Palaisipan pa rin sa akin ang mga nangyari. Dumaan na ang pasko, bagong taon, birthday ni Audrey, at ang 10th monthsary namin na hindi wala nang kahulugan ngayon. 2016 na, niligpit na ang mga Christmas decoration at pinalitan na lahat ng kalendaryo sa bahay. Ang mga tao kay pinipilit naman ang kanilang mga sarili na magbago ayon sa kanilang mga New Year's resolution. Nagpapatuloy at umuusad na ang mga buhay nila samantalang ako naman ay parang nakulong sa huling buwan ng 2015. Kahit anong pilit ko ay hindi ako makausad. Nahihirapan pa rin ako.
Nalaman na ng mga kapatid ko ang nangyari sa amin. Laking paghihinayang nila sa paghihiwalay namin at halos umabot na sila sa punto na tutulong para magkabalikan kaming dalawa. Pati si Ace ay hindi rin makakapayag. Hinayaan ko na lang sila kasi alam ko namang walang mangyayari. Mauuwi lang sa wala ang lahat ng iyan.
Pasukan na ulit at abalang-abala na ang lahat sa pag-aaral sa nalalapit na midterms. Puspos na rin ako paghahanda sa departmentals. Sabi ni ate Ianne na maghanap na lang daw ako ng pagkakaabalahan para hindi ko masyadong maalala yung nangyari kaya heto ako ngayon, palaging nakatambay sa library na mag-isa. Hindi na rin nakakasama si Max kasi allergic raw siya sa library. Bahala siya.
Mabilis na lumipas ang mga araw at unti-unti nang nanunumbalik ang lakas ko na makipag-usap ulit sa ibang tao. Nabagot na siguro ako sa kaka-isolate sa sarili ko sa ibang tao. February na at busy ang lahat sa Valentines' concert. Pinagmasdan at tinitingala ko ang mga dekorasyong sinasabit na nila sa mga puno at pillars ng mga buildings. Natatawa ako. Pinapaalala nito ang kasabikan ko noon na mag-valentines kasi doon lang ako nagkakatiyempo na mabigyan si Audrey ng regalo. Hay. Bakit ko ba 'to inaalala? Dapat ko na nga siyang kalimutan 'di ba.
Nagpatuloy na lang akong maglakad papunta sa office. May aasikasuhin pa akong papeles. Hindi man natuloy ang planong kong huminto sa pag-aaral pero naisipan ko na lang na maging working student dito sa university.
Gumagastos pa rin kami sa maintenance ni mama at sa pangreview at board exam ni ate Chris. Nadelay na nga siya sa kababantay kay mama. Nauna na sila ate Mia sa kanya at ngayo'y lisensyado na. Siya na lang ang hinihintay ng barkada. Naisipan kong magworking student para ako na rin ang bahala sa allowance ko para mabawasan naman ang problema ni ate Ianne. Siya na lang ang inaasahan namin. Sa pagiging breadwinner niya ay nakalimutan na nga niyang maghanap ng boyfriend. Ayan, tumatandang dalaga. Sana may tumanggap pa sa kanya.
"Thank you, Adrian." Napahinto ako sa paglalakad nang narinig ko ang boses ni Audrey.
Madali ko rin siyang nakita kasi nasa bench lang siya at katabi niya si Adrian na ngayo'y binibigyan siya ng juice. Nagngitian sila at nagbiruan pa habang nag-aaral. Nagpalingon-lingon pa si Adrian sa kanyang gilid at likuran bago halikan ang pisngi ni Audrey. Umalis na lang ako sa kinaroroonan ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi ko itatanggi ang katotohanan na nasaktan ako sa nakita ko kanina. Hindi pa rin naman ako nakakalimot. Mahal ko pa rin siya. Ang saklap lang. Ako pa yung nakipagbreak, ako pa yung mas nasasaktan. Siya yung naiwan, siya pa yung nagsasaya. Ganoon na lang ba talaga kadali sa kanya? Wala pang dalawang buwan may bago na. Mabuti pa siya.
"Iinom mo na lang iyan." Sinamaan ko ng tingin si Tristan bago pinapak ng chips sa harapan ko.
Dinala ba naman ako sa inuman kasi single na ako. Parang kailan lang galit pa 'to sa 'kin dahol sa ginawa ko. Ilang bote na ng alak ang naubos niya at wala siyang planong tumigil. Knocked out na rin si Clyde. Nakakabanas na eh. Paulit-ulit na lang ang sinasabi ni Tristan.
"Kasalanan ko eh. Alam mo yun, pre? Ginago ko pero ako yung nagago sa huli. Hindi ko na sana nilapitan iyang Grace na iyan."
Nakakarindi. Napatingin ako sa relo ko at nakitang pa-alas onse na pala ng gabi. Paano ko mauuwi ang mga mokong na 'to?

BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...