AUDREY'S
Sabado ngayon at wala akong magawa sa bahay. Natapos ko na rin kagabi ang mga requirements na kailangan ipasa sa Lunes. Humikab muna ako at nagstretching nang kaunti bago hugasan ang kinain ko noong hatinggabi. Tahimik lang akong naghuhugas nang biglang pumasok sa kusina si kuya at kumuha ng tubig. Hindi ko na lang siya pinansin pa at nagpatuloy na sa paghugas ngunit huminto siya sa gilid ko pagkatapos nilapag ang kanyang ginamit na baso sa lababo.
"Sabihin mo nga sa 'kin."
Hindi ko pa rin siya pinansin. Papansin na rin naman talaga itong unggoy na 'to eh.
"Anong pangalan ng crush mo?"
Pinatay ko muna ang gripo bago siya hinarap. "Ano bang paki mo?"
Loko siyang ngumisi. "Hindi ba pwedeng concerned lang ako sa baby Ri ko?" Nagsimula na akong mainis nang ginulo niya ang buhok ko.
"Kuya, ano ba!" Lumayo ako sa kanya. Gosh. Ang aga-aga naghahanap ng away.
Tumawa siya at tumakbo patungo sa 'kin. Nagsimula na rin akong tumakbo patungo sa ikalawang palapag ng bahay namin. Mangingiliti na naman 'to kainis.
"Humanda ka sa 'kin Ri!" Sumigaw na ako at nagsimulang tumawa nang naabutan niya ako at kiniliti ako sa aking tagiliran.
"Hoy tama na!" Naiiyak na ako sa katatawa.
"Sabihin mo na kasi kung sino." Kiniliti na rin niya ang leeg ko kaya mas napasigaw na ako. "Hala ka, pupunta talaga ako sa school mo para hanapin siya!"
Napahinto ako sa pagtawa nang naalala ko yung gabing iyon. Yung gabii na hinatid ako ni Wren at nakita siya ni kuya.
FLASHBACK
"Sino siya?"
Nagulat ako sa nagsalita.It was Kuya Ace. Inirapan ko na lang siya at nagmadaling umakyat sa hagdanan.
"Audrey, boyfriend mo ba iyon?"
Hindi ko na siya pinansin pa at pumasok na sa kwarto ko. Nilock ko na ang pinto pero putak pa rin siya nang putak sa labas.
"Buksan mo 'to!" Katok pa rin siya nang katok.
"Kuya! Kaibigan ko iyon, ano ba!" Tinakpan ko ang mga tainga ko ng unan ngunit dinig ko pa rin ang kanyang boses mulas sa labas.
"Mapapatay kita, Audrey! Isa!"
"Ayoko!"
"Isusumbong kita kay mama! Dalawa!"
"Sinabi ngang ayoko eh!"
"Malilintikan ka talaga sa 'kin. Tatlo—"
Pinilit kong hindi siya pakinggan ngunit nakakairita na kaya binuksan ko na lang ang pinto. Nang binuksan koi to ay biglang na lang siyang natumba sa sahig. Gosh, ang lampa niya pa rin.
"Ano ba?"
Agad siyang tumayo at nilock ang pinto na ikinagulat ko.
"Ano bang gagawin mo?"
"Mag-usap nga tayo." Sabi niya sabay upo sa kama ko.
"Nag-uusap na tayo." Umirap ako sa kanya sabay halukipkip.
"Boyfriend mo ba?" Nagsimula nang kumalma ang tono ng kanyang pananalita.
"Hindi!"
Hindi ko naman talaga boyfriend iyon. Pag hinatid ng lalake ang isang babae, magsiyota na agad? Ganun?
"Kailangang manigaw? Bakit ang defensive mo?"
"Anong defensive? Hindi ko nga siya boyf—"
"Manliligaw?"
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...