WREN'S
"Wren!"
Napalingon ako at hinanap kung sino ang tumawag.
"Long time no see!" Si Tristan.
Nag-apir kaming dalawa bago maglakad ulit.
"Andito na ba si Clyde?"
"Huh? Ewan." Nagkibit-balikat ako. "Kakapasok ko pa lang ng gate."
Habang naglalakad kami patungong seniors' building ay napansin ko si Clyde na tahimik na kumakain ng tsokolate sa ilalim ng puno.
"Hoy!" Agad kong inalis ang kamay ni Tristan mula sa pagkaka-akbay niya sa 'kin at tumakbo kay Clyde.
"Hintay!"
Lumingon-lingon siya at nang nakita niya kaming dalawa, agad niyang tinago ang pagkain niya at kinawayan kaming dalawa.
"Uy, Wren! Maligayang pagbalik!"
Kumunot ang noo ko. "Kailan ba ako umalis?"
"Hindi daw siya umalis?" Tumawa si Clyde.
"Ikaw kaya yung hindi namin macontact buong bakasyon." Ani Tris.
Tumango-tango si Clyde. "Akala nga namin namatay ka na."
I smirked. "Ulol. Bumalik kami sa probinsya."
Tumayo na si Clyde at sabay na kaming tatlo na naglakad.
"Wala ka kasing cellphone, paano na ang social life mo niyan?" Umakbay si Clyde sa 'kin.
"Aanhin ko ba iyang cellphone? Useless."
Palapit na kami sa seniors' building nang nagtanong si Tristan kung anong section kami.
"Sana magkaklase pa rin tayong tatlo." Nagpraying position si Clyde at tumingala.
"Mukha kang tanga, Clyde."
"A."
Napahinto sila sa paglalakad.
"Bakit?"
"Grabe naman itong paaralan na ito! Pinaghiwalay ba naman tayong tatlo. Paano na ang ating friendship?" Pagdadabog ni Clyde. "C ako eh."
"B." Tristan.
"Tigilan mo nga iyang pagdadrama mo. Nababakla ka na ba?" Pagtitig ko sa kanya na nag-eemote.
He made a face at nagkunwaring sususuntukin ako.
"Magkatropa pa rin naman tayo ah!" Sigaw ni Tristan.
"Oo nga ano?" Binatukan agad namin si Clyde pagkasabi niya nun.
"Aray!"
"Bobo mo talaga, tara na nga."
Nasa loob na ako ng classroom at umupo sa may bintana. Hinanap ng mga mata ko si Cielo baka kaklase kami o mas better, si Audrey. Wala pa ni isa sa mga hinahanap ko.
Napansin ko na nag-agawan ang mga kaklase ko ng papel. Anong nangyayari?
"Yes! Kaklase kami!" Ani Andy.
"List of students in section A." Bulong ko sa sarili ko bago pumunta sa kanila na nag-aagawan pa rin.
Pahirapan 'to ah. Hmm, sorry girls. Madali kong nakuha ang papel galing sa kanila at dali-daling binasa ito. Isinauli ko agad ito pagkatapos at lumabas ng classroom.
Kaklase ko si Audrey for the first time in four years. Finally.
The second day.
![](https://img.wattpad.com/cover/15594127-288-k409858.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...