#31

45 2 1
                                    

WREN'S

Nagdesisyon kami na umuwi na lang kesa puntahan ang aming kanya-kanyang mga lakad ngayong araw na ito. Nakasakay kaming lahat sa sasakyan ni ate pauwi ngunit hindi pa rin tumatahan si Audrey. Nakayakap lang siya sa kuya niya habang patuloy na humahagulgol. Gagong Keith na iyon. Akala niya makukuha niya ulit si Audrey sa ganong paraan? Kung tutuusin, mas kilala pa niya si Ri kaysa sa 'kin. Dapat mas alam niya kung paano ulit mapapasakanya si Audrey.

"Ano po ba nangyari kay ate? Bakit siya umiiyak?" Alalang tanong ni Alison.

"Enough questions, Alison." Ani Ace habang pinapatahan si Audrey.

Nasa front seat ako kasama ni ate na nagmamaneho at nagtinginan lang kami sa isa't isa. Ah bwiset. Kainis. Ginulo ko ang buhok ko at sumandal sa bintana. Hindi sana nangyari iyon kung hindi ako umalis eh.

Ilang minuto na rin akong nakatunganga nang napansin kong huminto ang sasakyan. Nasa tapat na pala kami ng bahay nila Audrey. Isa-isa silang lumabas ng sasakyan. Hindi na ako nakapagpaalam kay Audrey kasi dumiretso na siya sa loob. Bibigyan ko muna siya ng time, kailangan niya rin iyon.

"Salamat, Miss Ianne." Kumaway si Ace mula sa labas.

"Ianne na lang. O sige, uuwi na rin kami. Patulugin mo muna iyang kapatid mo bago mo kausapin ulit." Napatingin ako kay ate.

Sinamaan ko siya nang tingin. "Para saan iyon?"

"Binibigyan ko lang ng tips." Mas sumama tingin ko sa kanya.

"Yung 'Ianne na lang'... para saan iyon?" Tinaasan ko siya ng kilay. "'Wag mo sabihing?" Nauntog ang ulo ko nang biglang humarurot si ate sa pagmamaneho. "Dahan-dahan naman d'yan!"

"Kahit ano-ano na lang iyang sinasabi mo, Wren." Umiling-iling si ate Ianne. "Kung magkakaboyfriend man ako, hindi si Ace iyon. I'm not into kids, sorry."

Napakamot ako sa ulo ko at napatawa. "Hindi ka na talaga mabiro, ano."


AUDREY'S

Iminulat ko ang mga mata ko at ang una kong nakita ay ang mukha ni kuya na naghihintay sa 'kin na magising. Huminga siya nang maluwag nang nakita akong nagising at tumayo na rin.

"Kumain ka na bago makauwi si mama." Bumaba na siya at napatitig na lang ako sa sahig.


"Si Alison?" Tanong ko habang kumukuha ng kanin.

"Tulog na." Sagot niya habang nginunguya yung pagkain niya.

Tahimik lang akong kumakain ng adobong niluto ni kuya. Wala akong gana ngunit pinilit ko na lang ang sarili kong kumain. Ayoko na ring bumaba mamaya.

"Anong ginawa ni Keith sa 'yo?" Binasag ni kuya ang katahimikan na bumabalot sa silid kainan.

Napatingin ako sa kanya at bigla ko na lang naramdaman ulit yung ginawa ni Keith sa 'kin. Tumayo ang balahibo ko at naramdaman kong palabas na ang mga luha mula sa mga mata ko. Ayokong umiyak. Ayoko.

"Sexual assault." Nakita kong nasamid si kuya sa juice na iniinom niya at nag-iba ang paningin niya sa 'kin.

Tumayo siya at sinipa-sipa yung bubong. Naiiyak na ako.... Bigla niya akong tiningnan at dali-dali akong niyakap. Heto na naman... Tumulo na naman ang mga luha ko. Napahagulgol lang ako habang sumisigaw si kuya sa galit.

"Gago iyang Keith na iyan. 'Wag na 'wag iyang magpapakita sa 'kin kung hindi.... Kung hindi mapapatay ko talaga siya."

Niyakap ko na lang pabalik si kuya habang patuloy na humahagulgol. Ang sakit pakinggan na tanging iyak ko lang at ang sigaw ni kuya ang naririnig ko sa buong bahay. Ang sakit.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon