WREN'S
December 29 ngayon at inimbitahan kami nina Cielo, Clyde at Tristan para sa early birthday celebration ni Audrey. Sa bagong taon pa ang kaarawan niya ngunit gusto daw ng papa niya na makita ang mga kaibigan niya kaya napagdesisyunan daw nitong mag-outing.
Bihira lang akong payagan ni mama na gumala kapag bakasyon kaya susulitin ko na ito ngayon.
"Andito na ba lahat ng mga kaibigan mo, Ri?" Tanong ng papa niya sa kanya.
"Opo."
Sumakay na kami sa sasakyan nila. Mabuti na lang at nagkasya kaming apat sa likod.
"Antagal rin nating hindi nagkita! Namiss ko kayo!" Pagsasaya ni Clyde habang niyayakap si Tristan.
"Nababading ka na naman." Hinayaan na lang ni Tristan na yakapin siya nito.
Nagtatawanan lang kaming lahat sa sasakyan nang nagkatuwaan sila Clyde at Ace. Audrey's family wasn't so scary after all.
Nang nakatulog na ang lahat ay naisip kong itext si Audrey.
Hindi pa nagsisimula ang outing pero nag-eenjoy na ako.
Sinend ko ito at tiningnan siyang nakatingin lang sa view na makikita sa bintana niya. Narinig kong tumunog ang phone niya kaya agad niya itong kinuha at binuksan. Nang nabasa niya ang text ko ay tiningnan niya ako at masayang nginitian.
Biglang nagflashback yung una naming pagkikita sa utak ko. That smile, her killer smile, was the only reason why I got interested in her aside from her pretty face. Hindi ko inakalang magseseryoso ako sa kanya.
Great.
And again with the cold replies. Hindi pa talaga ako nasanay.
"We're here!" Humiyaw si Alison at tumakbo papunta sa pool na sinabayan naman nina Clyde at Cielo.
"Parang mga bata talaga oh." Halakhak ni Tristan habang binababa ang mga bag nila kasama ni Ace.
"Ang mature mong mag-isip para sa edad mo Tristan, ah." Sabi ni Ace.
Napangiti na lang ako nang marinig ko iyon. Seryoso na talaga iyang si Tristan kahit noon pa. Siya rin naman kasi ang pinakamatanda sa aming tatlo ni Clyde. Wala rin kaming masyadong alam tungkol sa buhay niya bukod sa pambababae niya. Magkababata kami ni Clyde at nasali na rin sa aming dalawa si Tristan noong 1st year.
"Ako na lang dyan, anak. Kayong tatlo mag-enjoy muna kayo." Lumapit ang papa nila na ikinangiti ni Ace.
"Sigurado ka pa, ah! Tara na Tris!" Hinatak ni Ace si Tristan palayo para magsaya na.
"Oh ikaw, hijo. Hindi ka pa ba papasok?" Binaba ko ang huling bag at tiningnan siya.
"Tutulungan ko na lang po kayo, sir—"
"Tito. Tito na lang itawag mo sa 'kin. Tito Andres."
Napahinto ako at tiningnan lang siyang nakangiti. Nakita niya sa mga mata ko ang pag-alinlangan na tawagin siya ng 'tito' kaya napatawa siya.
"Wren, hindi ba? Dali na, mahuhuli ka na sa kanila."
Binuhat na naming dalawa ang mga bag at pumasok na rin.
Dito kami mag-oovernight sa isang mountain resort. Ang sobrang lamig nga ngunit nakaya pa rin nilang maligo sa pool.
"Hoy, Wren! Magbihis ka na! Dito tayo sa jacuzzi!" Sigaw ni Clyde sa 'kin nang natapos kong magpahinga sa kwarto.
"Ang ingay mo talaga! 'Wag na!" Umupo ako sa lounge at kumuha ng juice.
Pinagmasdan ko lang sila na nagkasiyahan sa pool. Wala pa yata sina Ace at Audrey. Saan kaya iyon nagpunta?
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Ficção Adolescente[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...