Prologue

933 22 11
                                    

"Audrey!"

"Audrey, wait!" Binilisan ko ang pagtakbo ngunit hindi ko siya maabutan. Ang bilis niyang tumakbo.

"Hoy, hintay nga mu— shet!" Malas nga naman at nadapa pa ako.

"Ang gwapo naman niya!"

"Lampa nga lang. Ka-turn off."

Nginitian ko na lang sila habang bumabangon mula sa pagkakadapa.

Muntik nang mawala yung atensyon ko sa kanya. Kung makatakbo itong babaeng 'to parang nakakita ng multo o hinahabol ng mabangis na hayop.

"Saglit lang, Audrey!"

Nagleft turn siya kaya sinundan ko na rin. Nakakapagod na pero kakayanin.

"Manyak!"

"Umalis ka nga dito!"

"Mamboboso!"

Tinaasan ko sila ng kilay at dahan-dahang tinanaw yung signage sa itaas at— patay. Humingi ako ng paumanhin sa kanila at lumabas.

"Tsk, pahiya." Paggulo ko sa buhok ko.

Hinintay ko siyang lumabas habang nakaupo sa bench malapit sa girls' washroom.

Sigurado akong dito siya pumasok. Hmm, baka call of nature kaya tinakasan ako. Hay, ilang minuto na rin ang nakalipas pero hindi pa rin siya lumalabas. Tumayo na ako at napagpasiyahang maghintay sa kanya malapit sa pinto.

Ilang minuto rin akong nakatayo doon nang bigla na lang siyang lumabas na nakangiti. Ang ganda niya talaga.

"Hi."

Nawala yung ngiti niya nang nakita niya ako at tumakbo na naman.

"Audrey, hintay! Saglit lang naman ito eh!" Hinihingal na ako ngunit mas binilisan ko pa yung pagtakbo ko kaya napigilan ko siya sa pagtakas.

"Hay salamat!"

"Ano ba?!" Inis na inis niyang sabi sa 'kin.

Hinihingal pa rin ako pero wala na akong oras para magpahinga ng ilang minuto.

"Miss killer smile." Tinitigan ko siya.

"Dalian mo nga!" Pag-iirap niya.

"Happy Valentines Day." Inabot ko sa kanya ang isang box ng Oreos na may kasamang sulat.

"Uhh, thank you." Nginitian niya ako pagkatapos niyang kinuha ang regalo mula sa akin at tuluyan nang umalis.

Kahit hindi yung killer smile niya yung pinakita niya kanina, okay na yun. At least tinanggap niya yung regalo ko para sa kanya.

"You're welcome!" Hindi ko na siya hinabol pa at nagsimula na akong maglakad patungo sa classroom.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon