"Anong ginagaw—"
"Good afternoon, Sir Ocampo. Ano po pakay niyo?" Hay salamat at dumating si Cielo. Kung hindi pa siya dumating baka kung ano na ang nasabi ko sa kanya.
"Ah wala. Sige mauna na ako." Ngiti niyang sabi habang tinitingnan ako bago ito umalis.
Nang nawala na siya sa tanawin ko ay napairap ako.
"Anong ginagawa noon dito?" Tanong niya habang inuubos ang fries.
"Nangingistorbo, ano pa nga ba?"
"Audrey, kailan ka kikilos?" Narinig kong tanong ni Cielo pero dinedma ko lang.
Dito matutulog si Cielo sa bahay. Biyernes na tapos wala rin raw mga magulang niya sa bahay at ayaw mapag-isa.
"Hello! Di ako pumunta dito para dedmahin mo lang." Tumabi na siya sa 'kin na kasalukuyang nagtatype ng report.
"Ayoko." Ikli kong sagot.
Sumimangot siya bago nagsalita. "Ano ba naman! Tigilan mo na nga iyang pagpapabebe mo, wala kang mapapala dyan eh. Kung gusto, may paraan 'di ba?"
Napahinto ako sa pagtype at ginulo ang buhok ko.
"Hindi ko kasi kayang manguna."
"Ano ba pang hinihintay mo? Go signal? 'Wag ka nang maghintay pa! Hindi dapat sa lahat ng oras sumusunod ka sa batas ng pag-ibig. Ikaw ang magdedesisyon kung saan ka lulugar. Ikaw ang magdedesisyon kung ano ang gagawin mo." Napabuntong-hininga ako. "Anong klaseng signal ba ang hinihintay mo? Na makakahanap si Wren ng iba? Na may mang-akit sa kanya? Na diskartehan ka ulit ni Keith? Ha?"
"Tigil na."
"Iyan ka kasi eh, hindi nakikinig! Bahala ka na sa buhay mo, ikaw na nga tinutulungan dyan, ayaw mo pa." Nakita ko siyang umirap.
Nagring yung phone ko. Kinuha ko ito at sinagot agad.
"Hello! Sino ka?" Tumawa yung nasa kabilang linya. Lalake siya. "Saan mo ba nakuha number ko?"
"Kalma ka lang! 'Wag beastmode." Tawa siya nang tawa. I recognized his voice.
Keith.
"Sino iyang tumatawag?"
I just mouthed 'Keith' at her at mas lalong sumimangot ang mukha niya.
"Keith, I know it's you." Kumalma ako nang kaunti.
"Oh good! Anyway, it's been a while Audrey." Ganun pa rin ang kanyang boses, sobrang kalmado.
"Saan mo nakuha ang number ko?" Naisipan kong magtaray. Mas lalo lang lalala ang problema ko kapag sasabayan ko ulit ang trip nitong paasang 'to.
"Malamang sa kuya mo."
"O tapos bakit ka napatawag?"
"Namiss kita."
"Psh." Inend call ko. Tinapon ko yung cellphone sa kama at bumalik sa pagtatype. Bwiset.
"Bad timing niya naman. Ano bang sinabi niya? Bakit inis na inis ka?" Lumapit siya sa 'kin at tiningnan niya ako nang maigi.
"He misses me."
"What the actual!" Napatabon siya sa bibig niya. "Wow naman. Ang kapal talaga ng mukha niya ano. Ilang taon siyang hindi nagparamdam tapos ngayon kung makatawag parang walang nangyari? Grabe niya."
"He misses me." Bigla akong sinapak ni Cielo ng unan.
"Ano? Naniniwala ka? Don't tell me nahuhulog ka na naman sa patibong niya! 'Wag Audrey! Doon ka kay Wren please. Broken heart lang ang mapapala mo dyan kay Keith." Tinitigan ko siya at napayuko.
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Ficção Adolescente[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...