#7

136 7 3
                                    

CLYDE'S

Nasa ilalim ako ng puno na kumakain ng hamburger habang pinapanood yung opening dance. Wow, in fairness ang galing talagang sumayaw ni Wren. Yung hindi trying hard kung sumayaw. Yung chill lang. Agaw pansin rin itong si Audrey. May talent pala 'to bukod sa pagmamaldita? Kaming dalawa ni Tris? Haha, no thanks. Hindi kami talentado sa pagsasayaw pero si Tristan, sobrang talentado sa paggigitara. Siya nga yung nagturo sa aming dalawa ni Wren. Ako naman, wala akong talent! Hmm, siguro pwedeng i-consider yung galing ko sa pagkain? Haha! Real talk, I kinda know a bit of martial arts. Pinag-aral ako nung bata pa ako ngunit mas narealize ko na mas may skill ako sa pagkain so, yeah! Si Cielo kaya? Ano kayang talent nun? Ang pagiging loka-loka lang siguro? Grabe, patawa.

"Clyde!"

Nanlaki ang mga mata ko nang naaninag ko si Cielo sa gilid ko na sinisigawan ako.

"Uy malaking butiki!" Natapon ko yung hamburger ko. "Librehan mo ako ng hamburger?"

"At bakit?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Kumunot ang noo ko at tiningnan siya nang masama. "Dahil kaya sa 'yo natapon yung almusal ko!" Napatingin siya sa natapon na pagkain at dahan-dahang ngumisi. "Palitan mo iyan!"

Humagalpak siya sa pagtawa at pinalo-palo ako. Tiningnan ko siya nang masama.

"Don't worry! Lilibrehan kita!" Ngumisi siya nang todo.

"Seryoso?" Nawala yung masama kong tingin at nagpuppy eyes sa kanya.

"Yes!" Tumawa siya ulit bago magsalita. "In one condition." Sabay evil laugh.

"Loka-loka ka talaga! Ginagago mo lang ako ah. 'Wag mo akong isama sa kung anong kababalaghan na gagawin mo."

Tiningnan niya ako nang masama. Nag-iwas siya ng tingin ng ilang minuto at tiningnan naman ako sa mata habang nakapuppy eyes na para bang nagmamakaawa. Seriously, Cielo?

"Pero, mas masaya kapag may kasama ako eh." Yumuko siya at ngumuso.

"Huh? Ano ba iyang pinagsasabi mo— Hoy!" Nagulat ako nang bigla niya na lang hinawakan ang kaliwang braso ko at hinila ako palayo doon sa puno. "Hindi ko pa natatapon yung basura ko!"

Sa mga oras na iyon ay natapos na ang sayaw nila Audrey at patuloy pa rin sa pagsayaw ang mga lalaki ng dance troupe. Si Tristan na susunod. Tsk, dahil sa loka-lokang 'to, hindi ko tuloy matapos yung show.

"Let's go, Clyde!" Tawang-tawa siya habang hinihila ako.

"Saan ba tayo pupunta?"

"To the road of forever!" Patuloy pa rin siya sa pagtawa. Inalis ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Ano ba?"

"Anong forever?" Tinaasan ko siya nang kilay. "Ang tanging road to forever ko ay ang pagkain, hindi ikaw!"

Tiningnan niya ako nang masama at hinila ako ulit.

"Si Audrey at Wren! Ha! 'Wag kang umasa Clyde, hindi po kita papatulan."

Nakarating na kami sa backstage nang inalis ko na naman ang braso ko mula pagkakahawak niya.

"Ugh, Clyde! Makisama ka na nga lang! Ginugulo mo plano ko!"

Humalakhak ako. "Plano? I never agreed to join your scheme, Cielo." Nagsimula na akong umatras. "You didn't even tell me this."

"Whatever!" Inirapan niya ako.

"Ginugulo mo buhay ko!" Pang-aasar ko sa kanya.

"Kalimutan mo na lang yung libre ko!" She stomped her feet.

"Ibang usapan iyon!" Tumawa ako at nagsimula nang tumakbo palayo sa kanya.

Hindi naman talaga ako nagalit. I enjoy teasing this girl. Sobrang pikon!

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon