#43

28 2 3
                                    

WREN'S

"Wren gising. Wren." Nagising ako nang inalog-alog ako ni Max. Baka andito na si sir. Natulog agad ako pagdating ko dito kaninang umaga. Ikaw ba naman na walang halos tulog sa dami ng requirements. "Andito yung girlfriend mo."

Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling tiningnan ang orasan ko. Huh? May klase siya ngayon ah. Ba't siya pupunta dito? Tumayo na ako at dumungaw sa bintana.

Napailing ako at nilingon si Max. "Hindi ko 'to girlfriend."

Lumabas ako at nginitian si Alex. Anong ginagawa niya dito?

"Hi Wren!" Kumaway siya sa 'kin papalapit.

"Hello." Ngiti ko sa kanya.

"Hi." Ang awkward.

"Napadalaw ka."

"Yes. Umm, I happened to pass by kasi sa building mo kaya I thought maybe I should visit you." Sabi niya habang hinahawi ang buhok niya.

"For what?" Napakunot-noo ako. Sa sobrang awkward ay tumungo na lang ako at tinitigan ang orasan ko.

"Ah. May ibibigay sana ako." Hinalungkat niya yung bag niya, may hinahanap.

"Look, Alex. Usap na lang tayo mamaya, anrami ko pa kasing gagawin sa loob."

"Wren?" Napalunok ako sabay ng pagtikhim ni Audrey sa likuran ni Alex.


"Sino ba kasi iyang Alex na iyan at dikit nang dikit sa 'yo? She's seriously irritating! Sabi mo kaibigan mo lang siya—"

"Kaibigan ko nga! Acquaintance, iyon lang!"

"Acquaintance na binibisita ka pag breaktime niya?" Umiling ako at napagulo sa buhok ko. "What kind of friend is that?" Humalukipkip siya at tumayo ulit.

Kanina pa siya pabalik-balik sa paglalakad habang nagsasalita. Hindi na tuloy ako mapakali.

"Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo na kaibigan ko lang siya. Nag-uusap lang kami, wala kaming ginagawang masama. She's just my friend!" Nang napagtanto ko na sumisigaw na pala ako ay agad ko siyang niyakap. "I'm sorry. I'm sorry kasi sinigawan kita. I'm sorry kung nagselos ka man sa kanya."

Naramdaman kong bumuntong-hininga siya nang ilang beses bago magsalita ulit. "If you're really sorry then layuan mo siya."

"What?" Bumitaw ako. "Ri, 'wag ka namang magpadala sa selos mo. Walang ginagawang mali si Alex para layuan ko siya."

"Oh really?!" Napasigaw siya. Tinitingnan na kami ng mga tao.

"Ayokong gumawa ng eksena dito, Ri."

Tinaasan niya ako ng kilay at umirap. "I also don't wanna make a scene here pero mas pinapahalagahan mo pa iyang 'friendship' mo sa Alex na iyan kaysa sa 'kin. Ewan ko sa 'yo." Binangga niya ako at umalis na.

"Ri! Audrey!" Napabuntong-hininga ako at sinipa ang bubong.


TRISTAN'S

Hindi na naman ako pumasok sa afternoon subject ko. Kapagod. First absent ko pa naman so okay lang. Sinigurado ko ring walang exam na magaganap sa klase na iyon. Nakakaumay nang matulog sa klase niya. Ang boring rin naman niyang magdiscuss.

Naglalakad lang ako sa building namin habang umiinom ng juice. Wala lang, nagpapahangin. Swerte kami, mahangin dito sa building namin. Sa building ni Audrey, doon laging nakatutok yung araw. Sana hindi siya umitim.

Nang nakarating ako sa accountancy department ay may nakita akong babaeng palihim na sumisilip sa mga pintuan. Anong trip nito? Silip siya nang silip. May hinahanap siguro.

"Hi, naliligaw ka yata." Nagulat siya nang nilapitan ko. Dali-dali niyang tinago ang envelope niyang dala.

Kumunot ang noo ko sa envelope na iyon. Teka. Why's it so familiar? Hmm. Hinead to toe ko ang babae. I smirked at my realization. B-I-N-G-O. So ito pala yung secret admirer ni Wren.

"Wala si Wren ngayon. Makakaalis ka na sa building na 'to, miss." Tinaasan niya lang ako ng kilay at umalis na.

Akala niya siguro na maiisahan niya ako. Tiningnan-tingnan ko ang envelope. Hindi niya napansin na nakuha ko ito sa bag niya. Madula ako. Tinext ko na si Wren. Mayamaya'y lumabas ito sa room niya at tumakbo palapit sa 'kin.

"Ano bang pakay mo?" Nginitian ko siya at inabot sa kanya ang envelope. "Teka.."

"Kilala ko na kung sino siya."

Dali-dali niyang binuksan ito at binasa. Sumilip na lang rin ako at binasa kung ano ang nakasulat doon. Pft. Magpakilala sa Yves Days. Nagbigay pa talaga ng meeting place. Duwag.

"Pupuntahan mo ba iyang duwag na iyan?"

Hindi siya sumagot. Ginulo pa niya ang buhok niya nang ilang beses. "Pwede bang ikaw na lang? Ayokong makadagdag 'to sa away namin ni Audrey ngayon."

Tumango na lang ako at kinuha ang envelope sa kanya. Inubos ko ang juice ko at kumaway sa kanya hudyat na aalis na ako. Haha. I basically can do anything para ireject ang babae na iyon. Ugh. Nahahawa na talaga ako sa English ni Audrey. Kaya kong gawin kahit ano. Hindi ko siya sisiputin. Pag pupuntahan ko, mas magiging komplikado lang ang lahat. Ayoko ring dumagdag sa problema ni Wren ngayon. Lalo nang may sakit ang mama niya.

Alam na kaya ni Audrey iyon?


AUDREY'S

I really don't wanna cry in public. Ayokong ipakita sa iba ang weak side ko pero hindi ko talaga mapigilan. First major fight namin 'to ever since nung nangyari noong high school. Tatlong araw na kaming hindi nag-uusap. He's been reaching out pero hindi ko nirereplyan. Ang mapride ko kasi.

"Pinapahirapan mo talaga ang sarili mo, ano." Pag-iiling ni Emma habang pinapasahan ako ng tissue. "He said he's sorry, okay na iyon. And I can see na he's not the type to cheat naman eh."

"May point rin naman si Audrey, Emma. Alex has destroyed a lot of relationships kahit noon pa. But I don't know now if ganoon pa rin yung motives niya sa boyfriend mo." She patted my back at inayos ang buhok ko. "Bantayan mo na lang si Wren. Baka matangay iyon."

Pinahiran ko na ang mga luha ko. I should stop crying. Masama 'to eh. Tama si Wren. Hindi ako dapat magpadala sa selos ko. At hindi rin siya dapat magpadala sa babaeng iyon.

"Audrey."

"Audrey."

"Audrey, andito si Wren."

Natauhan ako. I looked back and saw him standing. May dala siyang bulaklak at ice cream. I remember that one time when he saved me from Keith tapos nilibre niya ako ng ice cream. Pagod at malungkot ang mga mata niya. I didn't even have to think twice. Ayokong patagalin itong away na sinimulan ko. Tumakbo ako at niyakap siya nang mahigpit.

"I'm sorry, Wren."

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon