#51

35 1 2
                                    

AUDREY'S

"Midnight na, hindi ka pa ba uuwi?" Minasdan ko si Cielo na nakatunganga lang. Katatapos lang naming pinag-usapan si Wren. Maybe she's drained with all the information kasi I just told her everything now. "Kung gusto mo, kay Clyde ka na lang matulog." Inirapan niya agad ako at sumimangot. Oh, nag-iinarte?

"Di kami bati noon. Bahala siya." Okay? "Teka, ba't mo ba sinasuggest sa 'kin bahay ng mokong na iyan kung pwede naman akong matulog sa inyo?"

Sira talaga 'to. Halatang natatakoy umuwi sa kanila. Sabagay, she's always home alone. Who knows what goes on in that house of hers? "Umuwi ka na, Cie. May NSTP pa tayo bukas—"

"Hep! Sa Sunday pa sched ko." Ugh, hindi talaga ako makakatakas nito.

"Fine! Tabi tayo tonight." Umaliwalas agad mukha niya at niyakap ako nang mahigpit.

Hay, Cielo. Pasalamat ka talaga at bestfriend kita. Pero ako yung mas dapat magpasalamat sa 'yo. You always helped me open my eyes when I was turning a blind eye on the things I should be focusing on. Kung hindi dahil sa 'yo, baka hindi na talaga kami magkakabalikan pa ni Wren. Thank you. Someday, masasabi ko rin lahat nang 'to sa 'yo.


WREN'S

"Thank you."

"How was it?" Tanong ni ate Ianne sa 'kin. Nakikichismis na naman 'to. Kamakailan lang niya nalaman na break na kami ni Audrey kay ate Chris at mas galit pa siya kaysa sa 'kin. Dapat raw magkabalikan kaming dalawa kasi hindi siya papayag na may iba akong dadalhin dito sa bahay. Pati rin si ate Chris ay gustong maayos kami ulit kaya heto sila ngayon, tinutulungan ako. I guess napamahal na sa kanila si Audrey at mas ayaw nila itong pakawalan.

"Tapos na. Salamat ate ah, babayaran na lang kita pag nakapag-ipon na ako."

"No need. Regalo ko na iyan sa 'yo, sa inyo ni Audrey." Ngumiti siya at binato ako ng unan. Ang contradicting naman noon? "Seriously though. I can see her marrying into the family. 'Wag mo na iyang pakawalan ah."

Lumapad ang mga ngiti ko. Botong-boto talaga sila kay Audrey. Hinding-hindi ko naman talaga papakawalan si Audrey eh. Napagtanto ko lang na mas maganda na rin na nagcool-off at nagbreak kami dahil nakapag-isip-isip ako. Kasalanan ko rin naman kung bakit kami humantong sa paghihiwalay. If only I realized sooner. Pero ngayon, masasabi kong matatama na namin 'to. Magkakaayos kami.

Nagbihis na ako at umalis ng bahay. Cancelled na naman ang morning class ko. Si sir naman kasi, panay ang pagbabakasyon. Nakalimutan niya yatang may tuturuan pa siya. Malapit pa naman na ang finals. Nakasemi-formal ako ngayon dahil sa corporate wednesdays. Tradition raw ng COB na magcorporate attire kapag miyerkules. Medyo naiiinitan na ako kailangan kong tiisin 'to.

"Andyan ba si Tristan?" Pagtatanong ko sa mga kaklase ni Tris. Katulad ko, nakacorporate attire rin sila. Nagmukha tuloy kaming magthethesis defense nito. Nagtinginan lang sila sa isa't isa at sabay na umiling sa 'kin kaya nginitian ko na lang ito bago umalis.

Asan ba yung mokong na iyon? Hindi nagrereply. Hindi rin sumasagot sa mga tawag ko. Nagkaayos na rin kami ni Tristan. Naintindihan niya rin ako matapos kaming magtalo at nagsuntukan. Pero nakakapagtataka. Lagi naman yung sumasagot. Unli rin yung load niya. Hindi na ulit siya pumapasok. Nambababae na naman ba iyon? Hay, ewan. Kailangan kong sabihin sa kanya na gagawin ko na yung sinasabi niya. Ang makipagbalikan kay Audrey.

Tinapos ko ang last class ko at bumalik sa department nila Tristan. Wala ulit siya. Hay, hindi na ako makapaghintay. Tinitigan ko ang bouquet na kabibili ko lang. Wala nang atrasan 'to, Wren. Kaya mo 'to.


AUDREY'S

5PM na! Ugh! Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mesa. Nagkalat pa rin ang mga aklat at ballpen ko dito. I fell asleep. Hindi ko pa natatapos ang ginagawa ko. Patay talaga ako kay Emma. Wala na naman akong mapapasang contribution sa group project.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon