°°°°Chapter 02°°°°Tahimik sila habang kumakain ng meryenda at tanghalian para sa magkakaibigan, hindi umiimik si Lolo Rene na tila ba ang lalim ng iniisip nito maging si Vleane
"Kamusta po ang simbahan?,"tanong niya habang kumakain,"Sina Mother Santa at Sister Helena? Pati na po sina Father?,"
"Maayos naman silang apat,"tugon ni Mang Lino,"Minsan lumalabas sila at namimigay ng pagkain sa mga kababaryo natin na hindi na nakakalabas dahil sa takot lalo na kung minsan ay may mga check point at hinaharang sila,"
"Mabuti naman at ayos lang sila,"ani niya,"Pupuntahan ko po sila mamayang gabi,"ani niya sa mga ito
"Hindi pwede,"tanggi ni Lucas,"Hindi pa magaling ang sugat mo at isa pa delikado,"
"Isasama ko nalang si Angela,"iyon lang ang nasabi niya, hindi na niya pinansin si Lucas na napabugtong hininga at tahimik nalang na kumain, alam niya masama ang loob nito at nagtatampo sa kanya, pero kailangan niyang mabisita ang simbahan pati ang mga nakatira doon
"Bilisan niyo na kumain at sasabihin ko na sa inyo ang lahat lahat,"ani ni Lolo Rene,"Lalo na sayo, Apo,"
"Sige po,"ani niya, kaya ilang sandali pa ang nakalipas ay natapos na silang kumain,
"Magtitimpla lang kami ng kape,"ani nina Jane at Joorie kaya napatango nalang siya sa dalawa
"Tutulungan ko lang sina Cassie sa pagliligpit,"ani naman ni Angela kaya napatango nalang siya bago pumunta sa sala ng bahay
Sina Mang Lino at Lolo Rene lang ang naabutan niya doon sa sala, hindi niya alam kung nasaan ang tatlong binata at ang bunsong anak ng mga ito
"Inayos ni Lucas ang kwarto ni Junior para doon matulog sina Calvin at Jude,"ani ni Mang Lino,"Tapos si Nanay Niña ay sa silid ni Cassie para doon matulog sina Jane, habang sa silid naman ni Aimy ay doon matutulog si Cassie,"
"Ah ok po,"tanging tugon nalang niya dahil alam niya na sama sama silang apat sa silid ni Cassie kaya hindi na siya nagtanong pa,"Malapit ng dumilim,"ani niya habang nakasilip sa labas ng bintana,"Nasa labas pa din ang mga aswang,"
"Hindi sila aalis hanggat hindi kayo lumalabas,"ani ni Lolo Rene
"Bukas nalang kami bibisita sa simbahan,"ani niya at naupo sa isang solong upuan,"Wala pa akong ganang makipagbakbakan,"
"Kamusta ang Lolo mo?,"biglang tanong ni Lolo Rene na ikinayuko niya bago tuluyang umiyak
"Patay na po siya,"ani niya ilang sandali ang nakalipas bago siya nakasagot kay Lolo Rene,"Noong nakaraang araw lang po, pinatay po siya ng isang hukluban,"
Hindi nakaimik si Lolo Rene maging ang mga kasama nila na nagdadatingan na doon
"Ikinalulungkot ko ang pagkawala niya,"ani ni Lolo Rene,"Sayang at hindi na kami nagkita ulit,"
"Sabi niya hanapin daw kita at itanong sayo ang lahat,"ani niya na nagpupunas ng mga luha,"Hindi naman po niya alam na nakilala na kita at apo niyo po sina Lucas,"
"Nanabik akong makita ang pinakamatalik kong kaibigan,"may lungkot na saad ni Lolo Rene,"Kaming dalawa nalang ang natitirang buhay sa aming anim na magkakaibigan, pero namatay na din pala siya at nauna pa sa akin,"sabay tawa ng pagak
Hindi nakaimik ang mga nasa paligid nito, lalo na siya na ramdam niya ang kalungkutan sa boses ng matanda, kaya lalo lang siya nanabik sa kanyang Lolo Ernie ng mga sandaling iyon
"Ano ang gusto mong malaman, apo?,"tanong nito sa kanya
"Kung ano po ang nais niyong unang ikwento,"tanging tugon niya,"Nakahanda po ako makinig at maghintay,"
"Ah sige,"ani nito,"Tutal nabanggit muna din si Emir, siya ang una kong ikukwento at kung ano talaga siya,"
"Lolo Rene,"ani niya,"Kilala niyo po ba ang hukluban?,"
"Oo apo,"tugon nito,"Kilalang kilala ko siya mula sa pagkabata hanggang sa nagdalaga na siya at naging magkasintahan sila ni Ernie, pero sa huli ko na ikukwento iyon,"
"Sige po,"ani niya
"Kape po tayo,"alok nina Angela kasama ang magkapatid, kasunod din sina Jane at Joorie
Napabugtong hininga muna si Lolo Rene, kukuha ng isang tasang kape at tila inaalala ang mga nangyari sa nakaraan, tila bumabalik siya sa kanyang kabataan
Mababakas ang pagkainip sa kanilang lahat dahil ilang minuto ng hindi nagsasalita si Lolo Rene, tila inaalala pa nitong mabuti ang mga sasabihin at kung sino ba talaga si Emir sa nakaraan
Tumayo si Lolo Rene, nagpunta sa may bintana at sumilip sa labas habang nakasandal sa aparador na malapit doon, habang tangan ang isang tasang kape nito
Habang ang mga binata naman ay umupo na ng tahimik sa isang tabi at handa ng makinig, habang nakatingin silang lahat sa matanda
"Salamat sa kape mga apo,"ani nito matapos maubos ang isang tasang kape,"Mahaba habang kwentuhan ito at mahaba haba din ang gabi,"sabay tawa ng pagak at nilingon si Vleane na nakatingin din sa kanya, sabay ngiti ng may lungkot
"Lo, baka pwede na kayo magkwento,"naiinip na sabi ni Lucas na napapakamot sa ulo
"Huwag kang apuradong bata ka,"saway ng matanda kaya tinawanan lang nila ang binata na napapangiti ng alanganin, habang siya naman ay pinanlakihan niya ng mata si Lucas
"Ang tagal niyo naman mag story telling, Lo,"sabad naman ni Jude na naghihikab na,"Inaantok na po kami, pagod din po kami sa haba ng biyahe,"
"Aba eh di matulog na kayong tatlo,"sabay tturo sa kanilang tatlong magpipinsan,"Mga apurado, heto na nga at uupo na eh,"
Kaya nagtawanan nalang sila dahil sa sinabi ni Lolo Rene habang nagpatimpla pa ulit ito ng kape kay Cassie, pero imbes na magtimpla ay dinala na ang dalaga ang thermos, kape, asukal at creamer para hindi na ito pabalik balik sa kusina
"Parang pangpuyatan iyang dala mo, Cas,"biro niya sa dalaga,"Wala na bang tulugan?,"
"WALA!!,"sabay sabay na kuro ng lahat sa kanya kaya napatakip nalang siya ng tainga dahil halos mabingi siya sa mga ito
"Huwag masyado malakas, dahil may mga aswang na sa labas,"saway niya,"Alas singko na ng hapon kaya dahan dahan lang sa pagsasalita at huwag sabay sabay ok?,"
"Ok",sabay sabay na sabi ng mga ito na halos lumabas nalang sa bibig ang salita kaya napailing nalang siya
"Handa na ba kayo?,"tanong ni Lolo Rene sa kanilang lahat
"Opo,"kuro nila
"Bweno mga apo, uumpisahan ko na,"pahayag nito, napatango nalang sila bago nanahimik ang lahat,"Nag umpisa ito mula sa aming kanunu nunuan, ang Baryo namin noon ay mapakaliblib ng mga panahong iyon, wala pang mga ordinaryong tao ang nakakapasok sa aming Baryo, naging pugad ng mga aswang ang aming Baryo at kinatatakutan ng sinuman,"
Napainom muna ito ng tubig bago sumandal sa sandalan ng upuan, ipinikit ang mga mata bago nagpatuloy sa pagsasalita
"Nang mga panahong iyon ay talamak na ang mga kababalaghan at mga ibat ibang uri ng mga nilalang sa dilim ang naninirahan sa aming Baryo,"ani pa nito,"At dito nagsimula ang lahat ng may isang dayong pamilya noon ang napadpad sa aming Baryo at sa kanya nagsimula ang lahat ng nangyaring kaguluhan,"
•
•
•
•
•
•
•
•
ItutuloySunod na Chapter na po ang pagbabalik tanaw ni Lolo Rene
Sino kaya ang dayong pamilya na iyon?
Sina Emir na kaya?
Abangan.....
Please leave a Comment ang reaction
Dont forget to Vote
Thank you
•••••akiralei28
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
رعبAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...