#39

28 3 2
                                        

AUDREY'S

"And'yan ka na ba?" Sagot ko sa nakaloudspeaker call namin ni Wren habang sinusuot ko ang sneakers ko. "I'll be there in a minute!" Minadali ko na lang ang pagtali ng shoelaces ko. Inend call ko na ito at nagtoothbrush.

Siya lang talaga a ng kilala kong hindi nagfifilipino time! Bakit ba always on time siya? Alam niya naman na palagi akong late, can't he be late for just even a minute? Kainis.

"Ma! Aalis na po ako!" Sigaw ko habang pababa sa hagdan. "Bye, bunso." Sabay kiss ko sa noo niya. "Dadalhan kita ng donuts mamaya, promise ko iyan."

Tumakbo na ako sa gate at binuksan ito. "Ma, pakisarado na lang po!"

"Good morning." Nagulat ako.

"Why did you have to do that?" Hinampas ko siya. "Minadali mo pa ako tapos andito ka lang pala sa harap ng bahay ko." Tsk. Nakakainis!

"Gusto lang kitang sorpresahin."

"And that wasn't a good surprise, Wren. Better luck next time." Binilisan ko ang paglalakad ko para maunahan ko siya.

Ang ayoko sa lahat ay yung minamadali ako. Pinapawisan na tuloy ako!

"Sorry na!" Akbay niya sa 'kin nang nahabol niya ako.

Umirap na lang ako at tumahimik. Now is not a good time para pairalin mo iyang kamalditahan mo, Audrey. Keep calm.


"Happy 3 months!" Tinaasan ko siya ng kilay habang umiinom ng iced tea.

We're at a somewhat fancy restaurant near Saint Bernard's. KKB pa rin. I don't want him to pay for me. Hindi naman kami mayayaman so that's enough explanation. At kahit mayaman pa siya, I still won't let him pay. I have pride. Is it bad? I don't know.

"3? Hindi ba 2?" I'm confused. "Wait, June na?" Tumango lang siya at bumalik sa pagkain. Ugh. "Look, I'm sorry."

"It's okay." Nginitian niya ako at sumubo.

Tiningnan ko lang siya na tahimik na kumakain. Ang sama ko,nakalimutan ko pa talaga yung monthsary namin. Tinapos ko lang ang pagkain ko habang pinapakiramdaman siya.

"'Wag mo nga akong pakiramdaman d'yan. I can see right through you." Nagulat ako nang kinuha niya ang kamay ko at hinawakan. "When I say, it's okay, it's really okay." He gave me an assuring smile. "Hindi ako yung tipong nagsisinungaling and you know that." Hinawakan ko yung kamay niyang nakahawak sa 'kin at nginitian siya.

This is just one of things I love about him. Honest siya. He's not faking anything sa relationship namin. I know we're still 16? 17? Pero ang sobrang mature na niya. And to think na this is his first relationship. Other guys could just play around but he isn't. Iba nga talaga siya.

"Happy 3 months." Biglang nanlaki ang mga mata ko. Well, I wasn't able to catch that. Binitawan ko siya at umiwas ng tingin. Why did he have to kiss my cheeks as if walang ibang tao dito? My cheeks are definitely burning up. I'm definitely blushing. Kainis siya.


We totally didn't plan anything today. We just agreed to meet and date. At dahil wala nga kaming plano, dito kami napadpad sa plaza malapit sa mga subdivisions namin. Nakaupo lang kaming dalawa sa bench habang nagpapahangin.

"What now?"

Nilingon niya ako at nag-isip-isip. "If we were Clyde and Cielo, ang sobrang saya siguro ng mga date natin."

I laughed. "But we're not them."

"We're a boring couple." Nagtawanan kaming dalawa. Totoo rin naman ang sinabi niya.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon