AUDREY'S
Tiningnan ko ang orasan. 2AM na pala. I cupped my face and blinked for a while. Gutom na naman ako pero gusto ko na ring matulog. I tried studying but my mind's too preoccupied with everything that's happening between me and Wren now. Lumipat ako sa kama ko at humiga na. Overthinking lang siguro 'to. Ugh.
Is Wren already drifting away from me?
Biglang nagring ang phone ko na ikinagulat ko. It was Wren. Why am I getting tearing up? Ayokong maging soft. I hate being like this. I sighed before answering the call. Bago pa ako makapagsalita ay inunahan niya na ako.
"Bakit gising ka pa?"
"I was studying." Pagdadahilan ko. I just hope he buys it. "It's not normal for you to call me at 2AM on a weekday. Anong nangyari?"
"Hindi ako makatulog, Ri." I didn't answer anything. Tumahimik kaming dalawa. It went on for minutes. Ang tagal. It wasn't even the kind of silence that's comforting. It's making me uneasy. "Are we okay?"
Hindi na naman ako makasagot.
"Ang lamig mo na kasi. Maybe it's my fault. Baka galit ka na kasi hindi na kita halos nasasabayan sa lunch o nahahatid sa pag-uwi. Baka naiinip ka na kasi ang boring kong kasama. May problema ba?"
Ramdam rin niya pala. I want to cry pero hindi pwede kasi maririnig niya ako at magkakaproblema na naman kami.
"I'm not needy. I'm never that kind of girlfriend kaya hindi ko kailanman magagawa iyan sa 'yo. You know that."
"I'm sorry."
"It's okay."
"I'll try to be better."
"Ako rin." I let out a sigh.
"Goodnight, matulog ka na. I love you."
"I love you." Binitawan ko ang phone ko at nagsimulang umiyak.
I don't even know what the hell my problem is right now. Ang hirap magtago ng hinanakit. I don't want him to drift away from me. Ayoko. Hindi lang talaga maalis sa isipan ko yung nakita ko kanina. Magkadikit silang dalawa habang nakikipag-usap sa kaibigan ni Alex. I'm not needy nor clingy but sobrang nagseselos ako everytime nakikita ko siyang kasama yung Alex na iyon o kapag binabanggit niya sa 'kin ang pangalan niya.
I must be crazy. I can't think that Wren's cheating. I know him. Hindi siya ganoong klaseng tao.
Maybe he's right. Baka ako lang talaga yung may problema.
The days went by. Naging okay ulit kami. Everything went back to how it was. I was right. I was just overthinking things. Lack of communication, I guess. Sabi nga nila, communication is the key to understanding. Hindi lang kami nagkakasundo dahil hindi na kami masyadong nagkakausap.
See you later at lunch! My treat.
"It's been a while since you smiled like that." Sinamaan ko agad ng tingin si Adrian.
"Okay?"
"I assume okay na kayo ng boyfriend mo?" I didn't answer him. Feeling close talaga. "Bakit ang taray mo sa 'kin?"
Hinarap ko siya at tinitigan sa mga mata. "Because you like me. It's too obvious and it's creeping me out."
"What about it?" Ugh! He didn't even deny!
Audrey, think! Hindi ka pwede matalo sa kanya. "I-I don't like people who creep me out."
"Weak comeback." Nanlaki ang mata ko habang tumatawa siya sa 'kin. Nakakainis talaga siya!
Hindi ko na lang siya pinansin pa at nagpatuloy sa pagrerewrite ng notes ko. Suspended class naming lahat ngayon kaya until 12 lang kami. Preparations kasi for Yves Days. It's tomorrow! Can't wait to enjoy the three-day event with Wren.
Ew? Bakit ang soft ko na? This isn't me at all.
Nagring na yung bell. Okay, gotta go. Binilisan ko na ang pagligpit ng mga gamit ko para maunahan si Wren sa cafeteria. We have this thing. Latecomer gets to buy ice cream.
"Audrey, may naiwan ka!" Si Adrian na naman.
"Bukas na lang!"
Kumaripas na ako ng takbo. I don't wanna buy ice cream for Wren! I'm broke! I immediately scanned every table sa cafeteria. Tsk. Ako na naman bibili ng ice cream. He's already there. Sign of defeat, naglakad na lang ako. I lost anyway. Malapit na sana ako nang nakita kong tumabi si Alex sa kanya.
Napahinto ako at napatitig sa kanilang dalawa. What is she doing there? Ba't niya kinakausap si Wren? Since when were they close? Dumidikit pa talaga? My legs are shaking. Gusto kong sugurin si Alex. Gusto kong magalit. Gusto ko siyang awayin pero hindi ako makagalaw. I can't do it. I don't know what's happening all of a sudden.
Akala ko ba okay na kami? I thought everything's doing fine. Why is he suddenly laughing and joking around with that flirt? It hurt me seeing him laughing like that. Never ko iyang nakita sa mga panahong magkasama kami. Ang unfair.
Tinalikuran ko sila at tumakbo na naman palabas ng cafeteria. Umiiyak na naman ako. Nakakahiya. This is why I hate being soft. It's making me weaker than how weak I already am. And I don't want anyone to see me in this state. Natetake advantage nila yung weakness mo eh.
"Audrey!" Nakita ako ni Tristan. Shit. He must not see me crying. Magagalit na naman iyon.
Nanghihina na ako. Bumabagal na ang pagtatakbo ko. Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa building namin. Humihingal na ako at napatigil sa may staircase habang umiiyak pa rin. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari. All I know is that I just wanna cry and cry.
Nakailang missed calls na si Wren pero hindi koi to sinasagot. I just wanna be away with him for a while. Maybe I was wrong. Maybe he's really drifting away from me. I don't want it to happen but I think it's already happening.
I was still crying while hugging my knees noong napansin kong may umaabot ng fountain pen sa 'kin. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Adrian na may dalang take-out. I immediately wiped my tears. Nakakahiya talaga.
"Why is it that you're still beautiful even when crying? Madaya ka."
WREN'S
Hindi sinasagot ni Audrey ang mga tawag ko. Hapon na at wala nang masyadong tao sa cafeteria. Nasaan na ba siya? Okay lang ba siya? Kanna pa ako dito sa table, hindi pa kumakain. Hindi ako mapakali.
Kahit saan na ako napunta. Sa tambayan nila nina Emma, sa stadium, sa cafeteria, sa library. Wala siya. Last resort ko na ang building nila. Binilisan ko na ang paghahanap sa kanya. Baka kung ano nang nangyari sa kanya.
"Tristan..." Tristan? Huminto ako sa paglalakad at tiningnan at men's cr kung saan nanggagaling ang boses ng babae.
Ugh. Stay focused Wren. Baka ibang Tristan lang iyon. Kailangan mong mahanap si Audrey.
"Wren? Bakit andito ka?" Nakita ko si Emma na lumabas ng women's cr.
"Hinahanap ko si Audrey, eh. Hindi mo ba siya kasama?"
"Ha? I saw her leave kanina. I thought she's with you."
Napagulo ako sa buhok ko. Nakakapagtataka. "Ah, thank you na lang. Salamat."
Tinawagan ko siya ulit. Hindi na talaga ako mapakali. Nakapatay na ang phone niya. Baka may problema siya sa bahay at hindi lang ako natawagan. Hay. Nagpapaalam iyon eh. Hindi iyon basta-bastang umaalis nang walang pasabi.

BINABASA MO ANG
Chasing Her
Genç Kurgu[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...