#46

33 1 2
                                    

WREN'S

Hindi ako nakatulog nang maayos. Buong gabi kong tinawagan at tinext si Audrey ngunit parang nakapatay nga talaga ang cellphone niya. Pinacheck ko na rin kay Clyde kung anong nangyayari sa bahay nila Audrey. Wala namang nangyayaring masama sa kanila. Kahapon pa ako hindi mapakali. Ililigo ko na lang 'to. Ang clouded na ng utak ko. Magpakita ka sana mamaya, Ri.

Muntik ko nang hindi maabutan ang opening show ng Yves Days. Hinahanap nga ako nila Max pero nagpass ako. Kailangan ko talagang hanapin si Audrey. Punong-puno ang open stadium ngayon at inaasahan ko na andito siya. Nakapatay pa rin ang cellphone niya. Hindi ko na pinanood ang opening at naglibot-libot na lang sa stadium. Nagbabakasakali na makita siya sa karamihan ng tao.


Natapos na ang opening at hindi ko pa rin siya nakikita. Pinagpapawisan at kumakalam na ang sikmura. Tanghalian na pero hindi pa rin ako nakakakain ng almusal. Pagod na ako sa pagsalubong sa mga taong lumalabas ng stadium. Nagmumukha mang tanga pero alam na alam kong andito lang siya. Unti-unti nang lumiliit ang bilang ng tao sa stadium nang may napansin akong babae sa malayuan na hindi pa rin tumatayo sa kinauupuan niya.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at tinakbo ang pagitan naming dalawa. It was Audrey. Nakatungo lang siya, halatang nagpipigil ng mga luha at hindi mapakali. Marahil ay napansin niya ako at nagmadali siyang bumaba para lumabas ng stadium.

"Ri!"

"Audrey, mag-usap naman tayo oh!"

"Audrey!"

Ilang beses ko na siyang tinawag ngunit hindi pa rin niya ako nililingon. Takbo lang siya nang takbo at habol ako nang habol. Ano bang nangyayari sa kanya? Sa aming dalawa? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Nahabol ko siya at hinawakan ko na agad ang mga braso niya at pinaharap sa 'kin. "Audrey, ano bang nangyayari sa 'yo?"

"Bitiwan mo 'ko."

"Sabihin mo muna sa 'kin kung ano 'tong ginagawa mong pag-iwas sa 'kin."

"Bitiwan mo nga ako, Wren." Kalmado lang siya kahit kitangkita na sa mga mata niya ang galit na namumuot.

I cupped her face and looked at her straight in the eye. "Ri, look at me."

"Ayoko."

"Tingnan mo ako, pag-usapan natin 'to. We'll make this work, okay?"

"It's not even working anymore!" Inalis niya ang mga kamay ko at tiningnan ako nang diretso sa mga mata. "Ayokong makita ang pagmumukha mo at lalo nang ayokong makipag-usap sa 'yo ngayon. Kaya please."

Hindi na ako nakakapag-isip nang maayos. "Ha? Teka hindi kita maintindihan Ri." Humalukipkip siya at hinayaan nang tumulo ang mga luha niyang kanina pa niyang pinipigilan. "Magsabi ka nga ng totoo. Ano ba talagang nangyayari?"

"You want me to be honest?"

Napagulo ako sa buhok ko. Nagtataray na naman siya. "Audrey, hindi ako nakikipagbiruan dito."

"And you think I'm joking?" Her voice cracked and she cried even more. Umiwas ako ng tingin. Ayokong makita siyang umiiyak. Kaya lagi ko siyang niyayakap kapag umiiyak siya ay dahil sa ayaw kong makita siyang nagkakaganyan. Nanghihina ako. Akmang yayakapin ko sana siya nang lumayo siya sa 'kin. "Don't."

"Ri, please sabihin mo na." Naiiyak na rin ako. "Okay lang naman tayo kahapon ah."

"Akala ko rin." Napayuko na siya at humagulgol. "I thought we were okay. I thought things were back to normal. Ugh. Bakit ko pa ba 'to ineexplain sa 'yo? Hindi mo rin lang naman ako pakikinggan."

"That's not it. Alam mo namang pinakikinggan kita. Noon hindi ko magawa iyon pero things have changed." Hinarap ko na siya na pinapahiran ang mga luha niya.

"Things really have changed, Wren. Hindi na kita halos makasama o makausap. We don't do the things we used to do before. Lagi kong iniisip kung bakit bigla tayong nag-iba. Lumalayo ka na sa 'kin, eh."

"Bato ka nang bato ng mga bagay na hindi naman totoo. I never drifted away from you." Sabi ko habang unti-unting tumutlo ang luha ko.

"It's the truth. Hindi mo lang napapansin kasi abalang-abala ka sa mga bagay na maaaring makasira sa ating dalawa." Bumuntong-hininga siya bago ako hinarap ulit. "You know what? I think we both need space."

"We should talk this out."

"No, cool-off ang kailangan nating dalawa."

"Ri, naman." Nagmakaawa ako sa kanya. Hindi ko kaya ang cool-off.

"Yeah, right. Magcool-off muna tayo."

Hindi na ako nakasagot at napatunganga na lang habang tinitingnan siyang tumatakbo palayo sa 'kin. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari 'to. I'm not drifting away from her at mas lalong wala akong pinagkakaabalahan na maaaring makasira sa aming dalawa. Ang sakit. Ang sakit mapagbintangan. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko at napahagulgol ako nang mag-isa.


Part 1 of 3.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon