WREN'S
"Naalala mo nung si Wren pa yung pandak sa atin?"
"Ano namang meron? At least ngayon, kaheight ko na kayo!" Nagtawanan kaming tatlo. "Naalala niyo nung pumasok tayo sa horror house tapos si Clyde umiyak at tinadyakan yung multo at nagbreakdown sa exit?"
"Tumahimik ka Wren ah!" Akmang bubuhusan niya ako ng tubig pero umilag ako at tumawa pa rin nang malakas.
"Alis nga kayo dito! Ginugulo niyo ako sa trabaho ko." Patawa kong sabi.
"Si Audrey na injured!" Napahinto sa ako sa pagtawa.
Tama ba yung pagkakarinig ko?
"Wren, natapilok si Audrey."
"Ano ka ba Tristan? Ano kung natapilok si Audrey? May kasalanan ba si Wren sa nangyari sa kanya?" Lumapit si Clyde sa 'kin at inakbayan ako. "Let's move on."
Wala akong magawa kundi sumang-ayon kay Clyde. May point rin naman siya. Wala akong kinalaman sa nangyari eh nagtatawanan lang kami dito.
"Ano ka ba Clyde? Mahal pa nga ng tao eh bakit ba pinipilit mo si Wren? Hindi madaling magmove-on at kalimutan na lang ang isang taong ilang taon mong minahal, Clyde."
"Bipolar na naman si Evangelista."
"Kung makapagsalita parang nainlove na, hindi naman."
"Hindi ka rin naman nainlove eh, edi quits."
"Pero mas mabuting kalimutan na niya si Audrey."
"Sinabing mas mabuting hindi madaliin si Wren eh!"
Putak sila nang putak. Hinayaan ko na lang silang dalawa at agad na tumakbo patungo kay Audrey.
Damn it. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na kakalimutan ko na siya ay hindi ko pa rin magawa. Nakakainis. Eh paano ba? Hindi ko naman siya kayang pabayaan ngayon at pairalin ang pride ko. Hay. Kapag mahal mo talaga ang tao...
AUDREY'S
Ilang minuto rin akong nakatunganga bago ko mapagtanto na na-injured na pala ang kaliwa kong binti.
"Shit." Pagmura ko nang pinilit kong galawin ito.
"Oh my Audrey, dali na!"
"Aray! Kita mo ngang hindi ako makalakad, kinaladkad mo pa ako!"
"Eh? Sorry! Tumatawag pa sila ng tulong!"
"Ako na nga lang!"
Nagulat ako sa sumigaw. Tiningnan ko lang ang mukha niyang punong-puno ng pag-aalala. Tiningnan ko si Cielo na nakanganga sa bumuhat sa 'kin habang binubuhat niya ako patungong clinic. Nagulat ako. Hindi ko ito inasahan. Iba yung inexpect kong tutulong at dadala sa 'kin sa clinic. Hindi siya yung inexpect ko. Ibang tao. I expected Wren.
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? I should feel happy. I should be happy na siya yung tumulong sa 'kin at hindi siya. I should be blushing and my heart should be beating so fast right now na i'm in his arms.
Bakit ba ako nasasaktan?
Bakit ba ako nagagalit?
Bakit hindi si Wren ang tumulong sa 'kin? Bakit hindi siya?
Bakit si Keith pa?
WREN'S
Palapit na sana ako sa kanya para buhatin nang may nauna sa 'kin. Huminto ako sa pagtakbo at hinabol ang hininga ko bago makatakbo ulit patungo sa clinic.
Nang nakarating ako ay umupo ako sa bench. Humihingal pa ako nang may lumabas na lalake galing sa clinic. Sa pagkakatanda ko, siya yung nagdala ni Audrey dito. Tinitigan ko siya. A new teacher.
Bago ko pa makausap yung lalake ay tumakbo na siya palayo.
Ilang minuto ang lumipas ay napansin ko si Cielo na nahihirapan habang dinadala ang tatlong bag ni Audrey. Agad ko siyang nilapitan at tinulungang dalhin ito.
"Grabe, ang bibigat." Reklamo niya habang nilalapag ang mga bag sa sahig. "Nakaya niyang dalhin ito lahat habang naglalakad patungo dito? Wow."
Hindi ko pinansin ang mga reklamo niya at diretso siyang tinanong.
"Ano ang nangyari sa kanya?"
Nahinto ang kanyang pagrereklamo nang narinig niya ang tanong ko.
"Naapakan niya ang isang empty water bottle kaya ayun natapilok siya." Bigla siyang tumawa na ikinataka ko. "Tapos kinaladkad ko pa siya kaya ayun, mas sumakit!"
Binatukan niya yung sarili niya na naging dahilan ng pagtawa ko.
"Okay, you need to go home now. I'm calling your mom at kuya para masundo ka nila." Napatayo kaming dalawa ni Cielo nang lumabas na ang nurse na inaalalayan si Audrey na nakacrutches.
"Miss, 'wag na po. I can wait here until dismissal."
"No, you need to go home immediately. Kailangan mong magpa x-ray."
"Ako na lang po yung hahatid sa kanya, kung pwede." Nilingon nila ako.
"Yes! Siya na lang po, miss. Wala rin naman siyang ginagawa dito ngayon eh. He can assist Audrey." Lokong ngiti ni Cielo habang inaakbayan ako.
"Are you sure? Baka mas lalong maaksidente lang ito?"
"Malapit lang bahay naming tatlo! Makakaya namin iyan!"
"Okay." Napa-oo namin ang nurse. Yes.
Tiningnan ko si Audrey na tumititig sa 'kin na parang galit.
What are you trying to imply with that look, Audrey?
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...