#24

55 2 4
                                    

AUDREY'S

"Papa!" Dali-daling tumakbo si Alison nang makita niya sa papa na naglakad patungo sa amin.

"Kumusta na ang bunso namin?" Kinarga niya ito at dinaluhan na rin ni mama.

Nagmano kami ni Kuya sa kanya at ipinakilala niya rin ang girlfriend niyang sumama sa amin sa pagdiriwang ng pasko. Ang balita ko kay hindi umuwi ang mga magulang niyang OFW kaya sumama na lang sa amin.

"Hindi ka ba pinagloloko ng anak kong ito, hija?" Pabirong tanong ni papa sa girlfriend ni Kuya Ace.

Si Kuya lang ang nagmana ng sense of humor kay papa kaya sobrang sabog nito ngunit ang mukha kay kamukhang-kamukha naman ni mama. Minana ko naman lahat ng kay mama. Mula sa mukha hanggang sa attitude.

"Papa naman!" Napatawa ako sa reaksyon ni Kuya sa sinabi ni papa at inakbayan ang girlfriend niya. "Hindi kita kailanman lolokohin, promise."

Napairap ako. Kuya and his cheesy lines. Hindi ko pa masyadong kilala ang bagong girlfriend niya kasi dalawang buwan pa lamang silang dalawa. Kitang-kita ko sa mga mata nilang dalawa na mahal nila ang isa't-isa. Di kagaya noong sila pa ni Ate Tricia na puro na lang away at bangayan. They loved each other but napaso lang sila nito.

"Ri, may manliligaw ka na daw sabi ni Ace?" Agad kong nilingon si Kuya na lokong ngumingiti.

"H-Ha? Wala na. Tapos na." Pag-iiwas ko.

"Sus! Nagdedeny pa. Itong si Audrey, nagdadalaga na!" Kiniliti niya ako kaya sinapak ko naman. "Ito talaga, 'di na mabiro."

Inirapan ko na lang siya at sumakay na sa cruise ship na tinatrabahuan ni papa.


WREN'S

"Bunso! Nasaan na ang mga sibuyas!" Sigaw ni Ate Chris na kasalukuyang abala sa pagluluto ng mga recipes niya.

"Ito na!" Dahan-dahan kong nilapag ang mga plastic ng softdrinks at pinasok ang mga ito sa ref. Inabot ko na rin sa kanya ang hinihingi niya.

Christmas Eve ngayon at abalang-abala kaming apat sa paghahanda para sa Noche Buena. Si Ate Chris ang bahala sa pagkain, si Ate Ianne naman ay abala sa mga gifts, si mama naman naglilinis sa bahay, at ako, ang dakilang utusan nilang tatlo.

"Mag-aalas singko na Christina, hindi ka pa ba tapos d'yan sa niluluto mo?" Tanong ni Ate Ianne habang dinadala ang mga regalo sa sasakyan.

"Akala mo madali lang sa 'kin, to? Tulungan niyo kaya ako dito." Sigaw ni Ate sa kanya.

"Ayan na naman silang dalawa." Pabulong kong sabi para hindi na masala sa pagbabangayan nila.

Tinulungan ko na lang si Ate Chris para matapos na. Paglipat na lang naman ng lalagyan ang kailangan gawin eh.

"Wala na ba tayong naiwan?" Tanong ni Ate Ianne sa driver's seat.

"Wala na, senyora!"


AUDREY'S

Nilibot ng pamilya ko ang cruise ship habang ako ay natulog lang. Wala rin naman akong kasama sa paglilibot. Si Kuya kasama ang girlfriend niya, si Alison ay nanghingi ng date kay mama tapos si papa ay tinapos muna ang shift niya. Sana sinama ko na lang si Cielo ngunit hindi ko rin naman siya dapat kunin mula sa mga magulang niya kasi bihira lang itong umuwi ng Pilipinas.

Kung pwede lang sana si Wre— Ugh. Hindi ako pwedeng magkaganito kasi hindi naman kami pero kumusta kaya siya ngayon?

Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at binasa ang mga chat namin na tumatagal hanggang madaling araw. Napangiti ako habang binabasa ang mga ito. MU na ba tawag sa amin? Ewan. Napabuntong hininga ako at nagbihis para sa dinner mamaya. Hindi ko na lang siya itetext. He deserves his own time. Anyway, araw-araw na rin naman kaming magkausap mapatext man o tawag.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon