#41

19 1 0
                                    

AUDREY'S

Palapit na ang pre-midterms at mas nagiging busy na kami sa mga requirements na kailangang isubmit. Madalas ko na lang ring nakakasama si Wren tuwing lunch but it's okay since sabay rin naman kaming umuuwi. Kapag wala si Wren, si Tristan yung nakakasabay ko. Pareho kami ng breaktime eh.

"Audrey, mamaya mo na tapusin iyan. Malapit nang mag-12 oh." Hindi ko pinansin si Emma na kanina pa ako hinihintay na matapos sa pagrerewrite ng notes ko. "Sige ka, mauubos na naman yung favorite cookie mo sa cafeteria."

"Malapit na 'to, wait lang." Dali-dali kong sulat sa natitirang sentence.

"Hi girls! Sabay na tayong maglunch?" Napairap ako.

"Sure!" Emma.

"It's the third time, Tris." Minadali ko nang ligpitin ang mga gamit ko para makaalis kami sa table. "At hindi pa rin kami sasabay sa 'yo."

"C'mon!" Gulo-gulo niya sa buhok niya, halatang naiinis. Lumapit siya sa kaliwang tainga ko at bumulong. "Iset-up mo na lang ako ng date kay Grace. I swear, tatantanan na kita pagkatapos."

Humalakhak ako at nagsimula nang maglakad. "No need. Hindi ka rin naman susulputin noon." Iniwan ko na siya doon sa table habang kinakaladkad si Emma.

"Aasahan kita d'yan ah!"

"Teka, May gusto siya kay Grace?" I can totally see her disappointed face sa peripheral vision ko. "Ako na lang yung iset-up mo sa kanya!"

"No and no, Emma. Hindi niya gusto si Grace at hindi ka rin niya magugustuhan."

"Ang sakit noon, ah!"

"Ano nga ulit yung rule mo? Never date a fuckboy?" Nilingon ko siya.

"He doesn't look like one." Ngiti-ngiti niya.

"Stupid."


WREN'S

"Nasaan ka ba? Kumain ka na ba?" Huminto ako sa paglalakad at sinagot ang tawag ni Audrey.

"Papuntang lib. Hindi pa po kumakain."

"Gusto mo bang pumunta ako d'yan?" Napangiti na lang ako at umiling.

"Okay sana pero may klase ka pa mamaya. Don't worry, kakain naman ako pagkatapos ko dito. Bye, love you."

"Haha." Binaba niya na.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang umiiling pa rin. Ang weird talaga naming dalawa. Are we even a normal couple? Hindi ako nagtatampo kapag hindi siya nagrerespond sa 3-letter-word. Hindi rin siya naiinis kapag hindi ko siya narereplyan. Other couples would totally fight about this, especially si Clyde at Cielo. It's weird but it's our kind of normal.


Halos isang oras na ako dito sa library ngunit hindi ko pa rin mahanap ang kinakailangan kong aklat para sa exams. Ang lalawak pa ng mga shelves kaya hindi ko ito agad mahanap. Napabuntong-hininga na lang ako sa pagod.

"Bukas na lang ako babalik." Nagmadali na ako para makakain pa ng lunch. May 20 minutes na lang pala ako bago magklase. Tatakbuhin ko na lang ang lib papuntang cafeteria kahit ang layo. Nagugutom na rin kasi ako. "Ugh." Nahulog na naman ang mga aklat kong dala. Sa pagmamadali kong kunin ito ay may nahulog na envelope sa isang aklat ko. Weird. May nagbibigay rin ng mga sulat sa 'kin noong high school. Pareho yung envelope na ginamit. Umiling agad ako. Nope. Wrong idea. "Baka galing lang to kay Audrey." Babasahin ko na lang 'to mamaya.


AUDREY'S

"See you sa next class, Audrey." Bati ni Marco sa 'kin.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon