CIELO'S
"I'm Ianne. Wren's elder sister. Nice to meet you."
Napanganga ako. Ang maganda at chic na babaeng ito ay ate ni Wren?
"P-Po?" Hindi ako makapaniwala! Hindi naman sa sinasabi kong hindi gwapo si Wren pero my gosh, his sister's beauty is just so out of this world!
Sinara niya ang bibig kong nakanganga. "I'm guessing this is your house?" Turo niya sa gate naming brown.
"A-Ah opo, bababa na po." Bumaba na ako at bumaba rin siya. "May kailangan pa po ba kayo?"
Nginitian niya ako. "I'm assuming you know someone named Audrey Gatchalian."
Nagtaka ako. Kilala niya rin si Audrey?
"Bestfriend ko po siya."
Mas lumapad ang ngiti niya sa 'kin. "Great! Then can you help me."
What? Tulungan? Audrey and Wren? Ibig sabihin nito ay magiging tulay na naman ako?
Nakita kong kumurba ang labi niya at ngumiti ulit. "You heard it. Sana matulungan mo ako." Dali-dali niyang dinukot ang isang card mula sa bag niya at ibinigay sa 'kin. "Hija, kailangan ko nang umuwi. I'll text you later." Sumakay na siya ulit sa sasakyan niya at humarurot.
Executive manager of a popular magazine company is definitely a jackpot. Tumingala ako sa langit. Wren's family is rich. Audrey, you better marry him.
Alas syete na nang nagmadali akong pumunta sa bahay nila Audrey. I barely had no sleep, girl. You better act decent to Ms. Ianne. Halos wala akong tulog sa katetext namin ng ate niya kagabi. Pagkahiga ko pa lang sa kama ko ay nagtext na siya na magkikita raw kami ngayong alas dies kasama ni Audrey!
I guess working women does work with no delay. Am I even making sense?
"Audrey, gising na!" Ikalawang umaga na naman na ako ang bumubungad sa kanyang paggising. Mababatukan na naman ako nito.
"Ano na naman ba, Cielo. Natutulog yung tao." Tinadyakan niya ako at tumago sa habol niya. Inalis ko na naman ito for the nth time at niyugyog siya.
"May importante tayong lakad ngayon!"
Inalis niya ang mga kamay ko at bumangon. Tiningnan niya ako nang masama at umirap. Gosh, ang aga-aga nagmamaldita na naman!
"I don't remember planning on going out with you today." Tumayo na siya at tumungo sa bathroom saka naghubad.
"C'mon, Audrey kailangan mong pumunta doon." Nagvibrate ang phone ko na nasa bulsa ko ngayon. Kinuha ko ito at binuksan.
Is she prepping up? It's almost 8.
Napalunok ako. "Alas dies pa naman, ah!" Napasabunot ako sa buhok ko at lumapit sa pinto ng bathroom. "Magmadali ka na! Nauubusan na tayo ng oras!"
Pabalik-balik ang mga hakbang ko sa harap ni Audrey na ngayo'y inis na inis na dahil sa 'kin.
"Saan na ba siya?"
"Cielo, ano nga bang hinihintay natin dito?" Hindi ko siya sinagot at tinanaw-tanaw na lang ang paligid. "Sinasayang mo lang ang oras ko. Kailangan ko pang mag-impake!"
Nilingon ko siya at pinandilatan ng mata. "Just wait, okay!" Humalukipkip ako at pinagpatuloy ang pagtanaw.
"Alam mo, aalis na ako. Nakakabwiset."
"Who's leaving?" Napalingon kaming dalawa sa sasakyan na huminto sa harap namin. It's her. Inalis niya ang sunglasses niya at nginitian kaming dalawa. "Hop in."
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...