Medyo makulimlim ang langit at ang lamig ng simoy ng hangin. Malapit na ring magpasko. Mag-iisang oras na ako dito sa labas ng pier. Asan na ba si Audrey? Nilalamok na ako dito. Tigas kasi ng ulo. Sabi ngang susunduin ko na lang siya, ayaw talaga eh. May ilang minute na lang kaming natitira bago umalis ang barkong sasakyan namin.
Sobrang unexpected ang trip na 'to. Kahapon lang nga namin plinano 'to. Buti nga at pinayagan kami lalo na ako na halos hindi pinapayagan. Si ate Ianne na kasi ang nagdedesisyon sa bahay ngayong nasa ospital si mama pero nagpapaalam pa rin naman ako kay mama.
"I'm sorry I'm late!" Narinig ko ang sigaw ni Audrey sa malayuan.
Takbo siya nang takbo. Halatang nahihirapan dahil sa suot niyang sandals. Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi talaga nakikinig eh. Sinabing okay lang magsneakers. Heto siya nakadress. Hindi naman summer ngayon. Buti nalang at medyo fit rin yung nasuot ko sa dress niya. Plano ko pa namang mag pambahay.
"Sorry, pinaghintay kita."
Umiling na lang ako at ngumiti. Ayokong masira ang araw na 'to. Nakita kong namumula na ang paanan niya. Naglakad ba siya papunta dito? Kinuha ko sa kanya ang bag niya at sinundan siya patungo sa barko. Pinagpapawisan pa rin siya kahit ang sobrang lamig na ng panahon. Saan ba 'to pumunta?
Ibinaling ko na lang sa ibang bagay ang atensyon ko. Ang daming bagay ang bumabagabag sa 'kin ngayon pero hindi ko muna dapat isipin iyon. At least for now. Ang dapat kong pag-isipan ay kung paano ko mapapasaya si Audrey ngayong araw na 'to.
Tiningnan ko siyang mahimbing na natutulog. What a view. Agad ko siyang kinunan ng picture sa camera ko. Paano niya nagagawang maging maganda kahit nakapikit? Kumuha ulit ako ng picture. This time nagwacky ako habang tulog siya.
Mabilis kaming nakarating sa isla. Nakababa na kami pero kailangan pa naming lakarin ang resort galing sa pier. Malapit lang naman eh. Giniginaw na ako. Kanina pa humahangin nang malakas. Titiisin ko na lang muna. Okay lang basta hindi maginawan si Audrey. Sobrang nipis pa naman ng sinuot niya.
Wow. Ang ganda pala dito. Maliit lang ang isla pero ang festive. Maraming tao at kahit makulimlim ang langit ay buhay na buhay pa rin ang lugar. Binigyan kami ng mga puto. Free daw para sa mga turista sa isla. Ang gara.
Napansin kong napapahinto si Audrey sa paglalakad at minamasahe ang mga paa niya bago maglakad ulit. Dali-dali ko naman siyang binuhat.
"Saan ka ba kasi nagpunta kanina?"
Tumawa lang siya at ginala ang mga mata niya sa mga tanawin. Napangiti na lang ako. Cute.
Hindi na kami naglunch. Tinulog na lang namin ito kasi sobrang napagod kaming dalawa. Nang narating namin ang resort ay naghanap agad kami ng mga lugar at nagphotoshoot kuno. Inggit kasi siya kay Cielo at Clyde. Palagi naman kasing nagpopost ng mga aesthetic pictures nila. Gusto niya rin daw ng ganun. Pinagbigyan ko na lang. Minsan lang naman kaming kumukuha ng pictures, lulubusin na namin sa trip na 'to. Kahit saan na kami napadpad sa isla. Sa playground, poolside, seashore, pati nga yung gubat hindi niya pinalampas.
Siya lang talaga yung natulog. Minasahe ko na lang ang paa niya habang mahimbing siyang natutulog. Mapula-pula pa rin ang paanan pati na ang talampakan niya. Nag-aalala tuloy ako.
Nang nagising na siya ay nag-aya naman siyang magswimming.
"Oh, ba't hindi ka naka-bikini?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Naka-rashguard lang siya at shorts. Nakakapagtaka. Mahilig to swimsuits.
"Ang lamig kaya... tapos maraming nambabastos."
"Bakit nakadepende sa kanila ang susuotin mo? Magsuot ka ng kung anong gusto mo. At andito naman ako para protektahan ka eh. Ako pa?"
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...