"It's party time!"
Sigaw ni Clyde nang nagbass drop na. Loko talaga 'to! Opening party ngayon sa SYU at open house ang rave kaya nakapasok ang dalawang lovebirds ngayon na mukhang mga uod sa kakasayaw. Ibang party yata pinuntahan nito eh! Nagbudots ba naman si Clyde. Si Cielo naman na ayaw magpaawat ay nag-ala Beyonce pa. Iba rin silang dalawa.
"Paano mo ba naging kababata ang uod na 'to?" Bulong sa 'kin ni Tristan para marinig ko siya.
Nakakabingi ang tunog ng musika dahil sa mga naglalakihang concert speakers na nakapaligid sa amin ngayon kaya hindi mo talaga maririnig kung anong sinasabi ng katabi mo. Makulay ang paligid at punong-puno ito ng LED lights na siyang naging ilaw sa amin ngayon. Marami-rami rin ang dumalo kaya medyo masikip dito sa kinaroroonan namin ngayon.
Tumawa na lang ako at nagkibit-balikat sa kanya at sumayaw ulit. Mas trip ko na ang kanta ngayon. Namimiss ko tuloy ang pagsayaw. High school pa noong huli akong sumayaw.
"Ang saya, Tris!" Sabi ko sa kanya habang umiindak at hinahayaan lang ang katawan kong gumalaw na umaayon sa musikang pinapatugtog ng DJ ngayon.
"Ano?!"
"Sabi ko ang saya!" Bumulong na lang ako para marinig niya.
Nag-iba na ang musika at ito'y isang kilalang kanta. Bagong hit 'to eh. Last mix na raw bago matapos ang set niya.
"And for my last mix! Nobody's better!"
Naghiyawan naman ang mga tao at napatawa na lang ako. First time kong mag-rave party. Ang saya pala! Nakakawala ng bad vibes!
"Ang saya!" Gumiling-giling pa si Clyde na sinabayan naman ni Cielo.
Sumayaw lang akong mag-isa. Isa 'to sa mga paborito kong sayawin sa bahay kapag mag-isa lang ako. Gusto ko na talagang sumayaw ulit. Nakakamiss yung mga araw na may inaabala pa akong dance club bukod sa pag-aaral. Mayroon ring banda na sideline ko noon.
Tama nga sila. Ang saya ng high school. Lahat ng moments, unforgettable. Maliban lang sa isang parte ng high school ko na kinain lahat ng oras ko. Napailing ako at bumalik sa pagsasayaw. Limot ko na iyon! Moved on na ako!
"Guys! Yung dance challenge, gawin natin!"
"Pa-chorus na! Malapit na!"
Sikat nga talaga ang kantang 'to sa Pilipinas. Nang narinig ko ang tugtog na pa-chorus na ay tinawag ko na sila Tristan para sumayaw rin. Hindi naman sila umayaw kasi alam nila ang steps sa dance challenge. Sino bang hindi nakakaalam nito?
Baby what you see is what you get
Talk to me, say what it is
Nobody's better by your side, baby
Baby what you see is what you get
Talk to me, say what it is
Nobody's better by your side, baby
Nagtinginan kaming apat at nagtawanan habang sinasayaw ang steps. Kahit saan kami lumingon pareho kami ng sinasayaw ng ibang tao.
"Mapapamura ako! Best party ever!" Sinigaw ito ni Cielo nang napakalakas at napahataw na.
Please don't take this lightly
I like you and you like me
Just don't believe the hype, baby
I got you and you got me
"Freestyle, Wren!" Hamon ni Tristan sa 'kin na hindi ko naman inurungan.
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Novela Juvenil[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...
