Chapter 45

448 24 1
                                    

°°°°Chapter 45°°°°

Nagising na lamang si Brent na nasa isang maliiy na kubo na siya, inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid, maliban sa papag na kanyang kinahihigaan ay wala na siyang makitang ibang gamit sa loob

Pinilit niyang alalahanin ang mga nangyari, pero bigla na lamang sumakit ang kanyang ulo na parang bang pinukpok ng martilyo, kaya napapikit siya habang sapo sapo iyon

Ilang sandali pa siya na nasa ganoong ayos ng madinig niya ang paglangitngit ng pintuan na yari sa tabla, hudyat iyon na may pumasok na kung sinuman

Hindi niya nilingon iyon, isang may katandaang lalake ang pumasok, tinignan siya nito at sumilay sa labi nito ang isang ngiti ng makitang gising na siya

"Kamusta na ang kakiramdam mo?,"tanong nito habang naglalakad papalapit sa kanyang kinahihigaan

"A-ayos na po ako. Nasaan nga po pala ako?,"sunod sunod na tanong niya habang pinapasadahan ng tingin ang matandang lalake na nasa kanyang tabi, puti na ang buhok nito at may suot na puting kamesita, sunog din ang balat nito sa araw

"Nasa bayan ka ng Aragusan, nakita ka namin ng anak ko na palutang lutang sa ilog,"tugon nito sa tanong niya,"Dinala ka namin ng anak ko dito sa kubo para walang makakita sayo,"

Hindi siya umimik at wala din siyang maitanong sa mga sinabi nito

"Limang araw ka ng walang malay,"ani pa nito,"Naalala mo ba ang mga nangyari sayo?,"tanong ulit nito na hindi maikakaila sa tono nito ang pag aalala

Sandaling napaisip si Brent, ang tanging naaalala lamang niya ay ang pagbulusok sa kawalan, napatingin muna siya sa matandang kaharap sabay umiling iling

"Wala po, wala po akong matandaan,"tugon niya dito,"Kung paano po ako napunta sa ilog,"

"Huwag mo munang alalahanin ang mga nangyari sayo, kusa mo din maaalala ang lahat,"ani nito sa kanya,"Nga pala ako si Bartolome o Tatay Bart kung tawagin,"pagpapa kilala nito sa kanya,"Alam mo ba ang pangalan mo?,"

"Ako po si Brent,"tugon niya,"Marami pong salamat sa pagsagip niyo sa akin. Tatanawin ko po iyong malaking utang na loob,"turan niya

Hindi na sumagot pa si Tatay Bart sa kanya, matiim lamang siya nitong tinitigan, bahagya naman siyang nakaramdam ng pagkailang sa mga kakaibang titig na ibinibigay nito sa kanya

"Maiwan muna kita sandali, Brent,"paalam nito sa kanya,"Babalikan kita maya maya, kukuha lang ako ng makakain mo,"

"Salamat po,"ani niya dito

"Huwag na huwang kang lalabas dito hanggat hindi ako nakakabalik,"mahigpit nitong bilin sa kanya

Gusto pa sana niyang magtanong pero nakaalis na kaagad iyon, kaya napabuga nalang siya ng hangin

Lumipas ang ilang minuto, wala pa din ang matanda kaya nainip siya kaya napagpasyahan niyang tumayo at lumapit sa nakasaradong bintana

Gusto niyang makita ang paligid at makalanghap ng sariwang hangin kaya binuksan niya iyon

Nanlaaki ang kanyang mga mata sa nakita, luntiang paligid at malamig na simoy ng hangin, yakita din niya sa di kalayuan ang mga gintong butil ng palay na anumang oras ay maaari ng anihin

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon