Chapter 36

438 31 3
                                    


°°°°Chapter 36°°°°

•••Third Person's POV••

Samantala sa pwesto naman ni Lolo Rene

Patuloy din ito sa paglaban sa mga sigbin na nakalusot sa magkakaibigan dahil abala ang tatlong dalaga sa pakikipaglaban sa mga aswang na nasa ibat ibang kaanyuan

Maraming sigbin ang sumugod kay Lolo Rene na batid niyang pinadala iyon ni Emir para kalabanin siya, maliban sa sandamakmak na sigbin ay may iilang aswang din ang humarap sa kanya

Na karamihan ay natalo at napatay niya kahit na siya lang mag isa ang lumalaban sa gawing iyon

"Huwag niyong mamaliitin ang matandang ito, huh,"ani ni Lolo Rene sabay turo sa dibdib,"Hindi pa din kumukupas ang kakayahan ko sa pakikipaglaban,"may kaangasan niyang sambit sa mga aswang sa kanyang harapan habang nakaporma na handa na itong lumabang muli

Tanging angil lang ang naging sagot ng mga iyon bago sabay sabay na dumaluhong sa kanya

Habang abala sa pakikipaglaban sa ibat ibang uri ng aswang si Lolo Rene, ay hindi niya namamalayan na kanina pa may nakatingin sa kanya, lihim na siyang pinagmasdan ni Emir na nasa di kalayuan at nakapwesto sa madilim na bahagi ng kakahuyan

Ang mga mata nitong nagbabaga sa pula ay mas lalo pang namula dahil sa maiitim nitong pagkakatitig kay Lolo Rene, naaamoy nito ang dugong nananalaytay sa katawan ng matanda

Ilang sandali pa ang nakalipas ay natalo ng lahat ni Lolo Reneang mga kalaban, tumayos iya ng tuwid bago inilibot ang paningin sa kalapigiran

Nararamdaman ng matanda na mayroon pang nagtatago sa madilim na bahagi ng kakahuyan at sa mga talahiban, nadidinig din niya ang mga mabibigat na paghinga ng mga iyon

Nang makadinig siya ng kaluskos sa kaliwang bahagi niya at gumalaw ang mga halaman doon ay bigla siyang napalingon at sabay tutok ng hawak na sandata, nakahanda na siya sa anumang nilalang na maaaring sumugod ng biglaan sa kanya

Hinintay niya kung anumang uri ng nilalang ang lalabas mula doon, ilang sandali pa ay unti unti ng lumalabas mula sa madilim na bahagi ng kakahuyan ang nilalang na hinihintay ni Lolo Rene

Nang makita niya iyon ay tila biglang himinto sa pag inog ang mundo niya, nakaramdam din siya ng paninikip ng kanyang dibdib, ilang beses din siyang napapalunok ng laway habang nanlalaki ang kanyang mga mata na nakatitig sa nilalang na nasa kanya ng harapan

Humigpit ang hawak niya sa kanyang sandata na tipa ba doon siya humuhugot at kumukuha ng lakas, inaasahan na niya na magkakaharap sila ni Emir, pero hindi niya maintindihan kung bakit pinangangatugan siya ng tuhod, naging butil butil at namuo ang kanyang mga pawis sa noo

Tinatagan niya ang kanyang pagkakatayo at tumitig sa nilalang na nasa kanyang harapan na dahan dahang lumalapit sa kanya

"ALAM KONG GALING KA SA ANGKAN NI CORAZON AT ALAM KO DING NANANALAYTAY SAYO ANG AKING DUGO, NGUNIT BAKIT NASA PANIG KA NG KALABAN?!,"saad nito na nasa malalim at malagom na tono

"Mupa nga ako sa angkan ni Corazon, kaya mabuti akong tao, natural na kabutihan kaya sa kabutihan din ako papanig,"sagot niya dito, na biglang naalis ang ngisi na nakaguhit sa labi ni Emir pagkadinig ng mga tinugon ni Lolo Rene, matiim lang siyang tinitigan nito

"KUNG GANOON KUKUNIN KO ANG HULING HIBLA NG HININGA MO, SA PINAKAMASAKIT NA PARAAN,"banta nito sa kanya sabay ngisi

Kaya naman pumorma na sa isang labanan si Lolo Rene, kahit hindi man niya ito matalo pero batid niyanh si Vleane, si Vleane lamang ang may kakayahang makapaslang kay Emir

Iyon ang dahilan kung bakit nakakangiti pa siya sa mga oras na iyon, hinding hindi siya magsisisi kung sakali mang ibuwis niya ang kanyang sariling buhay sa mga sandaling iyon

Na tila ba nagbigay pa ng kalakasan sa kanya ang kaisipang iyon, kaya naman inunahan na niya ng pagsugod si Emir, ibinigay na niya ang pinakamalakas niyang pag atake para mataga iyon

Pinakita din niya kay Emir ang maliksi niyang pagkilos, tumakbo siya ng mabilis habang paikot ikot sa kanyang kalaban bago niya iyon sinugod ng kanyang sandata na minana pa niya sa kanyang ama na namana nama nito sa kanilang mga ninuno

Pero laking gulat ni Lolo Rene ng mahawakan ni Emir ang talim ng sandata gamit lamang ang dalawang daliri nito

Pinaikot ikot siya nito bago siya inihagis sa malayo, kaagad naman siyang bumangon sa kabila ng pinsalang kanyang natamo at kaagad siyang muling umatake kay Emir

At sa pagkakataong iyon ay nabihag na siya ng kanyang kalaban, mahigpit siya nitong sinakal sa leeg habang bumabaon sa kanyang balat ang mag matatalas nitong mga kuko habang tumutulo na rin ang dugo mula sa kanyang mga sugat

Iniangat pa siya nito ng may kataasan, dahil nga mas matangkad si Emir sa kanya, habang sinasalo naman ng dila nito ang dugo na dumadaloy mula sa kanyang leeg

"GAYA NG PANGAKO KO, KUKUNIN KO ANG BUHAY MO, SA PINAKAMASAKIT NA PARAAN, AHAHAHAHA,"halakhak nitong sabi sa kanya

Gamit ang daliri nito sa kamay na may mahahaba, matatalas at matutulis na kuko ay hiniwa nito ang kanyang tiyan habang nakaangat pa din sa ere

Mula sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang tiyan ang hiwang ginawa ni Emir, napapapikit na lamang sa sakit na nararamdaman si Lolo Rene ng mga sandaling iyon, napapasigaw sa sakit na nararamdaman

Nang mahiwa na ang kanyang tiyan ay inilabas nito ang kanyang lahat ng lamang loob, kinalkal pa nito ang loob ng kanyang tiyan para mailabas ang lahat ng dapat ilabas doon na mga lamang loob

Halos panawan na ng ulirat si Lolo Rene dahil sa mga ginagawa ni Emir sa kanyan, dahil tinitiyak ni Emir na ang lahat ng sakit ay mararamdaman niya at hindi nito hahayaan na malagutan kaagad siya ng hininga sa mabilis na paraan

Hindi din niya magawang makasigaw dahil sa pagkakasakal nito sa kanya, hindi pa nakontento si Emir, nagimbal na lamang si Lolo Rene ng dukutin nito ang kanyang dila gamit ang daliri na may matatalas na kuko, dinurog iyon ni Emir gamit ang mga kamay nito

Tanging pag ungol nalang ang nagagawa ng kaawa awang matanda ng mga sandaling iyon, habang walang tigip ang pag agos ng dugo mula sa kanyang bibig, sa nanghihina niyang katawan ay pilit niyang tinatawag ang pangalan ni Vleane gamit ang kanyang isipan, dahil nais niya iyong balaan tungkol kay Emir, ayaw niyang mapahamak ito at ang kanyang mga apo

Alam niya na anumang sandali ay mawawala na siya sa mundo, dahil sa mga ginawa ay pagpapahirap sa kanya ni Emir, wala iyong awa at higit sa lahat ay napakalupet nitong pinunong Asu-ang na dapat pag ingatan nila Vleane at Lucas, dahil wala iyong patawad kung pumaslang








Itutuloy

Kawawa naman si Lolo Rene😭😭😭😭

Paano na si Lucas? Ang mama nila?

Grabe ka Emir wala kang awa🤬🤬🤬🤬

Vleane patayin mo si Emir

Ano na ang manyayari sa kanila? Mamamatay ba si Lolo Rene?

Abangan....

Please leave a Comment and reaction

And dont forget to Vote and follow me

Thank you

•••••akiralei28

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon