AUDREY'S
I didn't even bother put make-up on dahil sa pagmamadali ko. Nagpahatid na lang ako kay kuya para maabutan ko si Wren. He'll always come at school. Never nag-absent iyon kaya kampante akong andoon siya pagdating ko.
"Ano ba kasing nangyayari at ginising mo ako para magpahatid ka?" Tanong ni kuya habang pabalik-balik na tinitingnan ako at ang kalsada habang nagdadrive. Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Okay ka lang ba?"
"May tao ba na namamaga ang mga mata at okay lang? Sa tingin mo?" Pagpipigil ko sa mga luha kong nagpupumilit lumabas.
"Sabi ko nga eh." Iling-iling niya. "Ayusin mo na yung gulo niyo ni Wren." Sinamaan ko siya ng tingin. How the hell did he know? "Alam ko na kung anong tumatakbo sa isip mo. Hindi ka naman kasi umiiyak kung hindi mo kasalanan, 'di ba." With that, kusang umapaw ang mga luha ko at napahagulgol na naman ako.
I need to get back with him. Kailangan kong ayusin ang gulong sinimulan ko. Naiinis ako sa sarili ko and how I've changed these days. Paano ba ako naging ganito kababaw? Ano na bang nangyayari sa 'kin? I judged Wren's actions basing on what I saw and not his side. Ang stupid ko talaga.
Nagpaikot-ikot ako sa buong campus sa paghahanap sa kanya only to find out na nasa soccer field lang siya nagtatambay. Tiningnan ko siya sa malayuan. Inaantok na ako at hindi na ako masyadong nakakakita dahil sa tindi ng pamamaga ng mga mata ko. I checked myself and made sure I was ready before coming to him. Kaya mo 'to, Audrey.
He stared blankly at the players while drinking juice. Namamaga rin ang mga mata at may galos sa labi. Binugbog ba siya? Nakipagbasag-ulo ba siya? I tried to dismiss that thought although it's impossible. He isn't like that. Ang tino niyang tao. Napahinga ako nang malalim bago siya lapitan. There's no turning back, Audrey. Makipag-ayos ka. Lunukin mo muna ang pride mo. Don't be shitty.
"Apology accepted na ba?" Nagkasalubong ang kilay ko at napahinto ako nang nakita kong tumabi si Alex kay Wren habang binibigyan siya ng soda.
Nginitian lang niya ito habang tinatanggap ang soda at sinimulang inumin ito. Kwento nang kwento si Alex habang nanonood pa rin si Wren sa laro. Napalunok na lang ako, nanatili pa rin ako kung saan ako huminto. Hindi ko napansin na kanina pa pala tumutulo ang mga luha ko na hindi ko na mapigilang umapaw. Naestatwa lang ako habang iniinda ang sama sa loob dahil sa nakikita ko ngayon. They weren't this close before... or maybe they were and I just didn't notice. Baka nga lumalayo si Wren sa 'kin dahil sa kanya. Ugh. Gusto kong humanap ng ibang dahilan kung bakit nagkakasundo na silang dalawa but I couldn't. Ba't ganun? Nawala lang ako ng isang araw, pagbalik ko may bago na naman siyang kasama. As if wala lang sa kanya yung mga nangyari. Am I not important? Are we not important?
Hindi ko na sila makayang tingnan especially when he's already smiling. Tama nga talaga yung panghihingi ko ng space mula sa kanya. I definitely need this space. Tumalikod na lang ako at bumalik sa mga booths para makalimutan ang mga nakita ko kanina. Ang saya nilang tingnan lahat maliban sa 'kin. I can't even raise my head or smile. I kept my head down, avoiding other people's gazes. Ayokong maging center of attention ang namamaga at pula kong mga mata. I stopped on a booth na may tinitinda na charms. Maraming nakasabit na dreamcatchers sa booth na 'to. Sumisikip na naman ang puso ko habang tinitingnan ang mga charms. My eyes landed on a cute anklet na may pendant na sun at moon. Agad sumikip ang puso ko nang nakita ko iyon. What if all of this never happened? What if okay pa rin kami hanggang ngayon? What if nilunok ko na lang ang pride ko? Maybe I'd be here now with Wren beside me admiring this anklet and wanting to buy it pero hindi naman iyon mangyayari kasi pareho kaming walang pera at ipon dahil naubos sa kakaphotocopy ng handouts at sa pagkain. I cried at the thought of it. Nagulat na rin ang tinder sa 'kin dahil iniiyakan ko yung paninda niya. Dali-dali na lang akong umalis doon. Nakasalubong ko si Adrian na nakapamulsa. Nakatitig na siya sa 'kin na para bang naghahanap ng dahilan kung bakit ang tamlay ko ngayon. I frowned at him. Napaiyak na naman ako. Kumaripas naman siya ng takbo sa 'kin at niyakap ako.
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...