#5

163 9 11
                                    

WREN'S

Sabado ngayon at nagpag-isipan naming magkaibigan na gumala.

"Nasaan na ba si Tristan?" Inis na inis na tanong ni Clyde sa 'kin.

"May date daw sila ng bago niyang girlfriend." Biglang tumawa si Clyde.

Nagsimula na kaming maglakad-lakad sa park.

"Masigla ka 'ata ngayon. May maganda bang nangyari?" Tiningnan ako ni Clyde.

"Wala naman. Naperfect ko lang yung mga test ko." Napanganga si Clyde. "Bakit ganyan ka kung makareact?" Sinarado ko yung bibig niya.

"Eh kasi, hindi ako nakapasa sa isang subject." Nagfake cry siya tumawa na lang ako.

"Bopols mo. Tuturuan na lang kita."

"Mas bopols si Tristan." Tumawa siya nang malakas.

Kahit anu-anong topic na yung napag-usapan namin ni Clyde. Dinala niya ako kahit saan at pinakain ng kung anu-anong pagkain. Dinala ko rin siya sa mga shopping malls. Nagstop kami noong nagtext si Tristan na magkikita kami doon sa isang park.

"Magche-chef ka ba sa college?" Tanong ko kay Clyde.

"Hindi. Ako yung in-charge sa pagkain ng mga niluluto ng mga chef." Binatukan ko siya. "Ano ba?!"

"Bopols, seryoso kaya ako." Natahimik siya.

"Hindi ko alam. Ikaw?"

"Guys!" Napalingon kami.

"Seryoso na yata itong bestfriend natin." Napatayo si Clyde.

"Nagpapa-impress lang iyan."

"Girlfriend ko pala." Ngumiti-ngiti yung girl sa amin ni Clyde.

"Wren." Nginitian ko siya.

"Hi! Ako nga pala si Clyde!" Nagwave si Clyde sa kanya.

"Pre, isasama natin iyang girlfriend mo sa gala natin?" Tanong ko kay Tristan.

"Of course. Para kay Clyde naman talaga iyang babae na iyan eh. Ginirlfriend ko lang kasi sexy." Napatawa ako.

"Grabe mo talaga. Magseryoso ka na nga." Tiningnan namin yung babaeng kanina pa flirt nang flirt kay Clyde.

"Ano bang mapapala ko sa love Wren? Masasaktan at masasaktan lang ako kagaya mo." Tiningnan niya ang mukha kong sumeryoso. "No offense ha."

"Masakit ka pa rin magsalita." Tinawanan niya na lang ako. Sumeryoso na naman yung mukha niya. "Bipolar ka ba? Kanina pa paiba-iba yung expressions mo."

"Wala." Ngumiti siya. "Kakalimutan mo na ba siya Wren?"

"Kung masasaktan ulit ako." Napatango na lang siya.


"Okay! Since most of you know na malapit na malapit na yung sports fest natin, i'll be putting these papers para sa mga gustong maging players sa mga games. Yung sa mga walang kaalam-alam sa mga games, magwater girl/boy na lang kayo or else, community service!" Umalis na yung adviser naming kanina pa putak nang putak.

"Basketball ka ulit Castro?" Tanong ni Andy sa 'kin.

"Hindi ko alam. Pag-iisipan ko pa." Sagot ko.

"Sa mga gustong magwater girl-boy dito, lista niyo na mga pangalan niyo!" Tumayo si vice president namin habang nagdadala ng papel.

Nagsitayuan na rin yung iba kong classmates at dali-daling naglagay ng mga pangalan nila. Tiningnan ko si Audrey na naghihintay sa likod na matapos ang iba. Ano bang lalaruin mo? Water girl ka ulit? Tapos hindi naman pala ako yung bibigyan mo ng tubig. Kung lalaro ka, water boy ako.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon