#42

26 3 4
                                    

AUDREY'S

It's the first time na nakasama ko si Wren sa break ko! Nacancel yung class niya kaya dinalaw niya ako at andito kami ngayon sa bleachers ng stadium. Ang saya ko. Bihira ko na lang talaga siyang makita. I miss him.

"Hindi mo na ako dapat binilhan niyan." Tinanggihan ko yung binili niyang Krispy Kreme donuts. Yung sa Dunkin Donuts na lang sana yung binili niya. Mas mura pa doon eh.

"Kainin mo na, i'm sure hindi ka na naman kumain." Pagpupumilit niya.

I had no choice but to eat. I'm surprised he knows me that well already. How deep has he fallen for me? Sa gutom ko ay hindi ko napansin na halos naubos ko na yung donuts sa box habang nag-aaral.

"Mas mabuti na sigurong hindi mo maipasa yang exam mo kaysa mahimatay ka kasi ilang araw ka nang walang tulog at kain, Ri." Tiningnan niya ako na may halong pag-aalala.

"Yes po, papa." Ilang beses ko na iyang narinig sa bahay. Ugh.

"Concerned lang ako sa 'yo."

"I know."

Hindi niya na ako pinansin at nagsimula na ring mag-aral. Nung kinuha niya yung aklat niya ay napansin ko na may nahulog na envelope galing doon. Napahinto ako sa pag-aaral at tinitigan iyon nang mabuti. Weird. Sobrang familiar ng envelope. Could that be the same sender noong love letters way back Saint Bernard's?

"Kanino 'to galing?" I didn't even think twice about getting it.

Huminto siya sa pagsscan ng pages at tinabihan ako. "That's the question." Inabot ko sa kanya ang envelope at binuksan niya ito ngunit binalik niya rin sa 'kin. "Ikaw na bumasa niyan, hindi rin naman ako interesado." Hinawakan niya ulit ang aklat niya.

"Dear, Wren. I know you already have someone special but let me tell you—"

"Don't read it out loud."

Tumahimik ako at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Cute letter." Niligpit ko ang sulat at sumandal sa balikat niya. "She could've done better."

"Like what?"

"Magpakilala sa 'yo sa personal." Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay. Umiling na lang siya at bumalik sa pag-aaral. "Seryoso ka ba talangang hindi mo kilala kung kanino 'to galing?" Okay, nagiging paranoid ako.

"Seryoso pero mas seryoso ako sa 'yo." Pick-up line niya sabay halik sa noo ko na sinapak ko agad. "Aray naman!"

"Enough PDA na nga itong pagsandal ko sa 'yo, dinagdagan mo pa ng kiss!" Hampas-hampas ko sa kanya.

"Mahal kita eh, anong paki ko sa kanila?"

"Hoy!" Aminado akong kinikilig ako pero ayokong mahalata kaya dinadaan ko na lang lahat sa panghahampas. Just when I thought sa ligawan stage lang yung pick-up lines niya.

Walang masyadong tao sa stadium at ang sobrang tahimik dito usually dahil tambayan 'to ng mga walang tulog pero ngayon ay umingay dahil sa tawanan naming dalawa. Sana ganito na lang palagi.

"Wren!" Napahinto kami sa pagtawanan nang may tumawag sa kanya. Taas-kilay ko agad na tinitigan ang babae at inilipat ang pagtitig kay Wren na ngayo'y kumakaway sa kanya. Bumalik agad yung pagtingin ko sa babae at inirapan.

I can't see her face clearly. That must be one of his classmates, I suppose.


Dumaan ang mga araw at madalas na ulit kami magkita ni Wren. Ewan ko ba kung bakit laging nacacancel yung classes niya. I hope wala silang surprise exams na matatanggap.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon