Chapter 41

479 29 4
                                    


°°°°Chapter 41°°°°

Nakaramdam ng kakaibang init sa katawan si Vleane, pakiramdam niya ay may gumagapang na init mula sa kanyang bulsa

Napatingin siya doon at nakita niya ang kyanite na umiilaw ng asul habang gumagapang iyon sa kanyang katawan paakyat sa kanyang balikat

Napansin niya na nawala na ang pananakit ng kanyang balikat at mga braso, nakita din niya na unti unting naghihilom ang kanyang mga sugat lalo na sa kanyang balikat

Alam niyang gumagana na ang mutya, ang kyanite nankayang magpagaling ng kahit anong sugat na likha ng mga aswang, kaya nanumbalik na ang kanyang lakas ng mga sandaling iyon

"Kaya mong talunin si Emir,"ani ni Miskha na lumabas mula sa kanyang katawan,"Kailangan na matalo mo siya, marami ka pang dapat gawin,"

"Pero...,"

"Alam ko na nahahati ang damdamin mo at isipan, tao ka ay alam ko iyon,"putol nito sa kanyang sasabihin,"Kung hindi mo siya matatalo, mauubos ang sanlibutan at masisira din ang balanse ng mundo dahil sa kanyang pagbabalik,"

Hindi na siya nakaimik, nakita nalang niyang ngumiti ito ay tumango sa kanya, napabugtong hininga xa at pumikit bago dumilat at ngumiti din sa kanyang gabay

Samantala sa kinatatayuan ni Emir, tila itinulos ito mula sa kinatatayuan, hindi ito nakakasiguro kung tama ba ang nakikita nito, na isang nilalang ang nakatayo sa tabi ng dalaga na hindi katulad ni Vleane at lalong hindi aswang ang kausap ng nasabing dalaga

Matalim iyong tinitigan ni Emir, may mahaba iyong buhok at nagniningning ang balat niyon, mas lalong nanlaki ang mga mata ni Emir ng makita nito kung paano naging isa ang dalawa, umangil ito ng malakas bago sinugod si Vleane na noon ay handa ng tapusin ang laban

Kung sino man iyon at kung ano ang kaugnayan nito sa dalagang Babaylan ay hindi nito hahayaan na maging hadlang ito para patayin at tapusin ang dalaga, kahit na isa pa itong gabay ng dalaga na mula s akabilang dimensiyon ng mundi

Sa pagkakataong iyon ay naging mas alerto na si Vleane, nagsagupaan na sila, lakas sa lakas, bilis aa bilis, bawat pag atake ni Emir ay nagagawa na niyang masangga iyon ay nakakailag na siya ng mabilis

Pakiramdam ng dalaga ay tila naging magaan na ang kanyang katawan dahil hinayaan na niyang maging isa sila ni Mishla at hinayaan na niyang ito na ang magmanipula sa kanyang katawan

Sa bawat atake ni Emir ay nagagantihan din niya iyon, nasusugatan niya ang aswang na lalong nagpatindi ng galit nito at masidhing kagustuhan na mapatay siya,

Nanghihina na si Emir, sa pakitramdam nito ay hinihigop ang lakas nito sa bawat pag atakeng ginagawa sa dalaga

Napaatras ng bahagya si Vleane ng bigyan siya ng isang malakas na pag atake ni Emir, napatingala muna siya sa bywan habang inaayos angkanyang pgkakatayo, napakunot noo siya ng mapagtantong tila lumiliwang na ang paligid, na tila malapit ng mag umaga, hindi na niya napansin ang oras dahil sa abala siya sa pakikipaglaban kay Emir

Napatingin siya kay Emir na unti unting humahakbang papalapit sa kanya, balak ng dukutin ni Emir ang puso ni Vleane ng makalapit ito sa dalaga

Pero natigilan ito si Emir sa binabalak nito, nang makita nitong isa isa ng nababali ang mga kuko nito mula sa mga daliri, maging ang makapal nitong balahibo sa katawan ay unti unti ng nalalagas

"HINDI, ANONG NANGYAYARI SA AKIN!,"sigaw nito ng napagmasdan ang kakaibang nangyayari sa sarili nitong katawan,

"Iyan ang kabayaran sa mga nagawa mong kasamaan,"ani niya sa aswang, itinaas na niya ang kanyang kamay habang umuusal ng isang irasyon na tatapos na sa kasamaan ni Emir, mula sa dulo ng kanyang hintuturo ay namuno ang isang kidlat na galing sa kalangitan

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon