#52

28 1 2
                                    

WREN'S

"Pre, kailan ba ipapasa yung report?" Nag-aalalang lumapit sa 'kin si Max. Matamlay pa rin siya at halatang pinilit niya lang na makapasok. Ang init ngayon pero nakabalot siya ng jacket. Nadapuan ba 'to ng sakit? May epidemya pa naman ngayon.

"Tibay ah, ako na bahala sa report mo." Tinapik ko lang siya at pinaupo. Umubo pa siya nang ilang beses bago uminom ng tubig at pumikit. "Dengue bro?" Tumungo na lang siya at nagkibit balikat. Tsk.

Hindi na niya ako pinansin pa kaya inatupag ko na lang ulit ang isa pang report. Nagtambak-tambak na eh. Ayoko pa namang dalhin yung laptop na kabibili lang ni ate dito sa university pero wala akong choice. Kailangan ko na talagang tapusin ang report na 'to para makapagsimula na akong mag-aral. Malapit na kasi yung finals at kailangan kong maipasa lahat ng subjects ko. Plano ko na ring mag-apply for scholarship next year para lahat ng gastusin ay para kay mama na lang.

"Wren!" Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot si Alex sa harap ko

Nginitian ko lang siya at nagpatuloy sa ginagawa ko. Si Alex talaga, bigla-bigla na lang sumusulpot. Kabute ba 'to? Nagtype lang ako nang nagtype nang narealize kong kanina pa siya tumatayo sa harapan ko, hindi kumikibo. Sinara ko na muna ang laptop ko at doon na siya magsimulang magsalita.

"I saw Audrey with some guy." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Grabeng pambungad 'to. Pinandilatan ko siya ng mata, signal na magpatuloy siya sa pagsasalita. "She's cheating on you, Wren." Balisa siya ngayon, para bang nakakita ng multo.

Umiling lang ako at tumawa. "Si Adrian siguro yung nakita mo. Wala iyon." Eto talagang si Alex, hay. Akmang bubuksan ko ulit ang laptop ko nang pinigilan niya ako. This time, nanlilisik na ang mga mata niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba.

"Wren, I'm worried for you. You just got back together and now she's out with a guy that's not you. And you call it, 'wala iyon'? I don't get you."

Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Bigla akong nainis. Ba't bigla-bigla na lang siyang nanghihimasok? Hindi ko nagugustuhan 'to. Naalala ko yung away namin ni Audrey tungkol sa kanya. Ayaw niya sa kanya. Maging si Tristan ay diring-diri rin nito. Kung kakausapin ko pa 'to, mas masisira ang relasyon ko sa dalawang kaibigan ko. Hindi man nila sabihin, ramdam ko na. Minsan ko lang siyang nakakasama at inaamin kong madalas ay naiilang rin ako sa kanya. Kamakailan lang kami naging magkaibigan pero dumidikit na siya, umaasta na parang ang close naming dalawa. Hinahayaan ko lang iyon noon. Baka lang naman kasi ganun lang siya bilang kaibigan pero ngayon, iba na talaga ang nakikita ko eh. Hindi naman close friends ang pananaw ko sa kanya, acquaintances lang.

Baka tama nga si Tristan, dapat niyang matutunan kung saan siya lulugar sa buhay ko.

"Ikaw yung hindi ko maintindihan, Alex." Sumama ang tingin niya at humalukipkip na ngayon. Umiwas siya ng tingin sa 'kin at halatang nagpipigil ng inis. Anong ginagawa nito? Kanina, iba ang pinapakita nitong emosyon sa harapan ko.

"I'm just worried for you as a friend, Wren."

"Alex, may tanong ako."

"I can't believe this."

"May tanong nga ako."

"You're so tanga."

"Sino ka ba?" Napalingon siya sa 'kin. Mas napasama tuloy ang tingin niya. Sa totoo lang, wala na akong pakialam kung magdabog siya o gumawa ng gulo. Gusto ko nang malaman kung sino talaga siya at ba't siya biglang sumusulpot sa buhay ko. "Simula noong dumating ka, ikaw palagi ang puno ng pag-aaway namin ni Audrey—"

"So you're blaming me?"

"Patapusin mo muna ako..."

"No, nakakainis ka."

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon