AUDREY'S
Bumuntong-hininga ako bago pumasok ng school gate. I am seriously nervous. It's my first time playing in front of everyone. Marunong naman talaga akong magvolleyball pero mas passionate ako in dancing so yeah, I refused to join the varsity.
"Audrey!" Lilingon sana ako nang niyakap ako ni Cielo mula sa likod. "Today's the day!" Sumigaw siya malapit sa tenga ko na medyo ikinabingi ko ng ilang minuto.
"Ano ka ba?!" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Of course, tao!" Ngumiti siya sa 'kin at sumigaw na naman.
"Bakit ka ba naninigaw, ha?"
"Excited ako at kinakabahan at the same time dahil sa 'yo."
Tumawa ako. "Thank you?"
Tumawa siya nang malakas at ginulo yung buhok ko.
"Ewan ko sa 'yo, magpapalit na ako." Umalis na ako at kinawayan siya.
"Goodluck, bruhita!"
First game of the day yung match naming seniors laban sa mga freshmen kaya nagpalit na agad ako pagkarating ko sa school.
WREN'S
"Another pose!" Tinuruan ako ng mga kung anong pose ni Clyde habang tumatawa si Tristan sa 'kin na naiilang sa mga pose.
"Kung ano na lang pinagagawa niyo sa 'kin ha."
"Naging waterboy ka kasi." Ani Tristan.
Umirap ako. "Tss."
Nagpose lang ako ng ilang minuto at dinaluhan silang dalawa na tinitingnan ang mga kuha ni Clyde galing sa camera ni Tristan.
"Ano ka ba naman Clyde, ang pangit ng mga kuha mo!" Binatukan niya ito.
"Puro blurred!" Nagtawanan kaming dalawa sa mga kuha ni Clyde. Parang multo na yung katawan ko.
"Pose ka na Wren!" Lumayo-layo ako sa kanya at nagpose. "One take lang ito ah!"
Dinaluhan ko agad si Clyde na manghang-mangha sa kuha ni Tristan. Tiningnan ko ito at tiningnan si Tristan.
"Photographer ba gusto mong trabaho?" Tanong ni Clyde.
"Passion ko lang."
"Teka, ipost natin ito sa instagram mo Wren!" Tumaas yung kilay ko.
"What is instagram?" Ngumanga sila. "Ano?"
"Patingin ng phone mo."
"Wala akong phone."
Nagtinginan silang dalawa sa isa't isa at humagalpak sa pagtawa, sa gitna ng field.
"Bakit wala?" Patuloy pa rin sa pagtawa si Clyde habang nagtatanong sa 'kin.
"Wala naman akong mapapala d'yan eh."
"Bili ka kaya!" Tristan.
"Pahingi ng pera, thank you." Pilit kong ngiti sa kanila.
"Grabe mo."
AUDREY'S
I was bothered. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina. Siya ba talaga iyon?
Nagflashback ang nangyari kanina.
Lumabas na ako ng washroom pagkatapos kong magpalit ng damit. Nagsimula na akong maglakad nang may nakita akong pamilyar na mukha. Medyo hindi ko ito maklaro kasi malapit siya sa puno. Dahan-dahan akong lumapit sa puno. Lumingon siya sa kanan kaya napaatras ako.
Keith Ocampo?!
Damn it. Hindi maari. Hindi siya iyon. That wasn't Keith.
"Ugh!" Tumakbo ako sa may bleachers only to find out na ubos na pala yung tubig sa water jog ko. Pinahiran ko yung pawis ko at chineck yung wallet ko. "Great, for lunch na lang yung pera ko. Saan na ako manghihingi ng tu—" Nakita ko si Wren na katabi ang isang box ng bottled water.
Inayos niya ang mga ito at nilapag sa isang table. He's a waterboy?
Napatingin ako sa water jog ko na walang laman. Gusto kong bumili pero wala na akong pera. Tsk. Nagsimula na akong maglakad patungo sa kanya pero umatras rin ako. Ugh.
Ilang minuto na akong nagpabalik-balik pero hindi pa rin ako makakuha ng tubig. Wren's my only chance.
"Audrey, mamaya na iyang pride mo." I reminded myself. Bumuntong-hininga ako bago nagsimulang maglakad patungo sa kanya. "Here goes nothing."
"Nakakapagod." Narinig kong sabi niya habang inaayos yung mga water bottles.
Humalukipkip ako at tumikhim. Nabigla siya at lumingon sa likod niya.
"Pwedeng manghingi ng tubig?" Tanong ko sa kanya habang tinitingan yung mga water bottles sa likod niya.
"Umm, hindi pwede eh. Ipapamigay ito sa mga players mamaya sa game." Tinaasan ko siya ng kilay. "Bumili ka na lang sa canteen."
"I'm a player kung hindi mo nakakalimutan."
"Naglaro ka na ba?" Bumalik siya sa pagtatrabaho. "Maglaro ka muna."
"Well, I won't be needing a water bottle later sa game kaya pwede ko na bang makuha ang share ko d'yan?" Mas nilapitan ko pa siya.
"Eto." Inabot niya ang isang water bottle sa 'kin nang hindi tumitingin.
"Thanks." Nginitian ko siya bago kunin ang tubig at umalis.
Nang tumalikod ako ay umirap ako sa hangin. Kainis. Anong problema niya ngayon? Nagsusungit.
Habang nagwa-warm-up kami ng mga teammates ko ay biglang sumagi na naman sa isip ko ang nangyari kanina.
Siya ba talaga iyon? Bakit ngayon lang siya bumalik kung kailan unti-unti nang nawawala yung feelings ko sa kanya? Bakit ngayon kung kailan sa tingin kong may gusto na akong iba?
"Audrey, okay ka lang ba?" Biglang nagtanong yung kateammate ko kaya bigla akong natauhan.
"Eh? Uhh, oo. Okay lang ako."
Isang set na lang ang natitira. Naipanalo namin yung first set laban sa mga freshmen.
Narinig kong tumunog na yung pito kaya nagserve na ako. "Yes pasok!" Bumalik ako sa court.
Ang intense na ng laban.
Challenging kasi marunong ang mga freshmen. Actually, marami nga silang sumali sa varsity pero hindi nakuha kasi nagdominate ang mga seniors ngayon.
"Go Audrey! Go Audrey! Go Audrey!" Ang ingay ni Cielo bwisit hindi ako makapagconcentrate.
Nilingon ko siya habang hindi ko pa naririnig ang pito. Nagulat ako nang medyo malapit lang sila ni Wren. Teka, sino yung titingnan ko? Ugh! Bahala na! Paglingon ko ulit ay nakita kong saktong ako yung magrereceive ng bola. Naspike ko ito at hindi ito nareceive ulit ng opposing team.
"Yes!" Napatalon ako nang may naapakan akong water bottle na gumulong-gulong na naging dahilan ng pagkatumba ko.

BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...