#32

38 2 0
                                    

ACE'S

Natapos na rin ang di ko matapos-tapos na plate! Biyernes ngayon at saktong wala na akong ibang kailangang gawin kaya gagala na lang muna ako. Tumambay muna ako sa 7/11 na malapit lang sa building namin at bumili ng juice. Tahimik lang ako habang umiinom nang nagvibrate ang phone ko. Oh? Anraming nagtext? Himala. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko at nakita ang mga mensahe.

Ivy: Love, may biglaang meeting ang org. Sorry, di ako makakasabay.

Dali-dali kong nireplyan ang girlfriend ko na okay lang. Binuksan ko ang ikalawang mensahe na galing kay Audrey.

Ri: Kuya, saan ka na?

Napakamot ako ng ulo ko. Itong batang 'to. Hinihintay pa talaga akong umuwi para makakain.

Magpadeliver ka na lang ng Mcdo o Jollibee. Try mo rin magtambay sa kusina minsan baka matutunan mo pang magluto. Matatagalan pa ako dito.

Matapos ko siyang sinagot ay binasa ko ang huling mensahe na galing kay Tim.

Tim: Libre ka ba? Nasa Red Box kami ngayon.

Napangisi ako. Finally! Lalabas ako ng Friday night! Tinawagan ko na muna si Ivy, nagpapaalam kung saan ako pupunta.

"Love, sila Tim kasama ko.... Wala ngang babae, promise!" Nagsimula na akong maglakad palabas ng 7/11. "Uuwi rin naman ako nang maagi, 'wag kang mag-alala— Aray!" Nalintikan na at nadulas ako. Tiningnan ko ang paligid. Hay, mabuti na lang at walang nakakita. "Ha? Wala iyon. Sige na love, malelate na ako, bye, love you!"

Hay! Kahit kailan ang lampa ko pa rin.


Nang makarating ako nang Red Box ay naghihiyawan at nagkakantahan na ang mga kaibigan ko.

"And'yan na pala si Ace!" Dinig kong hiyaw ni Tim habang nasa mic.

Uupo na sana ako nang nakita ko ang mukha ng gagong si Keith na ngumingiti habang kumakain. Nag-igting ang panga ko at hindi na ako nagdalawang-isip na sugurin siya at suntukin.

"Itinuring mo ba talaga akong kaibigan?" Tanong ko sa kanya habang pilit na pinipigilan ang galit na namumuo sa puso ko. Nakita ko siyang ngumisi kaya sinuntok ko siya ulit at tinulak sa pader.

"Ano bang nangyari?" Narinig kong nagtanong si Tim.

"Kung itinuring mo nga akong kaibigan, hinding-hindi mo magagawa kay Audrey iyon." Tiningnan ko si Jan at Tim na gulat na gulat sa nagawa ko. "Party's over, uuwi na ako."


WREN'S

Ang aga kong nagising. Naunahan ko yung alarm clock ko. Napakaexcited ko naman. Bumangon na ako at pumunta sa baba. Dumiretso ako ng kusina para kumuha ng tubig.

"Ang aga mong nagising ah." Nasamid ako nang narinig ko si ate Chris. Kainis.

"Ang aga mong nambubwisit ah— ate naman!" Binatukan ba naman ako.

"Baka kung saan mo dalhin si Audrey ngayon, lagot ka sa amin."

"Baka kung saan ka mapadpad mamaya ah, lagot ka sa boyfriend mo." Hinarap niya ako at hinay-hinay na naglakad palapit sa akin. Kumaripas na ako ng takbo sa taas bago pa niya ako maabutan. "Hindi ka na talaga mabiro!"

Nagmadali na ako sa pag-aayos. Ilang minuto na akong nakaharap sa salamin pero hindi ko pa rin alam kung ano ang susuotin ko ngayong araw na 'to. Hindi ko rin alam kung bakit kinakabahan ako. Ano namang meron kung Valentines' Day ngayon. "Ugh!" Hinubad ko ang shirt ko at nagpalit ng blue na polo.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon