#58

51 1 2
                                        

Minasdan ko si Audrey na tahimik na kumakain ng sandwich na binili ko. Hindi ako magsisinungaling sa sarili ko na wala lang yung narinig ko kasi sa totoo lang, ang sobrang sakit. Ang sakit marinig mismo sa kanya na hindi na siya sigurado sa aming dalawa. Na gusto na niyang sumuko. Na pagod na siya. Pagod rin naman ako ah. Pero hindi ako dapat magpadalos-dalos. Hahayaan ko muna ito ngayon. Kakausapin ko na lang siya mamaya pag-uwi namin.

Pilit kong kinakalimutan yung narinig ko kanina pero hindi ako tinatantanan ng isip ko. Paano niya nagagawa iyon? Ang magpatuloy kahit sukong-suko na siya? Kahit ayaw niya na? Galit ako pero hindi ko alam kung bakit at kung sino? Sa kanya ba madaling sumuko? O sa akin dahil ang incompetent ko? Napapikit na lang ako.

Time out muna. Ayoko pang isipin 'to. Mamaya na.


Nagtaxi na lang kami pauwi kasi medyo nahilo si Audrey. Tahimik lang ako sa buong biyahe. Hindi ko alam kung tahimik rin ba siya dahil sa dinaramdam niya o dahil wala na siyang gana. Kung anu-ano na namang iniisip ko. Tumingala ako para pigilan ang mga luhang namumuo sa mata ko. Balot na balot na ang puso ko ng sakit at galit. Sumisikip ito kada minuto at nahihirapan na akong huminga. Kahit pagpikit ay hindi ko na magawa dahil sa bawat pagpikit ng mga mata ko ay naaalala ko ang nakaraan. Ang mga masasayang alaala. At mas nasasaktan lang ako doon.

Totoo ba kaya yung pinakita niya sa 'kin? Sinagot niya ba talaga ako dahil mahal niya ako o naaawa lang siya sa 'kin? Tama bang pinaglaban ko pa siya kahit ilang beses na niyang pinakita ang lahat ng dahilan kung bakit dapat ko siyang sukuan?

Samu't-saring mga tanong ang bumagabag sa isipan ko at mas lumalala lang ito. Dinadaan ko na lang ito sa pagbubuntong-hininga.

"Are you okay?" Nagulat ako nang narinig ko siyang magsalita.

Bigla akong nataranta kung anong sasagutin ko. Ano bang dapat kong sabihin? Na nasasakal na ako dito? Na halos hindi na ako makahinga sa sakit? Na nanggagalaiti na ako sa galit?

"Oo. Kumusta ang pakiramdam mo?" Gago.

Tumango lang siya at ngumiti at naramdaman kong mas sumikip pa ang puso ko. Parang pinipiga habang lalong sumisikip. Pagod na ako ngunit gusto ko pang lumaban. Gusto kong ipagpatuloy ko pero paano ko gagawin iyon kung ako lang mag-isa ang lumalaban? Kung ang isa ay pasuko na?

Agad akong tumalikod sa kanya at dali-daling pinahiran ang mga luha ko. Ayokong makita niyang nagkakaganito ako. Mas ayokong malaman niya na dahil ito sa kanya.

Nang nakita kong palapit na kami sa bahay ni Audrey ay nagmadali akong kumuha ng pambayad. Ako na mismo ang nagdala ng bag niya para hindi na siya mapagod pa.

Pinipigilan ko pa rin ang sarili ko na umiyak. Nakasunod lang ako sa kanya na papasok ng gate nila. Ang bigat ng pakiramdam ko. Tinitiis ko pero ang hirap. Nanginginig na ako at hindi ko na halos magalaw ang paa ko.

"Hindi ka papasok?"

Umiling agad ako habang inaabot sa kanya ang bag niya. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko ngayon. Puso ko'y sumisikip, pinipiga at mas kumakabog lang ito. Pakiramdam ko'y sasabog na ito. Maging ang labi ko ay nanginginig na rin.

Mas kumabog ang puso ko nang naglakad siya palapit sa 'kin habang ngumingiti.

"Thank you, Wren. If it weren't you, I'd never have the happiest day of my life." Audrey, 'wag.

Lumapit pa siya at mabilis akong hinalikan bago ako ngitian ulit. Audrey, mas pinapahirapan mo lang ako.

"I love you—"

"Magbreak na tayo."

Napabitaw siya sa bag niya nang narinig niya ang sinabi ko. Ang ngiti niya'y nag-iba at napalitan ng simangot. Sumabay naman ang pag-agos ng luha kong kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit. Ang sakit-sakit.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon