AUDREY'S
Naging maingay ang hall sa mga usap-usapan at musikang pinapatugtog. Tahimik lang akong kumakain habang nag-uusap-usap ang mga kaibigan ko na pumunta sa kabilang table. Pinagmasdan ko lang silang lahat. Gumaganda at pumopogi talaga ano kapag binibihisan nang ganito. The magic of suits and gowns. Hinanap ng mga mata ko si Wren pero hindi ko ito makita. Baka nagwashroom lang. Kainis naman kasi. Sino ba ang gumawa ng seat plan na 'to at pinaghiwalay kaming mga babae at lalaki? It's such a hassle. For all I know naman kasi, bet ng mga couples ang party na 'to kasi may partners sila.
Ugh. Nasaan na ba yung Cielo na iyon? Iniwan ba naman ako dito sa table na mag-isa. Siya lang naman palagi kong nakakausap sa classroom.
"Audrey, ang tahimik mo ah. Okay ka lang ba?" Tanong ng ka-table kong kababalik lang galing sa ibang table.
Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Hay, nabobored na ako. Makapunta nga lang ng washroom. Tahimik at walang masyadong gumagamit ng washroom kaya dito muna ako tumambay.
Okay, I change my mind. Lalabas na lang ako. Gosh, dapat akong mag-enjoy pero hindi ko naman magagawa iyon kasi nawawala ang mga magaling kong kaibigan. Saan na ba iyon nagsuo—
"Ano ba?!" Sinubukan kong kumawala sa humigit sa 'kin ngunit ang higpit ng pagkakahawak niya sa 'kin. "Ano ba, nasasaktan ako!"
Dinala niya ako sa isang lugar na dim yung lights. Sapat ito para makita ko siya. Si Keith na naman. Hay, kailan ba 'to matatapos?
"Ano na naman ba?"
"Gusto lang naman kitang makausap."
Suminghap ako. "Do you really have to drag me all the way here?"
"Bakit? Gusto mo bang mag-usap tayo sa harap ng mga kaklase mo?"
Humalukipkip ako at inirapan siya. "Ano ba talagang gusto mong pag-usapan?"
"Wala na ba talagang natitira d'yan para sa 'kin?" Nakatungo lang siya habang nakasandal sa pader.
Napabuntong-hininga na lang ako at napatitig sa kanya. "Keith..." Inangat ko ang mukha niya.
"I'm going to Canada." Pirmi niyang sabi. "Pero pwede ko itong tanggihan. I'm willing to reject it for you."
"Keith, let me go." Napatitig siya sa 'kin. "Go to Canada if that's what it takes for you to forget me."
"And now, the most-awaited games!"
Narinig ko ang mga hiyawan sa loob ng hall kaya napatitig ako sa kanya. "I'm sorry, Sir Ocampo. I need to go." Ngumiti ako sa kanya bago bumalik sa hall.
"Saan ka ba nagsuot? Hinanap ka ni Wren kanina." Ani Cielo.
"Nagpahangin lang." I faintly smiled.
Nawala ang atensyon ko sa games at mas pinagtuunan ng pansin ang nangyari kanina. Ugh. So he's really going to Canada. I think it's for the best for me, for him, for Wren. Ayoko nang may iba pang manggulo sa buhay ko. Ayoko na ring may taong sumasasakit kay Wren. Ugh! Umiling-iling ako. Whatever.
"Okay ka lang ba?" Nagulat ako nang tinapik ako ni Wren.
"H-Ha? O-Oo, okay lang." I smiled to assure him.
Nginitian niya ako pabalik. "Tara, sayaw tayo."
Tinaasan ko siya ng kilay at tinanaw ang paligid. Tapos na yung games? Tapos na yung program?
Napaupo siya at hinawakan ang mga kamay ko. "Are you really okay? Pagod ka na ba?"
"No, okay nga lang ako. Sayaw na tayo."
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...