CIELO'S
"Last na 'to!" Sigaw ni Clyde bago tumalon sa pool. Ang kulit talaga kahit kailan.
Bago bumalik ang parents ko abroad ay inimbita nila sila Audrey para magsleepover sa bahay ko nang isang linggo para naman may makasama ako sa summer. Definitely a good idea! Broke na kasi ako. Palagi na lang ako yung gumagala at naghahouse hopping. Buti na lang talaga at pinayagan sila nila tita. Pero medyo sad na ako kasi ito ang last night nila dito sa bahay.
"Pag ako siguro naiwan mag-isa sa bahay ng ilang taon baka anraming milagro nang nangyari sa 'kin." Sinamaan ko ng tingin si Tristan na nakahiga lang sa chaise longue. Ang bastos talaga nito.
"Kainan na!" Tawag ni Audrey na nag-aayos sa mesa.
"Finally!" Nagmadaling umahon si Clyde ko galing sa pool para makauna sa mesa pero pinigilan ko. "What?"
Akala niya siguro makakakuha agad siya ng pagkain! "Uupo ka tapos ang basa-basa mo? No-no iyan dito sa bahay ko, Clyde." Tinitigan niya ako sa mga nanlilisik niyang mga mata. Ha! "Nope, still not working."
"Okay, fine! Magpupunas na."
"Ang cute niyo talagang dalawa." Wren.
Naman! Kinilig naman ako! Kaloka.
Kumain lang kami nang kumain sa niluto nila Wren at Audrey. In fairness, masarap! Nagpapatake credit pa talaga si Audrey kahit alam naman namin na si Wren lang gumawa nito lahat. Pinagbigyan na lang namin kasi nga kaibigan namin siya.
"Lumulubog na yung araw." Nakatingalang sabi ni Tristan.
Tiningnan ko silang lahat na nakatingala sa langit at tahimik na nanonood sa sunset. Hay, sana palagi na lang ganito. Masaya tapos kasama ko sila. I hope a miracle happens. Sana hindi na kami magkahiwalay. I really grew attached to them especially to the boys and parang hindi yata ako ready magcollege na wala sila. Ang OA ko! Umeechos ka na naman, Cielo. Yeah, hindi talaga ako ready especially na ngayong gabi na irerelease yung exam results sa SYU. Nag-apply kaming lahat doon at sana kaming lahat nakapasa. Pero knowing na hindi ako masyadong matalino, I took another exam sa SCU. Well, hindi pala ako nag-iisa. Sinama ko na rin si Clyde. If I'm going down, I'm definitely taking him down with me! Ayoko nung mag-isa lang ako tapos silang lahat magkasama!
"You okay?" I came back to my senses when Clyde stuffed a slice of the grilled pork.
Nilunok ko agad ito at hinampas siya. "What a great way to get me back to earth, Clyde." Kainis! Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
"Woah, woah. Kalma Cielo." Ani Tristan.
I just glared at him. Gosh! Ba't ang init ng ulo ko ngayon? Ang layo pa ng next period ko so it's so impossible for me to get these sudden mood swings. Ugh. I'm usually not like this. Pag ginagawa iyon ni Clyde sa 'kin sinasabayan ko siya eh. Hay, baka kinakabahan lang ako sa results. Yes, Cielo. Kinakabahan ka lang kaya kalma.
I checked on Clyde to see if nagtatampo ba siya or what.... Okay, he's okay. He's still his usual self. Kinakabahan ka nga lang talaga, Cielo.
Nang matapos kaming kumain at magligpit ay pumunta muna ako sa kwarto ko para magbihis ng pantulog. Wait, parang ang init. Bad idea sigurong magpyjamas ngayon. Should I wear shorts or what?
"Cielo, asan nga pala yung—" He froze.
Nanlaki yung mga mata ko and so was his. Hinead to toe niya ako at mas nanlaki ang mga mata niya. Hinead to toe ko rin ang sarili ko a— What the hell! I immediately ran into my closet! Shet! Wala na akong ibang magawa kun'di ang sumigaw. Clyde actually saw me naked! No freaking way!
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...