#33

42 2 5
                                    

TRISTAN'S

Madaling natapos ang salo-salo dahil sa pagdating niya. Pinili ko na lang na tumahimik. Ayokong makadagdag sa gulong hinaharap ni ate ngayon. Pero galit ako, galit na galit.

"I already told you to stop contacting him! Mahirap ba iyang maintindihan, Mia?"

"But he deserves to at least see Jane! At kaya rin naman niyang magpaliwanag eh. Can't you just hear him out?"

Napakamot ako ng ulo ko at tinitigan siyang tahimik lang na nakaupo sa sofa. Si ate Chris ang nagbabantay ngayon kay Jane kaya di niya matulungan si ate dito. Hindi ko rin naman alam kung anong dapat gawin.

"Really now, Mia? At ikaw, hindi ba kanina pa kita pinapaalis, bakita andito ka pa?" Nanggagalaiti na si mama sa galit. Konting-konti na lang masasabunutan niya na si kuya.

"Ma, kaya kong magpaliwa—"

"Jan Alejandro, I'm never going to hear another shot of your lies!"

"Vivian, pakinggan mo naman siya!"

"Vivian? Nasaan na yung tinuro ko sa 'yo, Mia? Nabuntis ka lang ng lalaking iyan, nakalimutan mo na ang salitang respeto."

"Ma, I needed time. I wasn't ready noong sinabi niya sa 'kin na buntis siya."

"Kaya hindi ka nagpakita? Sa hinaba-haba ng nine months, ngayon ka pa lang naging ready?" I broke my silence.

My mind blacked-out. Ang tanging naisip ko lang sa oras na iyon ay ang suntukin siya and so I did.

"Tristan, stay out of this."

"Pero ate—"

"I said stay out of this!" Napabuntong-hininga na lang ako at sinipa yung sofa.

"Iba ka rin ate, ano. Ang tanga mo." Umakyat ako sa taas at nagkulong sa kwarto ko.

Bahala na sila. Sila na ang umayos sa gulong pinasukan nila. Tsk, siya na nga yung tinutulungan, siya pa yung umaayaw. Tangina.


WREN'S

"Good morning, Audrey."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Pumunta ka lang ba dito sa harap ng bahay ko para bumati?"

Sinamaan ko rin siya ng tingin pabalik. "Hindi ka ba kinilig kahit konti lang?"

"Wren, I'm not the cheesy type, remember?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Tumawa ako at ginulo ang buhok niya. "Ikaw talaga. Dumadalaw lang ako."

Ayan na naman siya. Tinataasan na naman ako ng kilay. The more I get to talk to her, the more I get to know of her different sides. Sometimes she's sunshine, the next she's the rain. She can be soft but most of the time she's dense. Wait, nagiging poetic na 'ata ako. Is this how love hits you? Wait, was that even poetic? Ewan ko.

"Audrey, I also need to court your family." Her face lit up. Thank God, nagets niya.

"Pasensya ka na, sabog pa siguro ako. Ikaw naman kasi, ang aga mong pumunta dito." Sabi niya habang binubuksan ang gate.

"10 AM na."

Hinarap niya ako. "So? I don't wake up until 11. You're early by an hour."

Tumawa ako. Hay, Lord. Ba't ang cute niya?

Pumasok kami sa bahay niya na nakatawa nang napansin kong andito rin pala ang mga kaibigan ni Ace.

"Hi kuya Jan!" Bumati siya sa doon sa gilid na tahimik na umiinom kaya naman napalingon silang apat sa amin.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon