#10

136 5 4
                                        

AUDREY'S

Hinigit ko ang braso ni Cielo at agad siyang binulungan. "Ano bang pumasok sa utak mo at naisipan mo 'to?"

Nakita kong kumurba ang mga labi niya at tiningnan ako nang diretso.

"You'll thank me later, Ri."

Nainis ako kaya mas dinalian ko ang paglakad sa tulong ng crutches palapit kay Wren.

"Wren!"

"Hmm?" Sagot niya habang kalmang dinadala ang mga bag ko.

Binuka ko ang mga labi ko pero narealize ko na wala pala akong sasabihin sa kanya kaya tinikom ko ito.

"I guess I need to go back to school?" Tawang-tawang parinig ni Cielo sa likod.

Nilingon ko siya. "No, you're coming with us."

"Fine!"


Nang nakarating kami ay agad akong pinaupo ni Wren sa sofa bago niya binaba ang mga bag. Narinig kong nagring ang cellphone ni Cielo hudyat na may tumatawag kaya agad siyang lumabas ng bahay para sagutin ito.

Ang naiwan sa loob ay ako at si Wren.

"Uhh." Dahan-dahan siyang lumakad palapit sa 'kin. "Audrey."

Tinitigan ko siya. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Ang naramdaman ko kanina nang mapagtanto ko na hindi pala siya ang nagbuhat sa 'kin.

"I'm sorry." Sumama ang titig ko sa kanya nang sinabi niya iyon at napataas ang kilay ko.

"Ri, sorry ah! Kailangan ko nang bumalik ng school! Si Wren na lang ang mag-aalaga sa 'yo, bye!" Pagpapaalam ni Cielo sa aming dalawa.

Oh Lord, this is a bad idea. Bringing him in was a bad idea.

Narinig kong tumunog ang gate hudyat na sinarado na ito ni Cielo at nakaalis na.

Katahimikan ang bumalot sa buong bahay. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tahol ng mga aso ng kapit-bahay namin. Naramdaman ko ang pagtitig ni Wren sa 'kin. Shit, now I'm tensed. I can't say anything.

"Audrey."

I guess I have no choice but to face him. "Ano?" Damn it.

"Susuko na ako sa 'yo."

Nang narinig ko iyon ay biglang uminit ng ulo ko. I... I don't know what to reply. Damn, bakit ang slow magresponse ng utak ko ngayon?

"Su...suko ka na?" Iyon lang ang lumabas sa mga labi ko.

What the hell am I feeling? I shouldn't feel this way. No, no. Why the hell am I disappointed? Bakit ako nalulungkot?

"I need to give you up, Audrey. Tatlong taon na kitang minamahal. Tatlong taon na kitang sinusuyo. Tatlong taon na kitang nililigawan. Oo, sabi nila kapag totoong mahal mo ang isang tao, handa kang maghintay. Naghintay ako. Hinintay kita pero ang tanga-tanga ko rin naman kung itutuloy ko ang paghihintay ko sa 'yo kung alam ko na hindi mo kailanman ako magugu—"

"No." Tinitigan ko ang mga kamay niyang hinihimas ang sofa sa kaba. Agad kong inilipat ang tingin sa mukha niyang gulat na gulat sa sinabi ko. "You can't give up now." Mas lalong nanlaki ang mga mata niya.

Nang pumasok sa isip ko ang mga pinagsasabi ko, nagflashback lahat ng nangyari sa aming dalawa. Lahat ng efforts niya, lahat ng pambabara ko. Naalala ko ang mga naramdaman ko sa mga panahong iyon. Agad akong napatingin ako sa sahig at huminga nang malalim.

Shit, I'm in love with him.


CIELO'S

"Yes!" Kampante kong sagot sa tanong nina Tristan at Clyde.

"Ano?" Sabay silang nagreact kaya napatawa ako.

"Yes, you heard it right! Iniwan ko silang dalawa sa bahay!" Pumalakpak ako at ngumisi.

Napafacepalm si Tristan. "Baka saktan iyon ni Audrey, ano bang pumasok sa isip mo Cielo?"

"Hayaan mo na Tris."

Sumang-ayon ako sa sinabi ni Clyde at umalis sa classroom na nakangisi.

Today's the day. Ngayon na. Ngayon na magkakaalaman. Ngayon na marerealize ni Audrey ang kanyang matagal nang dinedeny na feelings. Akala niya hindi ko siya napapansin? Tss. Kapag may kausap na babae si Wren o kapag napapag-usapan ng mga babae si Wren, agad siyang sisimangot. Susungitan si Wren kapag nag-uusap sila. Bulok na style mo, Audrey! Nabisto na kita. Hihi!

Pero alam ko ang ginagawa ko at alam ko na kung ano ang mangyayari. Masasaktan silang dalawa ngayong araw pero may malalaman rin sila. Sabi nga nila, pain makes you realize a lot of things.

Sorry Audrey at Wren but I have to hurt the both of you to realize some things.


WREN'S

"I can't give up now? Naririnig mo ba ang sarili mo, Audrey?" Nanginginig ako. Nanginginig ako sa kaba habang sinasabi iyon.

What does she exactly mean? I can't give up now? Pagkatapos ng lahat ng indirect rejections niya sa 'kin, ayaw niya akong pasukuin? Ano to, gaguhan?

"Hindi mo ako pwedeng sukuan, Wren!" Nakita ko siyang nagpipilit na tumayo.

"Umupo ka nga." Aalalayan ko sana siya pero inalis niya ang kamay ko. Huminga ako nang malalim bago magbitaw ng mga salita. "Bakit? Bakit... ayaw mo?"

"Basta."

"Audrey..." My voice cracked. Damn, I can't be crying. "You rejected me a lot of times and now you're telling me not to give up? Ano bang ibig mong sabihin? Simula noong niligawan kita, hindi ka kailanman nagpakita ng appreciation sa lahat ng efforts ko sa 'yo."

Uminit ang pisngi ko. She slapped me...

"Hindi pa ba sapat lahat ng thank you's ko sa 'yo?! Ang kapal ng mukha mo." Nilagpasan niya ako.

Magkaharap ang mga likod namin sa isa't isa. Mabuti na ito at hindi niya ako makikitang umiiyak.

"Audrey..." Huminga ako nang malalim. "Hindi ka kailanman nagkagusto sa 'kin, right?"

"Don't say su—"

"Kasi mahal mo pa talaga yung lalaking iyon." Hinarap ko ang likod niya. "'Wag kang mag-alala. Hindi naman kita pinipilit eh. Go and love him all you want. I give up, Audrey. Susuko na ako."

Dali-dali akong lumabas ng bahay nila nang naramdaman kong mas uminit ang pisngi ko dahil sa pag-iyak.


AUDREY'S

Tulala lang ako sa hospital. Hindi ko nga alam kung ano ang pinayo ng doctor ko sa 'kin. Panay lang at pagtango ko sa kanya. Hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Wren kanina. I guess I hurt him so much he decided to give up. Ugh, why now? Bakit ngayon ko lang napagtanto na I'm feeling like this for him?

"Anak? Nakikinig ka ba sa 'kin?" Natauhan ako.

"H-Ha? Sorry ma, nag-aalala lang ako sa binti ko." Pagdadahilan ko para hindi ako mabisto.

"'Wag kang mag-alala, mild injury lang naman iyan, sabi ng doctor." Sabi niya habang siniserve yung pagkain namin. "By the way, sino ang naghatid sa 'yo sa bahay kanina?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Uhh... s-si Cielo at ang iba kong classmates ma."

"Okay."


Nang nakauwi na kami ay dumiretso agad ako sa kwarto at tinawagan si Cielo. Nakailang ring bago siya sumagot.

"Kumusta ka?" Dinig ko ang saya sa boses niya.

"Cielo.." Nang narinig kong nabasag ang boses ko ay umiyak na ako.

"Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak? Malala ba ang injury mo?"

Mas umiyak ako. Hindi na siya nagsalita pa at pinaiyak lang ako. Nang gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko ay nagsalita na ako.

"Cielo, mahal ko na siya."

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon