WREN'S
"Salamat at tapos na ang exams!" Pagsisigaw ni Clyde sa corridor nung nadismiss na kaming lahat.
"Bilang na lang ang mga maliligaya nating araw!" Niyakap ni Cielo si Audrey na dinaluhan naman ni Clyde. Ayun, napasali na rin kami ni Tristan.
"Mamimiss ko itong tandem natin!" Ngumuso si Cielo at humilig kay Audrey.
Nagtawanan kaming mga lalaki sa sinabi ni Cielo.
"Ang corny mo!" Ani Clyde habang sinusubuan ang girlfriend niya ng Kitkat.
"'Wag naman kayong PDA! Utang na loob!" Pagmamakaawa ni Audrey na ikinatawa naming dalawa ni Tristan.
Totoo rin naman eh. Mamimiss kong magkasama kaming apat. Hindi ko kailanman inisip na mapapabarkada ako sa mga babae. Sa tatlong taon ng high school tanging si Clyde lang at Tristan ang palagi kong kasama.
"Ang OA niyo, maglunch na nga tayo!"
Nagdesisyon kaming doon kumain sa bahay ni Tristan at maghangout ngayong tapos na lahat ng exams. Ang layo pala ng bahay nila mula sa eskwelahan. Hindi kayang lakarin. Milagro na lang at pumayag siyang doon kami pumunta. Ang private niya kasing tao. Konti lang ang pinapaalam niya tungkol sa buhay niya pati na rin sa pamilya niya. So far ang nalalaman lang namin ni Clyde tungkol sa kanya ay galing siya sa isang broken family at nabuntis ang ate niya. Ano kaya nakain nito at nagdesisyong ipakilala kami sa pamilya niya.
"It took me four years but here it goes." Binuksan niya na ang gate ng bahay niya at napanganga kaming apat.
"Socialite." Sabi ni Audrey.
"May pinoprotektahan palang reputasyon."
Ang laki ng bahay niya. Wow. Sino namang mag-aakala na ang isang tulad ni Tristan ay mayaman. Tahimik lang kaming apat habang sinusundan siya sa loob. Mas lumaglag ang panga ni Clyde nang nakapasok kami sa loob. Ang laki-laki ng sala nila. Kalahati lang nito sala ng bahay namin eh. Sumunod lang kami kung saan siya sumuot hanggang sa narating namin ang silid-kainan nila.
"Nasaan na ba— oh! And'yan na pala sila!"
"Hi ma." Nagmano si Tristan sa mama niya at umupo na. "Upo na rin kayo!" Pag-iimbita niya.
Hindi ko nilingon ang ibang mga taong nakaupo na. Nakakahiya naman kung agad kaming mag-enjoy dito. Tahimik lang kaming apat habang papunta sa kanya-kanya naming upuan. Paupo na sana ako nang narinig ko si Audrey.
"Kuya Jan?"
Tiningnan ko ang mga taong nasa harap ko at nagulat ako sa nakita ko. "Ate Chris?" Anong ginagawa niya dito?
What a small world. Magbestfriend kami ni Tristan at ganoon rin ang mga ate namin. Turns out ate Mia also knows who ate Ianne is maliban sa 'kin. It's understandable for Tristan's part not knowing me as ate Chris' brother simply because hindi ako masyadong nagkukwento about sa kanya and vice versa. Hindi naman talaga kami close ni ate Christine. Lagi lang talaga kaming nagbabangayan kapag magkasama kami. Ang OA niya naman kasi.
It's freaky for Audrey's part. Kaming tatlo lang ni Clyde ang nakakaalam tungkol sa buhay ni Tristan. None of the girls know about this kaya mindblown sila ngayon. Kaya pala sobrang problemado tingnan ni Jan noong bumisita ako kina Audrey. Dahil pala sa ate ni Tris at ang pamilya nito. Mabuti at nagkaayos na silang lahat. Narinig kong medyo nagpisikalan sila ni Tristan.
"So magkakilala pala kayo." Sabi ni tita sa kalagitnaan ng pagkakain. "Small world nga talaga."
Tahimik lang kaming lahat maliban sa kanya. Nakakatakot siya parang anytime pwede ka nang kainin. Napatingin ako kay Clyde na tahimik lang at sobrang focused sa kinakain niya. Wala talaga akong maaasahan sa lalaking 'to once kumakain na. Tiningnan ko si Cielo na nginingitian si tita habang kumakain. Hindi ba siya takot sa kanya? Pinasadahan ko ng tingin si Audrey na tinitingnan si Jan habang kumakain. Hmm.
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...