WREN'S
Science time na naman at timing na may lab activity. Pumasok kami sa lab nang lumapit si Audrey sakin at tinitigan ako. Ang ginawa ko lang ay yumuko. Ugh, please don't stare at me like that.
"Nasaan yung materials?" Nilapag niya yung envelope sa table namin. "Castro, asan na yung materials?!" Natauhan ako at doon ko narealize na naiwan ko sa classroom lahat ng dapat kong dalhin dito.
"E, sorry." Kumaripas ako ng takbo patungo sa classroom.
"Argh! Ang bobo ko talaga!" Reklamo ko habang kinukuha yung mga materials. Napahinto ako. "Nababaliw na ako!"
"Nababaliw ka na nga." Lumingon ako at tinanaw kung sino yung nagsalita pero wala akong nakita.
"Natuluyan na siguro ako." Sinarado ko yung pinto nang may nagsalita.
"Hoy baliw. Bakit mo kinakausap iyang sarili mo?" Nakita ko si Cielo.
"Ikaw na naman, ginulat mo ako." Inirapan niya ako. Nahawaan na yata siya ng kamalditahan ni Audrey. "May nakalimutan ka rin?"
"Hindi obvious?"
O baka red tide.
"Hintay Cielo!" Naabutan ko siya at sabay kaming tumakbo. Ang layo pa ng lab mula sa classroom. Mapapagalitan na naman ako ni Audrey. "Cielo."
"Ano?"
"Tips naman oh."
"Para saan?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Audrey."
Huminto siya sa pagtakbo at hinarap ako. This time, nasa sophomore building na kami.
"Gawin mo iyang mag-isa!"
"Naman oh, kahit isa lang."
"You love her? You do it your own way." Hinayaan ko na siyang makalayo.
Napabuntong-hininga ako. This is hopeless.
Nagbell na for lunch at lumabas na kami sa lab.
"Thanks to you, half of the perfect score lang yung nakuha natin." Pinagalitan ako ni Audrey. Tsk.
"Sorry na." Lumabas ang iyon nang kusa sa labi ko at lumingon siya sa 'kin.
"Kainin mo iyang sorry mo." Inirapan niya ako at naglakad palayo.
Dinalian ko ang pagkain ng pananghalian ko.
"Hinay-hinay lang d'yan, bro. Baka mabilaukan ka rin katulad ko." Humalakhak si Clyde.
"Gotta go!" Tumakbo ako patungong canteen para bumili ng Kitkat kasi hindi available yung Oreos ngayon.
Bumalik agad ako sa classroom only to find na wala si Audrey doon. Hinanap ko siya sa buong campus.
"Asan ka na ba, Audrey?" Tiningnan ko yung chocolate na unti nang tumutunaw habang naglalakad ako.
Huminto ako sa may clinic nang nakita ko si Cielo at Audrey na nasa loob ng clinic.
Nang lumabas na siya ay hinabol ko na agad ito.
"Audrey!"
Napalingon siya.
"I'm sorry kanina." Inabot ko agad sa kanya ang medyo tunaw na KitKat.
Hinawakan niya ito. "Yung medyo tunaw pa talaga yung nabili mo?"
"I'm sorry."
"Okay lang." Agad niya itong kinuha at binuksan.
Sabay na kaming naglakad patungong classroom.
"Napano pala si Cielo at hindi mo kasama ngayon?" Tanong ko.
"Dysmennorhea."
"Edi sana binilhan ko na rin siya ng chocolate."
"No thanks. That doesn't work for me and for her." Tinapon niya yung wrapper.
Nasa may girls' washroom na kami nang huminto siya sa paglalakad. Hinarap niya ako.
"Wren?"
"Hmm?"
"No need to say sorry." With that, umuna na siya.
Anong ibig niyang sabihin doon?
"Wren, ang gabi-gabi na. Huminto ka na sa paglilinis ng kwarto mo." Narinig kong sabi ni mama mula sa labas.
"Opo ma!" Niligpit ko na lahat ng kalat nang may nahulog na litrato mula sa mesa.
Pinulot ko ito at tinitigan. It was our first picture together two years ago bago kami sumayaw para sa year-end celebration. Funny how it looks like. Tinitingnan ko siya habang siya, nakapokerface na humarap sa camera. Napangiti ako habang tinitingnan yung picture. Ibinalik ko ito sa album at humiga na sa kama ko.
Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Audrey kanina sa stairs. Why do I feel like na unti-unti nang nagmemelt yung ice niya? Iba yung inexpect ko na reaction niya nung inabot ko sa kanya yung medyo tunaw na KitKat. Akala ko magagalit siya, hindi pala. Mabuti naman at ganun yung reaction niya.
Hay.
When will Audrey learn to love me back?
![](https://img.wattpad.com/cover/15594127-288-k409858.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...