#35

39 2 0
                                    

WREN'S

"That was the first time you said something cheesy!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "So?"

"Wala lang." Nagkatinginan kaming dalawa at nagtawanan.

Nakaupo lang kami sa labas ng gate nila, nakauniporme pa din. Sinasamahan ko siya habang hindi pa dumadating ang pamilya niya. May kanya-kanyang ring lakad sila mama kaya ayoko munang umuwi.

Nakangiti ko siyang tinitigan habang nagkukwento siya. Ang swerte-swerte ko. Ang swerte ko talaga. Nang napansin niya akong nakatitig lang sa kanya ay binatukan niya ako.

"Umuwi ka na nga!"

"Uuwi na sana pero hinalikan mo e." Tinitigan niya ako nang ilang minuto bago makabatok na naman sa 'kin. "Aray!"

"Ilang baso ng asukal ba iinom mo araw-araw? Diyos ko."

Nagtawanan lang kaming dalawa doon sa mga kwento namin. It's our first day, 1st of March. Sana ganito rin kami sasaya sa mga susunod na araw, susunod na linggo, susunod na buwan, at sa susunod na taon. Kahit anu-ano na lang ang mga pinag-usapan naming at hindi na namin namalayan ang oras hanggang sa dumating ang sasakyan ni Ace. Tumayo na kaming dalawa nang lumabas ang mama niya.

"Magandang gabi po, tita." Bati ko.

"Magandang gabi rin, Wren. Ba't andito ka pa? Alas nwebe na." Nakita kong lumabas si Ace sa sasakyan niya at sumandal lang.

Tinitigan ko lang si Audrey habang hinigit niya ang braso ko.

"Ma." Ngiti niyang sabi. "Kami na."

Nagkatinginan kami ng mama niya at ni Ace kaya napangiti na lang ako.


Limang araw ang dumaan magbuhat noong sinagot niya ako. Lumabas kami ngayon para magdate. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Ilang beses na naman kaming lumabas pero ngayon lang ako kinabahan nang ganito. Nababaliw na siguro ako.

"Sorry, late ako!" Nakita ko siyang tumatakbo patungo sa tagpuan namin, ang labas ng mga subdivision na aming tinitirhan. "Kanina ka pa, ba?"

Umiling ako at nginitian siya habang inaayos ang buhok niyang magulo dahil sa kakatakbo. Nginitian niya ako pabalik, hinahayaan akong ayusin ang buhok niya.

"So saan tayo ngayon?" Tanong ko.

"Kahit saan basta kasama ka." Ngiti-ngiti niyang sagot at umuna nang maglakad.

Napasinghap ako bago tumawa nang malakas. "Ano iyon? Ano iyon?" Pagmamadali kong lakad para abutan siya.

"Wala." Nakapamulsa niyang sabi habang nagkibit-balikat.

Siya talaga. Narinig ko naman iyon e. Gusto ko lang ulit marinig galing sa kanya. Minsan na nga lang siya maging sweet.


Dinala niya ako sa café na paborito nila ni Cielo. Medyo malayo pero worth it rin kasi may library na siya sa loob. Nag-ikot muna kami sa library bago mag-order.

"Ang dami naman, hindi ko tuloy alam kung anong babasahin ko." Pinasadahan ko ng tingin ang mga titles ng bawat libro.

"Anong favorite genre mo?" Napatingin ako sa kanya. "Book genre."

"Ah.... Romance." Tinaasan niya ako ng kilay habang pilyong ngumingiti. "What?"

"No wonder you're so cheesy." Iling-iling niya. "Punta ka doon sa mystery section. I'll try to read your favorite and you'll do the same. Game?"

Nag-isip-isip ako. "Okay."

Kumuha siya ng isang libro mula sa shelf sa kanan niya at tiningnan yung title. "The Best of Me by Nicholas Sparks." Nagkibit-balikat siya at dumiretso sa counter para mag-order ng drinks namin.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon