#27

50 3 3
                                        

AUDREY'S

Buti na lang at nakaabot pa ako! Nang nakarating ako sa classroom ay dali-dali akong umupo sa upuan ko. Mabuti na lang walang assembly ngayon.

"Natagalan ka 'ata?" Tanong ng katabi ko.

Inirapan ko siya. Hindi ko na lang siya pinansin pa at nag-ayos na.

"Good morning class." Pumasok na Keith sa room na binati rin naman namin pabalik.

Kailan ba babalik si ma'am from leave? Sobrang naiilang na ako sa presensya niya. Hindi ko pa siya magawang iwasan kasi teacher siya. Tiningnan ko lang siya nang mabuti habang nagtuturo siya. I hope he's out of the school once our adviser comes back. I hate him. Wait, no. I don't hate him. I despise him. I loved him too much for me to harbor ill-gotten feelings for him, I guess.


Nang nagbell na for lunch ay inantay ko si Cielo sa labas. Pagkatapos nung overnight, nag-iba na siya.

"Matamlay ka na naman." Sabi ko sa kanya habang papalapit siya sa 'kin.

"Wala lang 'to."

Nang lumiko kami ay nagkabanggaan silang dalawa ni Clyde. Weird. Tinitigan lang niya nang saglit si Clyde tapos nagpatuloy lang sa paglalakad. Si Clyde naman, dali-daling naghanap ng madadaanan. Iniiwasan nila ang isa't isa? Tataasan ko sana siya ng kilay nang biglang hinawakan ni Wren ang braso ko.

"Ano?" Tanong ko.

"I-comfort mo na lang siya. Hindi rin namin alam kung anong nangyari doon kay Clyde."

Tumango nalang ako. Inalis ko yung kamay niya sa braso at susundan na sana si Cielo nang bigla siyang bumulong sa 'kin.

"Eat well, Audrey."

Smooth. Tiningnan ko siyang nakangiti at agad na sinundan si Cielo.


"Cie, okay ka lang ba talaga?" Tanong ko sa kanya na halos di ginagalaw ang pagkain niya.

"Okay nga lang ako." Matamad niyang sagot.

Bumuntong hininga ako. "The last time I saw you being like this was when Arnold cheated on you. Didiretsuhin na kita. This time, is it about Clyde?"

Sumimangot siya at tiningnan ako. "Sasabihin ko naman sa 'yo yung nangyari pero 'wag muna ngayon, okay?" Tiningnan ko siyang uminom ng tubig.

"Kumain ka." Ani ko.

"Wala akong gana. Hihintayin na lang kitang matapos." Umirap siya at nilaro ang buhok niya.

"Ang tigas ng ulo mo, kumain ka nga."

"Ayoko nga sabi, 'di makaintindi?"

Napabuntong hininga na lang ako. Gosh, she's a hopeless case.


TRISTAN'S

"Ano bang nangyari dito sa kanya?" Tanong ko kay Wren na kasalukuyang inuubos ang pagkain niya.

"Cielo." Sagot niya habang kumakain.

Napatitig ako kay Clyde na nakatakip ang mukha habang nakikinig ng music. Hinay-hinay kong tiningnan ang kantang nakaplay sa Spotify niya. Anak ng.... I Want To Know What Love is by Foreigner. Napailing na lang ako sa nakita ko.

"Wren, alam ko namang baliw si Clyde pero sa tingin ko mas nabaliw na siya ngayon."

Tiningnan niya rin yung nakaplay na kanta at napatawa siya. "May sayad na nga talaga."

Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na inalis ang earbuds sa tainga niya.

"I want to know what love is!"

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon