#16

97 3 6
                                    

WREN'S

"Binyagan na natin iyang cellphone na iyan!" Agad na tumakbo si Clyde sa bag ko at hinalungkat ang mga gamit ko.

Ikalawang araw na ng second semester. Malapit na ring magpasko.

"Kalma ka lang, Clyde. Bininyagan niya na iyan." Winiggle ni Tristan ang kilay niya sa 'kin. Ogag.

"Bastos mo talaga." Binato ko siya ng plastic bottle para maitapon niya sa basurahan. "Contacts lang nila mama ang andiyan."

"Oh? Seryoso?" Ipinakita niya ang cellphone ko kay Tristan. "Hanep ah. S6 Edge!" Inopen niya ang phone ko na walang password at pinaglaruan ito. Kung makagamit siya parang cellphone niya.

Nakita kong dumaan si Audrey sa harapan naming ngunit binalewala ko lang.

"Hoy Audrey!" Bigla na lang tumakbo si Clyde patungo sa kanya na ikinagulat ko.

"Hoy ibalik mo iyan!" He just stuck his tongue out. Kainis.

Nakita ko kay Audrey na nagulat siya sa biglang paglapit ni Clyde sa kanya na hindi naman sila close.

Napahinto sa Clyde sa pagngiti nang nakita niya ang inis na mukha nito. "A-Ano.. Si Wren nanghihingi ng digits mo." Nanlaki ang mga mata ko. Nanlaki rin ang mga mata ni Audrey.

What the.

"For future purposes lang raw." Lumingon si Clyde sa 'kin pagsabi niya noon na ikinainis ko.

"Ah ganun ba." Agad niyang tinype ang digits niya sa phone ko at nagsimulang maglakad palayo nang lapitan na naman ni Clyde.

"Picture mo rin!" Agad nagpicture si Clyde kay Audrey saka tumakbo papunta sa amin ni Tristan.

"Ano bang plano mo?" Kinuha ko na ang phone ko at itinago sa bag para hindi na nila galawin pa.

"Pasalamatan mo na lang kaya ako through a libre?" Winiggle niya ang mga kilay niya na naging dahilan ng pagbatok ko sa kanya.

"Aray!"

"Manahimik ka nga."


Ilang oras na akong nakatutok sa bago kong cellphone. Hindi ko pa rin maintindihan kung anong katuturan ng Twitter at Instagram. Kontento na naman kasi ako sa Facebook.

Naisipan kong tawagan si Tristan dahil wala na talaga akong ideya kung ano ang mga ito at gusto ko na i-uninstall lahat.

"Hel—"

"I-uuninstall ko lahat ng mga apps."

"No! Importante iyan sa pagsstalk mo kay Audrey."

Huh?

"Stalk? Akala ko ba magmumove-on na tayo sa kanya? Anong nangyari sa inyong dalawa ni Clyde? Kung nauntog man kayo, huli na ang lahat." Natahimik ang linya niya. Inend call niya ba? "Hel—"

Bigla siyang tumawa. "Ano ba, hindi ka naman mabiro. Kailangan iyan. May accounts kami ni Clyde dyan, itetext ko na lang sa 'yo yung usernames namin."

"Ewan ko sa inyo." Inend call ko na at nag-explore ulit.

Hindi ko na nga lang ito i-uuninstall.


AUDREY'S

Kanina pa ako lakad nang lakad sa sala. Hindi ako mapakali. Tutok na tutok ako sa cellphone ko. Hindi naman siguro masamang mag-expect na itetext niya ako, hindi ba?

"Ugh!" Sumigaw ako at nagpatuloy nang maglakad-lakad.

"Magmamarathon ka ba? Kanina ka pa dyan ah." Natigilan ako.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon