#47

30 1 1
                                    

WREN'S

Nagising ako sa kwarto ko na may sakit sa ulo at sugat sa mga labi. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi kagabi. Ang tanging naaalala ko lang ay nakita ako ni Max sa university at inaya akong makipag-inuman. Hindi naman talaga ako umiinom. Nadala lang talaga ako sa pagpupumilit ni Max at sa pinagdadaanan ko kahapon.

Binuksan ko ang phone ko at agad na nagsilabasan ang mga notifications. Chineck ko yung thread namin ni Audrey. Sa halip na messages niya yung makita ko, yung drunk texts ko ang nabasa ko.

Audrey, may iba ba?

Ayaw mo na ba sa 'kin?

Ako ba yung problema?

Ahdejey plesde naman og. Di kura mainfindihan pleadsse

Mas sumakit tuloy ang ulo ko. Alas-onse na pala.

"Welcome to college." Gulat na gulat ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si ate Chris na may dalang pagkain. "Ang aga mong nabinyagan ah."

"Gandang pambungad mo rin, ano?"

"Hulaan ko, si Audrey dahilan niyan, ano." Hinampas ko na siya ng unan para tuluyan siyang lumabas.

Kainis. Ba't niya ba alam? Close ba sila ni Audrey? Teka, sino bang naghatid sa 'kin?


Pumasok pa rin ako kahit masakit pa ang ulo ko. Ayoko rin namang magmukmok sa bahay kasi walang tao. Nagpapachemo na naman si mama kasama ni ate Ianne. Kasama ko lang si Max ngayon sa panonood ng basketball games para hindi mabagot.

"Defense! Defense!" Mas uminit na ang laro sa CAS laban sa COE.

"Max, paano ako nakauwi kagabi?" Naguguluhan pa rin ako kung bakit wala akong naalala at kung bakit may pasa at sugat ako sa katawan.

Pinasadahan niya lang ako ng tingin at humalakhak habang binabalik ang atensyon sa laro. "Wala ka ba talagang naaalala?"

"Hindi naman siguro ako magtatanong kung may naalala ako, 'di ba?" Aray. Sumasakit na naman ulo ko at mas sumasakit dahil pinapatagal ni Max ang pagkukwento sa kung anong nangyari.

"Lasing ka na noon nung nagkarambolan kayo ni Tristan. Shoot mo na dali! Shit, dali! Maayos pa pakikitungo niya sa 'yo hanggang sa inunahan mo siya sa pagsuntok, eh. Pasa mo kay 20! Ang bobo!"

"Hindi kita maintindihan, isang bagsakan na dali!"

Tinitigan niya lang ako at umiling. Nagpapathrill pa talaga 'tong mokong na 'to.


Sinipa-sipa ko ang mga bato habang nakaupo sa bench malapit sa field. Iniwan na ako ni Max matapos niyang maikwento sa 'kin ang mga nangyari. Nag-aalala lang pala yung tao tapos sinuntok ko. Hindi na talaga ako pwedeng malasing ulit. Nagiging basagulero ako eh. Ginulo ang buhok ko. Si Tristan pa talaga yung naghatid sa 'kin pag-uwi. Hay, kailangan ko yung makausap at hingan ng patawad.

"I saw you last night." Nagulat ako nang naramdaman ko ang lamig ng soda sa balat ko. Si Alex, na naman.

Kinuha ko na lang ito at binuksan habang umuupo siya sa tabi ko. Wala talaga ako sa mood na magsalita o kaya'y makipagbiruan sa kahit kanino ngayon. Kailangan ko pang maayos ang relasyon namin ni Audrey.

"I didn't even know na umiinom ka pala. I went to your table and we spent time then some guy came so—"

"May nangyari ba sa ating dalawa kagabi?"

Akmang iinom na siya ng soda niya pero napatawa na lang siya sa sinabi ko. "I wish." Napatingin ako sa kanya na ngayo'y malagkit akong tinititigan.

"Ano bang ibig mong sabihin, Alex?"

Mas lumapit pa siya sa 'kin at pinasadahan ng tingin ang labi ko. "Wren, I—"

"Nagcool-off lang kayo ni Audrey, nilalandi mo na agad iyang linta na iyan?" Napalingon agad ako sa kaliwa ko. Alam kong si Tristan iyon. Siya lang naman ang may kakayahang dumiretso sa 'kin. Tiningnan niya akong maigi na para bang nagsasabi sa 'kin na mali itong ginagawa ko. Itong pakikipag-usap ko kay Alex. Wala namang mali. Magkaibigan lang kami. "Pinagsisihan kong tinulungan kitang makawala sa babaeng 'to kagabi. Konting-konti na lang talaga, kinama ka na nito eh." Lumipat naman ang tingin niya kay Alex. Napasama ang tingin ko sa kanya na ngayo'y hindi makaharap sa aming dalawa. "At ikaw, Alex. Respetuhin mo naman ang sarili mo. Kating-kati ka na ba talaga? Ang cheap mo, gago. 'Wag kang nakikialam. Naninira ka ng buhay ng ibang tao eh."

Umalis na si Tristan. Tinitigan ko si Alex na hindi na makaharap sa 'kin. Nakatungo lang siya. Napailing ako at napagulo sa buhok ko. Iniwan ko ang soda na binigay niya at sinundan agad si Tristan na nakakalayo na. Hay, ano na naman ba ang nangyayari?


Nagkulong ako sa kwarto ko. Ayaw makipag-usap ni Tristan sa 'kin. Galit na galit. Hindi rin sumasagot si Clyde. Baka umabot na sa kanya ang balita. Pati rin si Cielo ay hindi ako nirereplyan. Lalo na si Audrey. Gumulong ako sa kama ako at nag-isip-isip. Ba't parang kasalanan ko lahat 'to? Kasalanan ko ba?

"Ugh, sobrang naguguluhan na ako." Napahilamos ako at sinuntok ang headboard ng kama ko.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nakipagcool-off si Audrey sa 'kin. Hindi naman ako lumayo sa kanya. My mind and my heart has always been with her. Kulang na lang siguro sambahin ko iyon. Hindi ko rin naman siya mapigilan noon. I could've done something to save us pero ayaw niyang magsalita. Ayaw niya akong paintindihin.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit bato sila nang bato ng kung anu-ano sa 'kin. Hindi ko naman nilalandi si Alex. Kaibigan lang talaga yung pagtingin ko sa kanya.

Wala naman akong ginagawang masama so why put the blame on me? Bakit pinapalabas ng lahat na may ginagawa akong masama?


AUDREY'S

Ilang minuto na akong nakatitig sa mukha ko sa salamin. Magang-maga ang mga mata ako at pulang-pula sa kakulangan ng tulog. Iiyak ako tapos tatahan. May matatanggap na naman akong text at iiyak na naman tapos tatahan. Kagabi pa ako nagkulong dito sa kwarto ko matapos akong sinamahan ni Adrian noong nakipagcool-off ako kay Wren. Ayokong malaman ni kuya na nagkakaganito kami ni Wren dahil sa 'kin.

FLASHBACK

Umiiyak na naman ako dahil sa ginawa ko kanina. Matapos kong hiwalayan si Wren ay sinundo ako ni Adrian. Andito kami ngayon sa isang cat café.

"Cool off? Akala ko ba gusto mong makipag-ayos sa kanya?" Inirapan ko siya habang umiinim ng kape.

I wiped my tears off and stared into black space. Simula noong nakita ako ni Adrian na umiiyak ay bigla na lang kaming naging close. I don't even know what happened.

"Kailan mo ba babalikan si Wren? Teka, babalikan mo ba o panghiwalayan na cool off na 'to?" I shrugged at his question. Hindi ko rin alam.

Nakipaglaro na lang ako sa mga pusa. Nananakit na rin ang mga mata ko sa pag-iyak. I need something to make me forget for a while.

"Hindi nakakatulong ang ginagawa mong pag-iiyak at pagmumukmok d'yan." Natigilan ako sa paglalaro dahil sa inis.

"I didn't ask you to come just to make me feel worse, Adrian. Shut your mouth, pleace? For once?" Sinamaan ko siya ng tingin.

Nakakainis. Ang ayoko sa lahat ay yung pinagsasabihan ako. I know I was in the wrong. I did things that I didn't think much through. He need not to slap me in the face with that fact. I admit na mali ako pero nasaktan lang naman ako.

"Maganda ka na sana pero tatanga-tanga ka eh. Wala namang ginagawang mali si Wren. Masyadong ka kasing nagpapaniwala sa mga maling akala." Ugh. Annoying. " 'Wag mong sayangin ang mga katulad niya dahil sa immaturity mo. Kakaunti na nga lang sila tapos itetake for granted mo lang yung isa?"

END OF FLASHBACK

I looked up trying not to cry again, holding back my tears before they fall. Tama si Adrian. Naging immature ako. I love Wren and I don't want to lose him. Stupid me for being quick to assume. Damn it. Kailangan kong makipag-ayos sa kanya.


Part 2 of 3.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon