TRISTAN'S
Pawis na pawis na ako pagdating ko sa bahay. Hindi maaaring mangyari 'to. Si Mia, si mama, ang baby.
"Mia!" Sigaw ko habang dali-daling binuksan ang pinto sa kwarto niya.
"Hijo, manganganak na si Mia!" Para akong nabunutan ng tinik ng narinig ko iyon.
"Salamat sa Dios. Salamat manang." Tumakbo na ako palabras para puntahan si ate.
Sana maayos lang siya. Sana maayos rin yung anak niya. Dapat maging maayos silang dalawa.
Nang nakarating ako sa ospital ay dumiretso na ako sa delivery room at nadatnan si mama at ate Christine na naghihintay sa labas.
"Si Mia?" Agad kong tanong sa kanilang dalawa.
"Nasa loob pa." Sagot ni ate. "Kanina pa kami naghihintay dito, sana okay lang yung panganganak niya."
"Sana nga okay lang Christine." Ani mama.
Umupo na ako sa tabi ni mama at blangkong tiningnan ang puting pader sa harapan ko.
"Bwisit." Kinuyom ko ang mga kamay ko. "Kung sana hindi—"
"Not now Tristan. Hindi magugustuhan ng ate mo kapag narinig niya iyan mula sa 'yo." Nagreact si ate.
Tinikom ko na lang ang bibig ko at sumandal kay mama. Ang bata pa ni ate para mabuntis. Malapit na siyang gumraduate ng college tas sisirain lang ng hayop na lalaking iyon. Ang ate ko namang tanga, naghihintay na bumalik ang lalake na iyon. Wala na siyang dapat balikan. Sa una pa lang tinalikuran na niya yung responsibilidad. Kagayang-kagaya ni papa. Mga gago.
Loves makes a fool out of us. I loathe love. I despise it. Kung hindi naman niya pala kayang gampanan ang responsibilidad bilang asawa at ama, bakit nagpakasal pa sila? Bwisit.
"Mrs. Evangelista?" Napatayo ako nang narinig ko ang boses ng doctor. "Congratulations sa inyo. Hindi naging madali ang panganganak ng anak niyo pero successful po yung delivery."
"Salamat sa Dios!" Napaiyak si mama at yumakap na sa 'kin.
"Thank you." Pagpapasalamat ni ate Christine.
WREN'S
"And that ends our discussion for today." Sinara ko ang notebook ko nang narinig ko si sir Keith. "Class, ito na ang last period ko with you. Babalik na si ma'am bukas na bukas."
"Sir naman eh!"
"Sir mamimiss namin kayo!"
"Mas natuto ako sa math dahil sa inyo sir eh!"
Napangiti na lang ako nang narinig ko iyon. Sa wakas, wala nang Keith na aaligid. Agad lumipat ang tingin ko kay Audrey na hindi pinapansin kung anong sinasabi ni sir sa harap.
"Uy Clyde."
Isang lingo na ang lumipas ngunit tahimik pa rin siya. Hindi pa rin siya bumabalik sa pagiging maingay at mapagbiro na Clyde.
"Alam mo ba kung nasaan si Tristan?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko namang wala akong matatanggap na sagot pabalik. "Isang lingo na rin siyang hindi pumapasok. Nasaan kaya yung mokong na iyon?"
Tiningnan niya lang ako, nagkibit balikat at bumalik sa pakikinig ng music.
Bumuntong hininga na lang ako. Ano bang nangyayari sa mga kaibigan ko? Hahayaan ko muna siyang mapag-isa. He needs it anyway.
Lunch na. Muntik ko nang hindi maabutan si Audrey habang bumababa.
"Hmm?" Taas kilay niyang tingin sa 'kin.
"Ikaw naman, 'wag ka namang sumimangot." Kinurba ko ang bibig niya para magsmile na siya. "Sagot ko lunch mo ngayon."
Inalis niya yung kamay ko at ngumisi. "Talaga? Ikaw ah, 'wag mo akong jinojoke time."
"Seryoso nga! Dali na nga!" Inakbayan ko na siya at daling bumaba.
"Ano ba?" Agad niya namang inalis ang pagkakaakbay ko sa kanya.
Dapat na siguro akong masanay na ayaw niya ng mga nagpapacute at yung pagiging clingy ko in public. Well, nanliligaw rin lang naman ako.
"Thank you, Wren." Sabi niya pagkatapos niyang uminom ng tubig.
"Basta ikaw." Ngiti-ngiti kong sagot.
Ngumisi siya at tiningnan ako. "Ganito ka ba talaga kasweet? Hindi kasi ako sanay."
"Masasanay ka rin pag magiging tayo na." Nagwink ako sa kanya na ikinatawa niya.
"Wala kasing kahit anong sweetness na dumadaloy sa dugo ko kaya ganito ako." Aniya.
"Okay lang." Sagot ko. "Tanggap naman kita kahit ganyan ka."
AUDREY'S
Nagmadali ako sa pag-ayos kasi sabay raw kaming uuwi ni Wren ngayon. Feel ko lang magpaganda ngayon.
"Tara na?"
Nilingon ko siya at nginitian. "Tara."
Nagsimula na kaming maglakad pababa. Tahimik lang kami ng dalawa pababa. I'm not gonna lie, this is making me feel awkward.... in a good way though.
"Nagpaganda ka pa talaga eh natural beauty ka naman."
Tumawa ako at umiling sa sinabi. "Ang bolero mo."
"Ha? Di naman kita binobola ah."
"Ah bolero ka talaga."
Biglang tumahimik kaya tiningnan ko siya. Tiningnan niya rin ako at sabay kaming nagtawanan.
"Joke lang iyon, ano ba." Hampas ko ng bag ko sa kanya.
"Audrey?" Napalingon kaming dalawa sa tumawag sa 'kin.
Tinaasan ko agad siya ng kilay. Ano na namang kailangan nito?
"Pwede ba tayong mag-usap?" Ginulo ko ang buhok ko sa tiningnan siyang diretso sa mga mata.
"Talk."
"Mag-usap tayo ng tayong dalawa lang." I smirked at him.
"Wala na tayong dapat pag-usapan, Keith. Hindi pa ba malinaw sa iyo itong nakikita mo ngayon?" Tiningnan ko si Wren at binalik ang tingin sa kanya. "Nakapagtapos ka nga nang mas maaga pero mas may utak pa yung kuya ko sa 'yo eh kahit repeater iyon." Inirapan ko siya at nagsimulang maglakad nang pinigilan niya ako. Agad kong tinitingnan si Wren.
"Keith, bingi ka ba?" Tinaasan ito nang kilay ni Wren.
Bumuntong hininga ako at hinila si Keith palayo. "Ano ba?!"
"Gusto ko lang naman linawin—"
"Shut up, wala na tayong dapat linawin kasi malinaw na sa 'kin lahat noon pa."
Suminghap siya. "Audrey, alam kong mahal mo pa ako. Ginagamit mo lang siya para maka—" Hindi na ako nakapaghintay pa at sinampal ko na siya.
"Snap out of your craziness, Keith Ocampo. I don't love you anymore."
Umalis na ako at binalikan si Wren. "Umuwi na tayo, Wren. Pagod na ako."
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...