AUDREY'S
Grabe ang sakit ng ulo. Gosh ano bang nangyari kagabi? Ang naalala ko lang ay nag-usap kami ni Cielo tungkol sa kung anong gagawin ko kay Wren tapos pumunta kami sa bahay ni Clyde tapos nagkwentuhan tapos— Iminulat ko ang mga mata ko at dahan-dahang tinanaw ang paligid. Kalat na kalat lahat ng chips at maraming wine bottles. Napagtanto kong hindi ko pala kama at lalo nang hindi ang kwarto ko ang tinulugan ko kagabi. May biglang humawak sa paa ko na ikinagulat ko.
"Oh gising ka na pala?" Nagulat ako kay Tristan na pumasok.
"Ang aga-aga nanggugulat ka." Tumayo ako at kinuha yung dinala niyang kape. "Salamat."
Umupo siya at nagsignal na tabihan ko siya.
"What a wild night." Tumawa siya nang konti at uminom ng kape. Bigla siyang tumingin sa 'kin na ikinagulat ko ulit. "You were so wild. I didn't know you had that side in you."
Napahinto ako sa pag-inom ng kape ko at tinitigan siya.
"W-Wild?"
Napasmirk siya at uminom ulit. Hindi ko na siya kukulitin pa, gusto ko nang makaalis dito. Nilapitan ko si Cielo na kasalukuyang nakatulog sa sofa at inalog-alog ito hanggang sa nagising.
"Ang aga-aga pa Audrey, isang oras pa please." Hindi ko na siya natiis at dali-daling kinaladkad palabas ng kwarto. "Aray! Teka babangon na ako!" Binitiwan ko siya at nagmadaling bumaba.
"Good morning Cly— Oh!" Napajawdrop si i-don't-know-who basta maganda. Wala akong pake.
"Good morning po!" Nakuha pa ni Cielo ang bumati sa kanya. Tss.
"Cielo tara!" Tumakbo na ako palabas at nagmadaling pumasok sa bahay namin. "Hay salamat."
"Wah!" Tumili si Cielo nang nabasa siya. Nilingon ko kung sino yung nakabasa sa kanya at si kuya na dinidiligan ang mga halaman— Kuya?!
"Hoy saan kayo galing ha. Maligo na kayo." Binasa niya rin ako at tinapunan ng shampoo at sabon.
"Grabe! Dito talaga? Maliligo ako sa itaas!" Napatawa siya nang malakas sa inasta ko.
Ugh! Ang aga-aga nababadmood ako! Kainis!
Ang boring. Wala kaming magawa ni Cielo dito sa bahay. Katatapos lang naming maglinis. Tulog si bunso, si kuya may pasok, si mama may trabaho. Di ako makalabas!
"Matutulog na nga lang ako. Walang updates sa site eh." Sinara ni Cielo yung laptop niya at humiga sa tabi ko.
"Teka, 'wag ka munang matulog." Bigla kong sabi.
"Hmm?"
"Anong nangyari kagabi?"
Napalingon si Cielo sa 'kin. "Di ko alam." Tumalikod siya.
Inalog-alog ko siya. "Di ka nagsasabi ng totoo, spill it."
"Hindi ko sasabihin. Never!"
"Ano ba?!" Kiniliti ko siya sa tagiliran at nagsimula na siyang sumigaw.
"Clues!"
"Ayoko niyan."
"Clues lang nga mabibigay ko— Ah hinto na, please!"
Huminto ako at tinitigan siya.
"Wine."
"Wine?"
"Microphone?"
"What?"
"Necktie."
"Necktie?!"
"Bed."

BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...