°°°°Chapter 24°°°°
Ilang sandali pa ay nasa harapan na sila ng simbahan, bukas pa ang malakinh pintuan niyon at may dalawang taong nakabantay doon
Napatingin na lamang sila sa mga taong naroroon sa loob ng simbahan na doon na kaagad tumuloy ng mabalitaan ng mga iyon na nagsisimula ng manalasa ang mga aswang sa mga karatig Baryo
Nagpatiuna ng naglakad si Brent habang paika ika, hinanap nito ang kanyang ama at kapatid maging ang mga kasama nila sa pagroronda, habang nakasunod lang siya sa kasintahan
Nagtaka si Brent kasi nandoon na din ang kanilang Nanay Alicia at ang kanilang dalawang ate at ang mga pamangkin nila, napatango nalang si Veronica, kasi hindi nito alam na inilikas ng dalaga ang kanilang pamilya
Nagtataka din naman sina Tatay Rommel at Cris ay napangiti nalang sila dahil nakaligtas si Brent sa pagsalakay ng abwak dito at dala ng dalawa ang mga sandata na alam nila na galing sa bahay ni Lolo Ernie, nagkwentuhan sipa habang umiinom ng kape at kumakain ng tinapay
Sa labas naman ng simbahan ay may mga tanod na nagroronda para siguraduhin na ligtas ang mga tao sa loob ng simbahan, may mga dala iyon na sandata, kagaya ng gulok, pinatulis na kawayan at buntot ng pagi
May mga dala din silang banal na tubig, asin at kalamansi na nakalagay sa laruang baril barilan,
Lumabs naman ng mga sandaling iyon sina Brent at Nica para tumulong at magbigay ng makakain sa mga nagroronda sa labas
Pero natigilan silang pareho ng makadinig sila ng malalakas na pagaspas na nagmumula sa malalaking pakpak, alam nula na hindiniyon galing sa mga iyon dahil sobrang lakas niyon
Napangisi silang magkasintahan dahil alam nilang umaatikabong bakbakan na naman ang kanilang mararanasan,
"Sige,"sang ayon ni Brent bago tinakbo ang kampana ng simbahan
Kasama ang ilang tanod ay aabay sabay nilang pinatunog ang malaking kampana na nasa gilid ng simabahan, iyon ang kauna unahang pagkakataon na nadinig nila sa gabi ang kalembang ng kampana
Hudyat na iyon para sa paparating na sakuna o panganib, lahat ng mga tao na nasa kanila kaning mga tahanan ay nagsipaghanda na din, pati na din ang mga nasa loob ng simbahan
Isinarado na ng mga bantay doon ang malapad na pintuan, ang tanging mga nasa loob ng simbahan ay ang mga matatanda, bata at mga buntis,
Sina Amanda, Mayah at Aling Alicia ang nag aasikaso sa mga taong nasa loob ng simbahan, sila ang taga alp sa mga bata na umiiyak sa takot kasama ang ilang guro na nag volunteer para mamigay ng pagkain sa mga nandoon
Iyon ang kauna unahang pagkakataon na sinalakay sila ng mga aswang, kaya naging handa sila sa maaaring mangyari ng gabing iyon
Nakapaikot sila sa simbahan, kasama ang nga tanod, ang Kapitan ang ang ilang mga kababaryo nila na sumama na magronda habang ang iba ay nasa loob ng kanya kanyang bahay na nag aabang sa paglusob ng mga aswang
•
•
•
•
•
•
•
•Matapos patunugin ang kampana, humalili naman ang katahimikan sa buong paligid, pero ang bawat isa sa kanila ay nakikiramdam sa mangyayari
Sa bawat tahanan naman ay may mga pangontra, maging ang simbahan ay nilagyan na din nila ng mga pangontra sa buong paligod at sa loob para lang makasigurado sa kaligtasan ng nasa loob
Sa magkabilaang daan naman ay may mag sulo o ilawan na nakasabit at sa ibang bahagi ng Baryo, habang sa isang bakanteng lote na may kalayuan sa mga kabahayan ay may ilang mga kalalakihan ang nagsusunog ng goma, dahil ang amoy ng nasusunog na goma ay mabisa ding pantaboy sa mga aswang
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...