Masaya ako. Masaya ako tuwing nakikita kitang nakangiti. Sa tuwing hinahawakan mo ang kamay ko kapag kinakabahan ako. Sa tuwing tinitingnan mo ang mga mata ko bago mo halikan ang mga labi ko. Masaya ako sa bawat minutong kasama kita. Walang pinapalampas kahit isang segundo at isang minuto pa lang ang lumilipas na hindi kita kasama ay namimiss na agad kita.
Sobrang masaya ako kapag nasa tabi kita ngunit hindi ako alam kung paano tayo humantong sa ganito. Nagbabangayan, nag-aawayan, at nagkakasakitan. Pinapahirapan ang mga sarili natin kahit alam naman nating sobrang mahal natin ang isa't isa. Pero kahit ilang beses pa tayong pag-awayin ng tadhana, pagtangkain na layuin ay hindi tayo natitibag. Bumabalik pa rin tayo sa dati. Masaya pa rin ako. Masaya pa rin ako kahit nakakailan ka at kumo-quota ka na. Masaya pa rin ako kasi alam kong mahal mo 'ko at mahal rin kita. Masaya pa rin ako kasi kampante akong malalagpasan natin lahat ng ito basta't magkasama tayong dalawa.
Kahit masaya ako na tayo ay napapagod rin ako. Unti-unti na akong nawawalan ng lakas na sugurin ka, sundan ka, at habulin ka. Nawawalan na ako ng lakas na lumaban para sa tayo na pinangako nating hindi kailanman mawawala. Limang taon na ang lumipas simula noong una kitang nakita. Minahal na agad kita at mas lumalim iyon kahit ilang beses mo pa akong ipagtabuyan at layuan. Audrey, iniisip kita palagi. Minamahal kita palagi. Iniintindi kita palagi. Nahihirapan man ako pero sinisigurado ko na naipapakita ko sa 'yo iyon. Mahal kita at mahal mo ako pero hindi sapat ang pagmamahal lang. Kahit ang mga pangakong nating binitawan ay kulang. Limang taon rin akong lumaban. Lumaban para sa isang relasyong ako lang pala ang lumalaban. Ilang beses kang sumuko. Ilang beses kang lumayo. Mahal kita Audrey pero napapagod rin ang puso. Nakakapagod na makita kang hindi lumalaban kasi lagi mong pinipili ang pagsuko kaysa sa pagmamahal mo sa 'kin. Pero kahit pagod na ako ay hindi ako kailanman napagod sa pagmamahal sa 'yo.
Hinding-hindi mo maiintindihan ang desisyon kong lumayo sa 'yo. Minahal kita pero naubos ako. Wala nang natira sa 'kin. Mas humigit ang pag-ibig ko sa 'yo kaysa sa pag-ibig ko para sa sarili ko. Hindi mo ako maiintidihan sa ngayon pero kapag binalikan mo ang mga ito sa isa o dalawang taon ay baka magawa mo na. Baka ang kailangan lang nating dalawa ay ang oras para sa sarili natin. At gamitin ang oras na iyon para lumakas tayo. Mahal pa rin kita kahit ang sobrang sakit na at alam kong hindi ako agad makakalimot.
Gusto kong malaman mo na hindi ako kailanman nanghinayang na naging tayo. Hindi ako nagsisisi sa lahat ng ginawa ko. Ikaw ang highlight ng buong high school ko at wala lamang katuturan ang pagsisisi ko kasi hindi ko kayang burahin ang nakaraan. At kung mabibigyan man ng pagkakataon ay tatanggihan ko iyon. Parte ka ng buhay ko at nagpasalamat ako na nakilala kita. Salamat kasi pinasaya mo ako at marami akong natutunan nang dahil sa 'yo.
Kung magiging tayo man ulit, ipagdarasal ko na sana sa oras na iyon ay nagbago na tayo. Lalaban na tayong dalawa at hindi na natin susukuan at papakawalan ang isa't isa. Magsisimula tayo ulit at ibabaon na natin ang aral na dala ng nakaraan para hindi ulit tayo maubos at masaktan.
Wren
I folded the paper thrice, just as how he did it. Tinago ko na iyon sa bag ko at umalis na sa office. I bid goodbye to my workmates at seniors. Finally at tapos na ang on the job training ko! I've been very worried. Delayed na kasi ako sa lahat ng batchmates ko. I shifted from Education to Psychology. Spur of the moment. A very unexpected decision. I wanted to understand the mind of a person. At gusto ko ring mas makilala at maintindihan ang sarili ko.
I've always considered it a miracle that I'm patient when it comes to Alison and none for other people. I realized that Education wasn't for me. Hindi ko kayang tumuro ng bata dahil ang impatient ko. Teaching children requires great patience and I have none of that.

BINABASA MO ANG
Chasing Her
Ficțiune adolescenți[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...