WREN'S
Abala ako sa pakikinig sa valedictory speech ni Andy, ang supremo ng batch namin nang naramdaman ko ang ulo ni Clyde na nakasandal sa 'kin. Dahan-dahan ko itong inilayo na binatukan naman ni Tris sa likod para magising. Itong matakaw na 'to, sarili niyang graduation tinulugan niya pa talaga.
"Ano bang ginawa nito kagabi?" Pagtanong ko ni Tristan na nagkibit-balikat lang at pinatahimik ako.
"And with that, I end my speech. Congratulations to us, Batch 2015!" Napatayo ang lahat sa kanya at pinalakpakan.
Well, sinong di bibilib kay sa aming student council president slash valedictorian slash crush ng buong Saint Bernard's?
"Hoy gising na! Graduation song na!" Tulak-tulak ni Tris si Clyde na kagigising pa lang.
Maagang natapos ang graduation rites pero nagtagal pa kami doon para magpicture at magkwentuhan.
"Congratulations!" Bati ng mga teachers namin sa amin na abala sa picture-taking.
"Thank you, Sir!"
"Ilang months na lang at hindi na talaga tayo magkikita!" Sabi ni Cielo habang pinipigilan ang mga luha niyang patulo na.
"Ano ka ba, Cielo? Ayan tuloy nahahawa ako." Inangat ni Clyde ang ulo niya para hindi rin umiyak.
"Ang OA niyo talaga. Hindi pa naman lumalabas yung exam results." Reklamo ni Tristan sabay batok kay Clyde.
"Aray!"
"Ang iyakin niyong dalawa! Hindi na ako nagtataka kung bakit naging kayo." Tinawanan ko sila na sinabayan na rin ng paghampas ni Cielo sa 'kin.
"Oo nga naman, may malaking chance pa na magkakasama tayong lima." Audrey.
"Kids! Pose sa camera!" Lumapit si ate Ianne habang inaadjust ang camera.
"Kids? Ha! Tumatanda ka na talaga." Tawa ni Ace.
"Whatever. Eto na, 1, 2, 3!"
Nag-akbayan kaming lima at sabay na ngumiti sa camera.
"Wren, kayong dalawa!" Panunukso ni Tristan na nagustuhan naman ng ate ko.
Nagtinginan kaming dalawa at dali-daling nag-iwas ng tingin. Bakit ba kami naiilang? Ugh ewan ko.
"Ang pabebe niyo!" Pagrereklamo ni Cielo sa aming dalawa.
"Ito na!" Hinawakan ko siya sa baywang at hinila palapit sa akin at agad nagsmile sa camera. Nabigla siya sa ginawa ko kaya hindi na siya nakaimik at tumitig na lang sa 'kin habang ngumingiti ako sa camera.
"Audrey, smile!" Sigaw ni ate kaya natauhan siya at inilipat ang tingin sa camera.
Mas lumapad ang ngiti ko kaya tiningnan ko siya. Sa wakas. Abot ko na rin ang buwan. Andito na siya sa tabi ko.
"Teka, parang familiar ang poses niyo ah!" Nagtatakang sabi ni Cielo habang nakatungo at nag-iisip.
"Ang aga-aga nananaginip ka na!" Clyde.
"Audrey? Pwede ka bang makausap?" Napalingon kaming lahat sa nagsalita.
Agad sumama ang tingin ko nang nakita ko siya. Muntik ko nang makalimutan, andito pa pala siya sa eskwelahang 'to. Tumingin si Audrey sa kuya niya, nanghihingi ng permiso. Walang ibang magawa si Ace kun'di ang sumang-ayon. Agad naman siyang tumingin sa 'kin. Nginitian ko lang siya, nagpapahiwatig na oo ang sagot ko. Umalis muna sila at nag-usap sa isang sulok. Naging madali lang ang pag-uusap nilang dalawa. Closure? I think that was it.
"Kuya, asan sina mama?" Nagtatakang tanong ni Audrey.
Hinanap ng mga mata ko sila mama at ate Chris pero ni anino nila hindi ko makita.
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...