Chapter 52

448 28 1
                                    

°°°°Chapter 52°°°°

Nang makasiguradong wala na ang mag ina ay saka pa lamang siya tuluyang nagmulat ng mga mata

Nadinig niya ang lahat ng mga pinag uusapan ng mga iyon at tuluyan na ding bumalik ang kanyang mga alaala, blangko ang kanyang ekspresyon sa kanyang mukha, halo halong emosyon ang kanyang nararamdaman pero isa lang ang kanyang natitiyak, tatapusin niya ang kanyang misyon na nakaatang sa kanya

Bumangon na siya at handa na siyang lumabas ng kwarto dahil nais niyang makita si Kayla, pero nakadinig siya ng yabag na may paparating kaya nanatili muna siya sa loob at nakiramdam

Habang nag uusap naman ang mag ina sa labas ng kwarto ay isang binatilyo ang humahangos ang biglang dumating, kapatid iyon ni Kayla, dire diretso iyong pumasok sa loob ng bahay ng babae

"Inay, muli pong lumusob ang mga aswang sa ating Baryo,"hinihingal na saad at pagbabalita nito sa kanilang dalawa

Nagkatinginan muna silang mag ina, mababakas ang takot at pag aalala sa kanilang mga mukha bago ibinalik ang tingin nila sa kaharap na puro galos at sugat ang katawan nito

Naikuyom naman ni Jude ang kanyang dalawang kamao ng madinig amg sinabi ng binatilyong bagong dating

Kaagad niyang binuksan ang nakapinid na pintuan ng kanilang kwarto, dahan dahan naman na napalingon ang mag iina ng madinig ang pag ingit ng pintuan at nakita nila ang nakatayong si Jude na nakatingin lang din sa kanilang tatlo

Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Kayla habang nakatitig sa kanya, bigla din nakaramdam ng kaba sa kanyang dibdib ang babae, kaagad nitong nilapitan si Jude, sinuri ang kabuuan nito bago niyakap ng mahigpit

"A-ayos kana ba, Mahal?," nauutal niyang tanong kay Jude, may kung anong kislap kasi siyang nakikita sa mata ni Jude na iyon ang dahilan at nagbibigay sa kanya ng matinding kaba

Habang ang mag inang Aling Cita naman at Carlos ay tahimik lang na nakamata sa kanilang dalawa

"Nadinig kong sinasalakay ang Baryo natin ng nga aswang,"ani ni Jude,"Anong nangyayari sa mga kababaryo natin?,"tanong niya na nakatingin sa binatilyong kapatid ni Kayla, bago kay Aling Cita at sa nakayakap sa kanya

Napaupo naman sa tabi ni Aling Cita ang binatilyo bago kunwari na umubo ubo iyon para mag alis ng bara sa lalamunan bago iyon tumugon sa kanya

"Ka-kasi kuya sumalakay na naman sila, sunod sunod na nila ngayon na sinasalakay ang mga Baryo, marami ang nasawa sa mga  iyon p-pero marami din naman ang nakaligtas at nakapagtago,"paliwanag nito sa kanya,"

"Noong hindi kapa nawawalan ng alala, malimit ralaga silang sumalakay,"singit ni Kayla,"Katunayan nga niyan ay kasama ka sa mga lumaban noon bago nanguari ang aksidente," napatango tango na lamang siya habang nakatitig sa kaharap na malikot naman ang mga mata na tila hindi mapakali ng mga sandaling iyon dahil sa kabang nararamdaman nito

Hindi na kumibo si Jude habang nag iisip ng plano para tulungan, ang mga taga Baryo, hindi niya papayagan na magmistulang pagkain ng mga aswang ang kanilang mha kababaryo

"Hindi ako papayag na maghari sila sa Baryo,"ani niya na ikinalaki ng mga mata ng tatlo,"Kung kinakailangan na magdeklara ng giyera laban sa mga aswang ay gagawin ko, ako ang mamumuno sa labanang iyon,"saad niya na lalong ikinanlaki nv mga mata ng mag iina at napaawang pa ng kanilang mga labi

"Hindi, hindi ako papayag, Lito!,"nangingilid ang luhang sabi ni Kayla,"Hindi na ako papayag na mapahamak kapa at tuluyang mawala sa akin,"

Niyakap na lamang ni Jude ang umiiyal na si Kayla, hinagod niya ang likod nito para patahanin ito

Ibang pakikidigm anaman ang nangyayari sa dibdib ni Kayla habang nakayakap siya kay Jude, pakiramdam kasi nito ay muling mawawala sa kanya ang lalaking pinakamamahal nito, hindi na niya alam ang kanyang gagawin para manatili lang ito sa kanya

"Lalabanan ko ang mga aswang,"pahayag ni Jude,"Para tuluyan ng manahimik ang ating Baryo,"

Labis labis ang pagtutol ni Kayla sa mga sinabi at plano ni Jude

"Hindi ako papayag!,"ani ni Kayla,"Alam mo ba ang nangyari sayo noon? Bakit kailangan mo na naman labanan ang mga aswang?,"mariing pagtutol nito habang nanginginig ang mga labi nito dahil sa pinaghalo halong emosyon habang nakakuyom ang dalawang kamao nito

Habang walang mababakas na kahit anong emosyon na mababakas sa mukha ni Jude, habang mataman lang niyang tinititigan ang umiiyak na si Kayla

Habang sina Aling Cita at Carlos ay tahimik lang na nakamata at nakikinig sa pagtatalo nilang dalawa, bumugtong hininga muna si Jude bago mahinahon na nagpaliwanag sa babae

"Kailangan ko iyong gawin, Kayla, para ito sa lahat. Gusto mo bang manahan na lamang habang panahon ang takot sa kanilang mga dibdib? Kung may paraan naman para pigilan ang paglusob ng mga aswang,"

Ilang sandali pang natapps na siyangagsalita, pero nanatiling walang imik si Kayla na tila napipilan ito sa kanyang mga sinabi, hindi na nagsalita ito, tahimik na tinalikuran na lamang siya, nasundan na lamang niya ng tingin ang papalayong bulto nito







Lumipas ang ilang araw

Matapos ang pag uusap na iyon ng dalawa ay hindi na muli pang kinibo ni Kayla si Jude, hindi na din naman niya na pinilit na kausapin ito, dahil mas mapapanatag siya kung hindi na muli pa silang mag uusap

Pinaghandaan na lamang niya ang kanyang naunang plano, nagtungo siya sa Baryo at kumausap siya ng mga kalalakihan na handang lumaban kasama niya sa mga aswang na nais sakupin ang Baryo

Noong una ay nahahalata sa mga iyon ang pag aalinalangan, nakakaramdam ng takot at ayaw ng magtiwala

"Amang,"ani ng isang matanda,"Sa totoo lang, nag aalinlangana kaming lumaban at sumama sayo, dahil ang unang namuno sa amin ay basta na lamang kaming iniwanan sa gitna ng labanan,"

"Tama iton, Amang,"pagsang ayon ng isa pa,"Dahil sa kanyang ginawa ay marami sa amin ang nasawi at naging lamang tiyan ng mga aswang," marami pa sitang nadinig na mga pagtutol pero hindi siya pinanghinaan ng loob

"Salita lamang ang maipapangako ko sa inyo, pero tinitiyak ko sa inyo na buo ang loob at tapang ko na labanan ang mga aswang na handang gawing pagkain ang lahat ng tao sa Baryp natin at sa mga karatig Baryo,"may diing turan niya sa mga kaharap

May ilan na namangha sa kanya dahil sa pagkakahawig niya kay Lito, ang totoong asawa ni Kayla at sa tapang na kanyang pinapakita na labanan ang mga aswang

"Sasama kamo sayo,"tugon ng ilan na napapayag niyang makasama niya sa paglaban sa mga aswang, kaya napangiti siya ng bahagya dahil sa nadinig

Pero halos kalahati ang tumanggi na lumaban dahil nababalot pa din sila ng takot sa mga aswang at pag aalinlangan sa kanya

Nag alisan ang mga iyon habang nag uusap, kaya wala na siyang nagawa, ang mga naiwan ay kinausap niya at ibinahagi ang kanyang mga plano

Nang sumang ayon ang mga iyon ay kaagad na silang naghanda para sa muling paglusob ng mga aswang sa Baryo, gumawa sila ng mga pangontra sa mga aswang at inilagay sa bawat kabahayan

Bago ang mga sandatang kanilang gagamitin laban samga aswang, handa na ang lahat para sa muling pagdating ng mga iyon








Itutuloy

So ayan mag uumpisa na ang tunay na pakikipaglaban ni Jude sa mga aswang

Ano kaya ang mangyayari sa kanila?

Paano na sila ni Kayla gayung bumalik na ang kanyang alaala?

Abangan....

Please leave a Comment and reaction

And dont forget to Vote and follow me

Thank you

•••••akiralei28

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon