°°°°Chapter 18°°°°
"Huwag kang lalabas!,"sigaw ni Vleane, hindi niya alam kung nadidinig ba siya ng binata o hindi ng matapos nilang mapatay ang siyam na aswang
Handa na sila sa pag alis at pag uwi sa bahay nila Tatay Natoy, pero nakaramdam siya ng panganib
Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid, naaamoy pa niya ang ilang nga aswang na nagtatago sa paligid at handa ng sumugod anumang oras
"Anong mayroon, Vleane?,"tanong ni Angela, nilapitan nila ang dalaga
"Parang yumayanig ang lupa ah,"bulalas ni Jane
"Oo nga,"pagsang ayon naman ni Joorie
"Dito kayo sa likuran ko,"ani niya sa tatkong kaibigan na kaagad namang sumunod sa kanya
"Ano iyon? Nakakatakot,"ani ni Angela ng makadinig sila ng nakakatakot at nakakakilabot na pag atungal sa di kalayuan at papalapit na iyon sa kanilang kinatatayuan
Mula sa madilim na bahagi ng daanan ay lumabas ang isang nilalang na may nakakatakot na itsura, papunta iyon sa kanilang kinatatayuan
May nakakatakot iyong itsura ng masinagan ng liwanag ng buwan, walang humpay ang pagtulo ng laway nito sa bibig, ang mga mata nitong namumula at nanlilisik habang nakatunghay sa kanilang apat
"Nakakatakot naman,"ani ni Jane, na natatakot na ng mga sandaling iyon
"Katapusan na ba natin?,"sabi naman ni Joorie na nakasilip muna sa likuran niya
"Vleane,"anas naman ni Angela sa kanya
"ako ng bahala,"ani niya sabay porma at usal ng buhay na salita at orasyon na pamproteksiyon at pambakod para sa sarili niyang katawan,"Lumayo na muna kayo sa akin"
"Sige,"kuro ng tatlo at sabay na tumakbo pabalik sa bakuran ni Eugene at doon ay nagtago sa makakapal na halaman
Umangila ng naturang halimaw at mabilis na sumugod sa kanya, kahit na amy kalakihan iyon ay mabilis iyong kumilos
Gamit ang maykalakihang kamay ay mabilis siyang dinampot nito, pero bago pa nito mahawakan siya ay tumalon siya paatras para hindi siya madampot nito
Tinatangka siya nitong bihagin gamit ang dalawang malalaking kamay at paalad, pero nakakaiwas lang siya, iniiwasan niyang madampot siya nito dahil alam niya kapag nangyari iyon ay tiyak na ang pagkatalo at kamatayan niya sa kamay nito
Umangil lang iyon sa sobrang galit, dahil hindi siya nito mahuli huli kahit na anong gawin nito, lalo pang nanlisik ang mga malalaking mata na halos pumutok na din ang mga ugat nito sa mukha
Naging mas handa na si Vleane ng muling sumugod sa kanya ang halimaw na iyon, sinabayan niya ito ng muling tumakbo papalapit sa kanya, tinaga niya iyon gamit ang matalas niyang patalim, nasugatan niya ito kahit na napakatigas ng balat nito na nababalutan ng makakapal at maitim na balahibo
Pinag aralan niyang mabuti kung paano niya tatapusin iyon para makauwi na siya, iniisip niya ang mga pinagdaanang pag eensayo niya mula kay Lolo Rene
Hindi na niya namalayang nahagip na siya ng kamao nito, isang malakas na pagsuntok ang tumama sa kanyang tiyan na ikatalsik niya ng may kalayuan
"VLEANE!!!,"sigaw ng tatlo ng makita nila na tumalsik siya at ilang sandali pa ay sumuka siya ng napakaraming dugo
"Huwag kayong lalapit,"ani niya,"Baka mapahamak lang kayo,"awat niya
Dahan dahan siyang tumayo, itinukod niya ang kanyang sandata at ginawang pag alalay sa kanyang pagtayo dahil ramdam niyang nanghihina ang kanyang kayawan at mga tuhod
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...