakad. Naramdaman ko pa rin ang presensiya niya sa likod ko kaya tumakbo na ako patungo sa amin. Nakakahiya iyong ginawa ko. Pagkatapos ng ilang minuto ay huminto ako sa pagtakbo at nilingon siyang naglalakad patungo sa kanila.

"So sa kabilang village ka pala nakatira." Napangiti ako at nagpatuloy na sa paglalakad. "So near yet so far."

END

"Cielo, hindi ko na alam kung anong gagawin ko." I was totally frustrated. "I shouldn't have done it, di'ba?"

Narinig kong pumalakpak siya sa kabilang linya. "You did the right thing, Audrey. That was one hell of a move!"

"Eh?"

"Gusto mong mapasa'yo mo siya, hindi ba?"

"Uhh."

"Oh sige na! I'll hang up. Busy pa ako! Bye!"


KEITH'S

"Sige inom ka pa!" Binigyan pa ako ni Ace ng isang shot glass. "Hindi ka pa rin tinatamaan ng lasing? Grabe ah. Nahihilo na nga ako."

"Ace." Napahiga ako sa sofa. Dinadamdam ko yung kanta sa videoke. Lego House.

"Ano? Lasing ka na ba?" Pagtawa niya sa 'kin.

"Alam mo yung feeling na parang too late na yung lahat?" Tinitigan ko lang yung kisame habang kinakausap ko siya.

"Yung pareha sa amin ni Tricia?"

"Hindi. Yung feeling na too late ka na kasi iba na yung gusto niya at alam na alam mong kasalanan mo kung bakit iyon ang nangyari." I just sighed thinking of what happened years ago.

Years ago when I didn't take her seriously. When I just did it for fun.

"Is this about Audrey?"

"Ace." Umupo ako at tiningnan siya. "I think, this time, i'm already falling for her."

Nagkatitigan na lang kami ni Ace. Tumawa siya bago kumain ng chicharon bulaklak.

"Huli ka na nga talaga." Uminom pa siya ng isa pang baso.


WREN'S

"Aray!" Great. Nahiwa ko sarili kong kamay. Buti na lang hindi masyadong malalim ang sugat ko pero masakit pa rin. Next time hindi na talaga ako maghihiwa. Kaya kong gawin ang lahat 'wag lang ito. Naghihiwa na nga lang ako ng beef loaf tapos 'di ko pa magawa. Tss. Weakling ko talaga.

"How did the cooking go?"

Nakauwi na pala sila ate?

"Ate Ianne, I give up. Lutuan niyo na nga ako please. Nasugatan ako!"

"Maswerte ka at malakas ka sa 'kin! Kung si Chris pa yung sinabihan mo niyan baka ano pang masabi nun."

"Ano raw?" Sigaw ni ate sa labas.

"Ewan ko sa inyo." Tumawa na lang ako at humiga sa sofa sa sala.

"Anak."

"Po?" Dali akong nagmano kay mama bago humiga ulit sa sofa.

"May ibibigay ako sa 'yo. Total naman malaki ka na at kailangan mo na ito."

Nacurious ako. Ano kayang ibibigay niya? Wala naman akong kailangan ah.

"Wala pa namang pasko mama ah." Ngumiti lang siya sa'kin habang binibigay niya ang isang box sa'kin.

"Buksan mo na!" Sabi ni ate Chris habang pinapasok ang mga groceries.

Binuksan ko agad ang box ast nanlaki ang mga mata ko sa laman nito.

"Cellphone?"

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon